Chapter Sixteen
"Gosh Savitri, why did you said that?!"
Para akong tangang kausap ang sarili ko sa salamin. Naiinis ako. Did I just really confessed my feelings about him?
Wait.
He told me that he likes me too.
Totoo kaya 'yon?
"My gosh! What have you done to me, Anglo?"
Pabagsak akong humiga sa kama ko at tinitigan ang kisame. Napahawak ako sa aking labi nang maalala ko ang ginawa niya sa akin kanina. Anglo kissed me and worst is I didn't protest!
Pero ang lambot nang labi niya.
Iniling ko ang aking ulo at nagpagulong-gulong sa kama. Kung makaasta ako ay parang teenager ako na kakaamin lang sa kaniyang crush. Bakit ako ginaganito ni Anglo? He just told me that he likes me and kissed me without him giving me a hint!
Hint?
Kailangan bang magbigay ng hint kapag hahalikan mo ang isang tao?
"Ahhhhhhh! This is so frustrating!"
Hinagis ko ang unan ko sa pintuan at nabaling ang tingin ko sa maleta ko. Aalis na ako bukas. Pero bakit ganoon? Parang ayoko. I wanna stay here. Dahil ba sa paghalik sa akin ni Anglo kaya gusto kong manatili rito?
But how about my mom? My dad? Mike? My friends?
I shook my head. Kailangan kong umalis bukas dahil yung matagal ko ng hinihintay ay magiging akin na kapag umuwi ako. Ang Savi. My mom told me that I should try publishing company bago niya ipahawak sa akin ang kumpanyang matagal kong minimithi nang magtapos ako ng college.
At the same time, ayokong iwan ang pamilyang 'to. Ang pamilyang tumulong sa akin na iwan pansamantala ang buhay na nakasanayan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at dali-daling tinext si Mike.
To: Mike
Pick me up tomorrow night. I'll send you my location.
Pinatay ko agad ang cellphone ko nang makitang na-send ko na iyon kay Mike. Kinuha ko ang unan kong hinagis sa pintuan at ibinalik 'yon sa aking kama. I sighed. I need to talk to Anglo. Nang sabihin niya kase iyon sa akin kanina ay basta ko nalang siyang tinulak palabas nitong kwarto.
Pinihit ko ang doorknob ng kwarto ko at naabutan kong madilim na sa sala nila. Mukhang tulog na ata sila. Tinignan ko ang orasan at nakitang pasado alas diyes na ng gabi. Akmang papasok na sana akong muli sa kwarto ko nang may narinig akong nagsalita.
"Gising ka pa ah."
I looked at Anglo and I saw that he's standing few inches away from me while holding a glass. Nagkakape ata.
"Yeah," sandali akong lumingon sa paa ko bago lumingon muli sa kaniya, "We need to talk."
"Tungkol?"
Taka ko siyang tinitigan dahil sa sinabi niya. Seriously? Wala lang ba sa kaniya ang sinabi niya sa akin kanina? Kung umasta siya ay parang hindi siya umamin sa akin!
Lol, I confessed too.
"About earlier. We need to talk about that."
Tumango lang siya sa akin at lumabas na ng bahay nila habang hawak-hawak pa rin ang baso niya. Sinundan ko nalang siya hanggang sa nakarating kami sa likod ng bahay nila. Umupo siya sa isang bangko at tumingin sa akin, "Upo ka rito." Itinuro niya pa ang katabi niyang pwesto.
Nakayuko akong sinunod ang sinabi niya at umupo na rin.
"Kung nagtataka ka sa sinabi ko tungkol sa'yo, totoo 'yon. Walang halong biro 'yon, Savitri. Gusto kita."
BINABASA MO ANG
Kidnapper's Puppet
General FictionSavitri Khan is the only daughter of the one of the most powerful person in the industry. She gets what she wants, pero hindi iyon ang gusto niyang makasanayan. She wants the attention of her parents because they're just focusing on their oh so call...