Chapter 4

611 36 2
                                    

Sam's POV

It is only 5:30 in the morning pero nandito na ako sa Penthouse 1, ang hotel room ni Albert. Dadating na daw kasi yung judge na magkakasal sa amin. Kasama din namin si Mang Alfredo, his driver, to be one of our witness. Ang isa pang witness ay ang assisstant ni Albert na si Travis, papunta pa lang siya dito. Si Travis din kasi ang sumundo sa judge.

10 minutes before 6 ng bumukas ang pinto. Unang pumasok ang isang lalaki na nakasalamin, and I think it is Travis.

"Boss, nandito na si Judge Sarmiento." sabi ni Travis at kasunod niyang pumasok ang isang lalaki na nasa edad 60 pataas.

"Good morning, Judge." magalang na bati ni Albert.

"Good morning, Albert. You're too formal. Para namang hindi ka lagi sa bahay mula noong highschool kayo." natatawang saad ni Judge.

"Gumagalang lang po, Judge. Please take a sit."

Umupo kami ni Albert sa may couch. Sa tapat naman namin na couch si Judge Sarmiento, napapagitnaan namin ang isang coffee table. Si Travis naman ay nakaupo sa single couch na nasa kaliwa ko at si Mang Alfredo naman ay nakaupo sa single couch na nasa kanan ni Albert.

Nang nakaupo na kami ay nilingon ako ni Albert. "Judge Arnold Sarmiento is the father of my friend Arianne." tapos ay hinarap niya si Judge Sarmiento. "Judge, this is my wife-to-be, Samantha."

"Good morning po." nahihiyang bati ko.

"Good morning. Ikaw ba ang malas na babae na mapapangasawa ni Albert? Sigurado ka na ba sa desisyon mo, hija." biro ni Judge na nagpatawa sa akin. "Kidding aside, hija, swerte ka dito kay Albert. He is a very responsible young man, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, at pamilya ang turing sa mga kasambahay at empleyado. Pagpasensyahan mo na nga lang at napaka-workaholic niya. Magagalitin rin siya at perfectionist lalo na sa trabaho. Most of the time he has cold personality, pero may time naman na hindi siya ganon. Just try to get to know each other's mood and attitude. Kapag mag-asawa na kayo at nagsasama na sa iisang bubong doon n'yo lang malalaman ang tunay na ugali ng isa't isa. Married life is far more different than when you are still dating. I just hope na hindi kayo matulad sa ibang mag-asawa na nauwi sa hiwalayan."

Nagtataka kong tiningnan si Albert. Base kasi sa sinasabi bi Judge, ang alam nito eh matagal na kaming magkarelasyon. But Albert just smiled at me kaya muli kong hinarap si Judge.

"Don't worry, Judge, tatandaan ko po lahat ng sinabi n'yo."

"Aasahan ko iyan." tapos ay ngumiti si Judge. "May hinihintay pa ba tayo?" tanong pa niya kay Albert na umiling lang bilang sagot. "Shall we start?" tanong uli niya na tinanguan lang ni Albert.

Tumayo si Judge kaya tumayo na rin kaming lahat.

It is a simple wedding ceremony pero ramdam ang sinseridad namin ni Albert. We may not love each other but I know that we will both do everything to make this marriage work.

After the wedding ay kumain lang kaming lahat ng breakfast bilang celbration. Pagkatapos kumain ay nagpaalam agad si Judge Sarmiento, madami pa daw kasi siyang gagawin sa opisina.

Nandito ako ngayon sa kotse ni Albert, hinihintay ko siya. Nagbibilin kasi siya kay Travis dahil hindi siya papasok ng ilang araw. Tutulungan daw kasi niya akong maglipat at aayusin din daw namin ang magiging bahay naman.

Inililibot ko ang paningin ko dito sa kotse n'ya. I'm not a fan of cars kaya hindi ko alam ang unit, but his car is a Jaguar at alam kong mamahalin ito.

Busy pa rin ako sa pagmamasid sa kotse ni Albert ng mag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Czarina is calling kaya sinagot ko agad.

"Samantha, ano'ng gagawin ko? Fralanciana Empire emailed me. They are giving me 24 hours to explain kung bakit ko sinubukanh i-hack ang system nila. Or else they will sue me." nagpa-panic na sabi ni Czarina.

The Blitz Marriage: Married At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon