05

254 14 0
                                    

“Masamang tao”

Ang pagiging mabuti ay isang katangahan‚
dahil ang mabuti ay laging napagsasamantalahan.
Kung sa tingin mo ay ito’y isang kasalanan‚
pwes para sa’kin ito ang katotohanan.

Kung ang mabuting tao ay nasaktan‚ magpapatawad siya.
Sasaktan ulit‚ magpapatawad ng paulit ulit.

Magtiwala ay ginagawa nila‚ sinayang ng iba; pinatawad pa.

Handang isakripisyo maging sariling buhay‚ pero ano? Wala namang napala.

Walang taong hindi naging mabuti‚ lahat ay mabuti.
May mga tao lang talaga na abuso.
May mga taong kahit binigay mo na ang lahat hindi pa rin sapat‚ yung tipong kahit buong mundo pa ang ibigay mo hindi pa rin makuntento.
Mga taong pinagkatiwalaan mo‚ pero sila pa mismong papatay sayo.
Mga taong akala mo nagmamahal sayo‚ pero sila pa mismong magdudulot ng sakit sayo.
Mga taong akala mo mabait‚ pero siya palang sasaksak sayo pagtalikod mo.
’Yan ang kadalasang dahilang kung bakit nagiging masama ang isang tao.

Pang-aabuso‚ yan rin ang isa sa dahilan kung bakit nagiging masama ang tao.
Dahil sa minsan nang nagtiwala at napunta sa lang wala‚ minabuti nalang na hindi magtiwala.
Mga taong walang pinagkatiwalaan‚ dahil lubos ng nasaktan ng mga taong pinagkatiwalaan.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon