02

439 18 0
                                    

“Pilitin mo”

Ano ba naman itong puso ko‚ bakit puro lungkot ang nilalaman mo?
Maging masaya ka‚ pilitin mo!
Pahirin ang luha mo‚ huwag hayaang may makakita sayo!
Puso mo’y gawing bato‚ itago ang naramdaman mo; pagkat ni isa’y walang makaiintindi sayo.

Mababa pa rin ang marka‚ isip ko ikaw ba’y napapagod na?
Puso ko ikaw ba’y nabibigatan na?
Mga mata kong namumugto na‚ mapagod ka nang lumuha mag isa.
Kamay ko tama na‚ huwag mo nang ipilit pa; ako’y napapagod na.
Kung akala mo ako’y susuko na‚ nagkakamali ka!
Ako muna’y mag papahinga‚ babangon muli sa umaga.

Ipipilit ko pa‚ para sa pangarap kong marka.
Ubod nang taas naka tingkayad na‚ narito'y tumatalon na; pursigidong maabot ang mumunting pangarap.
Sa bawat pag kurap‚ mga mata nila’y naka irap.
Duda na maaabot ko ang aking pangarap.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon