06

236 11 0
                                    

“Ipaintindi sa sarili”

Palagi naman akong nasasaktan‚
pero minsan ba may nakaalam?

Wala.

Pinili kong bibig ko’y itikom na‚
pagkat ni isa'y walang panahon na makinig‚
sa isang tulad kong kakaiba.
Tinakpan kanilang tainga upang hindi marinig ang aking tinig.
Aking tinig na ang nais lamang ay maging malaya.
Malayang makaro’n ng tagapakinig‚ sa mga hinanakit at salita.

Ni minsan ba may nakaintindi ba ng nararamdaman ko?
Wala‚ kahit nga ako hindi ko alam.
Palaging blangko ang isip ko‚
walang sinuman ang nakaalam ng tunay kong nararamdaman.
Maski ako nalilito‚
pinipit ipaintindi sa sarili ko;
ang mga bagay na hindi kayang intindihin at tanggapin ng puso ko.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon