03

373 18 0
                                    

“Hindi pa ba sapat?”

Binigay ko naman lahat‚ yung mga gusto mo binigay ko lahat.
Hindi pa ba sapat?
Kulang pa ba‚ aking pagdurusa; at araw gabing pagluha?
Ano pang gusto mo na hindi ko maibigay?
Hindi mo ba nakikita‚ nabulag ka na.

Tadhanang mapaglaro‚ ubod ng sakit pati puso ko’y pinaglaruan mo.
Mali ang iniisip mo‚ sa nakita mo.
Lahat ay planado‚ nais nilang paghiwalayin tayo.
Kung alam mo lang yung sakit na saki’y dinulot mo.
Nasa’n ang tiwala mo?

Bakit ayaw mong magtiwala?
Pangako mo ba’y nilimot na‚ at mas pinili mong maniwala sa maling balita?

Ano bang mali ang nagawa ko?
Tadhana sayo ba ay may atraso ako?
Bakit ganito!
Sakit‚ galit‚ at pagod‚
naghalo-halo na ang naramdaman ko.
Gulong gulo nako.

Sa pagpatak ng ulan‚ luha ko‚y nag unahan.
Tanging lungkot na lang ang naramdaman.
Nakatingin sa kawalan‚ kung ano ano ang pinag iisipan.
Araw gabi’y hinihila ng kalungkutan’ hinding hindi ako nilulubayan.

Pagmamahal sabi nila’y ligaya ang dulot mo‚ bakit ganon puro sakit‚ pait at galit ang natamo ko.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon