01

644 18 0
                                    

“Walang Hanggang Pagtangis”

Isa‚ dalawa‚ tatlo‚ apat‚ lima.
Ilang beses mo naba akong niloko?
Ilang beses naba kitang nakitang kasama sya?
Ilang beses mo na rin bang sinayang ang tiwala ko?
Ilang beses mo na ba akong sinaktan?
Ilang beses pa ba kita kayang pagbigyan?
Hanggang kailan mo ba ako sasaktan?
Ilang luha pa ba ang ipapatak ng aking mga mata‚ matang mugtong mugto na.
Katatangis‚ sa isang taong salita’y ubod ng tamis.
Pag-ibig mo lang naman ang aking nais‚
Pero bakit hindi ka makapag tiis‚
at tuluyang sa piling ko'y ikaw ay lumihis‚
Sa iyong paglisan dulot saki’y walang hanggang pagtangis.

Sa paglipas ng panahon‚
alaala mo'y tila kutsilyong nakabaon;
Sa sobrang sakit ay hindi na makabangon.
Nalulunod sa sariling luha‚
hindi maka-ahon.
Atensyon ko'y sayo pa rin nakatuon‚
hindi malimot ang saya natin noon;
Panahon na ikaw at ako lang ang mayroon.

Binigay ko naman ang lahat‚ ngunit tila ba hindi pa rin sapat.
Ulo ko’y iniangat‚ tinanaw ang asul na dagat.
Sa patuloy kong pag lakad‚ urong sulong na alon ay sa paa ko’y lumalapat.
Kay lamig ng tubig‚ bawat hakbang lamim nito’y hindi ko na masukat.
Alon sayong pagdaan tangayin mo ang pakiramdam kong kay bigat.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon