04

308 15 0
                                    

“Maraming kaibigan”

Heto na naman ako‚
nalulungkot sa madilim na sulok na’to.
Tinatanong ang sarili ko‚
habang sinusulat ang bawat letra nito.
May mali ba sa sarili ko?
Bakit ganito‚ hindi nako sanay sa tao.
Ibig kong sabihin ay hindi nako marunong makihalubilo‚
nagbago na ba ako?
Sa tuwing makikipag-usap ako sa kamag-aral ko‚
sa pakiwari ko tila ba’y pilit lamang ang pagsagot nito.

Wala akong maramdaman‚
kundi ang kawalan.
Dalawang taong pananatili sa loob ng tahanan‚
makalabas ng tahanan ay minsanan.
Sabik na sabik na masilayan‚
ang mundong matagal kong ’di namasdan.
Nais kong ng maraming kaibigan‚
ngunit nawala na ata ang interes kong makipag-kaibigan.

Sa dinami-rami kong naging kaibigan‚
ni isa walang naiwan‚
karamiha'y ako ay nalimutan‚
madalas ay nariyan lang pag may kailangan‚
yun narin siguro ang dahilan‚
kung bakit hindi nako nakikipagkaibigan;
at kung bakit hindi nako marunong makipagkaibigan.
Ayoko nang makipagkaibigan‚
ayoko nang pekeng kaibigan‚
ayoko nang mabigyan ng kaligayahang panandalian;
na ang kapalit ay walang hangang kalungkutan.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon