07

213 13 0
                                    

“Bulok na sistema”

Wala akong kwenta sabi nila.
Wala akong silbi sabi nila.
Wala akong magagawa sabi nila.
Wala akong kwenta‚ baka nga.
Puro nalang pagkakamali ang aking nagagawa.
Ni minsa’y walang nagawang tama.
Sa mata niyo’y ako’y katawa-tawa‚ hindi binibigyan ng halaga.
Walang halaga‚ haha nakakatawa.
Bakit ko ba inisip na nagkaroon ako ng halaga‚ ni minsan ba sakin ba’y may nagpahalaga?
Wala‚ tanging nararamdaman ko’y pag-iisa.

Sabihin na natin na mahalaga nga ako‚
pero yun ay kung may kailangan kayo.
Saka niyo lang naman naaalala pangalan ko‚
sa tuwing may kailangan kayo.
Anong klaseng mundo to?
Paano naman ako?
Kailangan ko rin naman kayo.
Nakikinig ako sa problema niyo‚
pero yung akin ba?
Yung akin ba pinakinggan niyo?
Hindi ’di ba‚
bagkus na pakinggan ay pinagtawanan niyo pa.
Bulok na sistema‚
pakikinggan ka kapag may maibibigay ka.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon