Chapter 20

1.6K 55 46
                                    

Sam's POV

"Are you sure about this?" tanong ni Aljosh nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Sherwin.

"Yes. Ngayong naibigay na sa akin nila Sherwin at Rina lahat ng dapat ay sa akin, ayaw ko nang magkaroon pa ng koneksiyon sa kanila. I want to cut everything with them." sagot ko naman.

Bago umalis si Kuya Jake kanina sa bahay ay  sinabi niya sa akin na naibigay na ni Nelson lahat ng kailangan, in short, naibalik na sa akin nila Sherwin at Rina lahat ng sa akin.

"I will wait for you here." sabi ni Aljosh na tinanguan ko.

Pagkababa ko sa kotse ay napabuntong-hininga ako. Hindi ko akalain na muli akong tatapak dito pagkalipas ng isang buwan.

Isang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang malaman ko ang panloloko sa akin ng dalawang taong mahalaga sa akin, pero masasabi kong hindi na ako gaanong nasasaktan tulad noon. Hindi ko alam kung bakit, pero wala talaga akong ibang naiisip ngayon kundi ang putulin ang koneksiyon ko sa kanila.

Nang makalapit ako sa pinto ay agad akong kumatok. Pero nakakatatlong katok na ako ay wala pa ring nagbubukas. Alam kong nandito na sila, dahil ayon kay Czarina, the two of them never had overtime work since Rina got pregnant and decided to live together.

Naglakas na ako ng loob na hawakan ang doorknob at buksan ang pinto. As expected, hindi na naman iyon naka-lock. Sherwin never locked his doors, maliban na lang kung aalis siya o matutulog na sa gabi.

Agad napakunot ang noo ko nang tuluyan na akong makapasok. There are clothes scattered everywhere. One look and I know what they are currently doing.

Walang pagdadalawang-isip na pumunta ako sa taas. Habang papalapit ako sa kwarto ni Sherwin ay papalakas rin ang mga ungol na naririnig ko.

'It is just like last month. Ganitong tagpo rin ang naabutan ko noon. But the difference is ngayon hindi na ako sobrang nasasaktan.'

The bedroom door is slightly open and like last month, I witnessed again the two of them having sex. Sherwin is on top of Rina and they were both naked.

Pero kung noon sakit ang naramdaman ko, ngayon, nandidiri ako sa nakikita ko.

Binuksan ko nang malaki ang pinto na dahilan para matigil sila sa ginagawa nila at mapatingin sa akin. Their eyes widened and their faces turned pale when they saw me. Agad silang naghiwalay at hinila ang kumot upang takpan ang katawan nila.

"S-Sam, l-let me expalin. It's not like what you think." kinakabahang sabi ni Sherwin.

Agad kong tinaas ang kanang kamay ko para patigilin ko siya sa pagsasalita.

"Get dressed. I have something to talk to you. I will be waiting downstairs." malamig kong wika at tapos ay tinalikuran ko na sila at bumaba na.

Nang marating ko ang living room ay hindi ako nagbalak na umupo sa sofa. Just thinking na may ginawa rin silang kababalaghan sa sofa is already making me feel disgusted kaya naman hindi ko kayang maupo doon. And you can't blame me kung iyon ang nasa isip ko, dahil nagkalat ang mga damit nila sa buong sala.

Lumapit ako sa bintana at hinawi nang konti ang kurtina. Aaminin kong nasasaktan pa rin ako ngayon, pero hindi na kasing sakit noong unang beses na natuklasan ko ang tungkol sa pagtataksil nila. Parang nasasaktan na lang ako dahil nasira 'yong tiwalang binigay ko sa kanila.

Agad akong napangiti nang makita kong ibinaba ni Aljosh ang bintana ng kotseng kinaroroonan niya. Naka-park iyon sa tapat nitong bahay.

To be honest, kinakabahan ako sa mangyayari ngayon. At kung pwede ko lang isama dito sa loob ng bahay si Aljosh to ease my nervousness ay ginawa ko na. But I know that this is not yet the right time para makilala nila si Aljosh. But knowing na nasa malapit lang siya at handa akong suportahan at tulungan ay napakalaking bagay na para mabawasan ang kabang nadarama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Blitz Marriage: Married At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon