08

202 13 0
                                    

“Inabuso ng tao”

Ikaw ang ina ng mundo‚
kung wala ka marahil wala rin ang mundo.
Napakaga ganda mo‚
tahanan ang turing sayo;
ngunit inabuso ka ng mga tao.
Pinagpuputol ang mga puno‚
gumawa ng iba’t-ibang produkto.

Karagata’y binulabog niyo‚
mga dinamita’y ginamit niyo.
Mga hayop ay pinaghuhuli niyo‚
ibinenta ng mahal sa merkado.
Mga kemikal ay naimbento‚
gumawa ng maraming eksperimento‚
nagpatuloy sa pagtuklas ng bago.

Marami na ang nagbago‚
marami na any nabura sa mundo‚
at marami na rin ang naimbento.
Ibang-iba na ang mundo‚
ibang-iba sa nakasanayan ko.
ang dating napakagandang mundo‚
ngayo’y nagbago,
narito at tila ba’y naghihiganti sa mga tao‚
kinukuha at sinisira ang mga nilikha nito.
Mga halama’y nangatuyo‚
kagubatan ay nakalbo.

Ang simoy ng hangin ay nagbago‚
hindi na ito sariwa tulad ng naaalala ko.
Halos puro estruktura ang nakikita ko‚
nasaan ang mga puno?

Patawarin mo ako‚
ito lang and magagawa ko.
Ang ilarawan ang kagandahan mo‚
ang hangaan ang kagandahan mo‚
ang alalahanin kung paano ka nagbago‚
kung paanong inabuso ka ng mga tao.
Kahit ipilit ko‚
hindi na maibabalik ang dati mong anyo.
Ang mga tao‚
sinira ang kagandahan mo.
Tahanan ko ay naging magulo‚
puro kalat ang nakikita ko.

Mga Luha At TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon