Chapter 18

994 39 15
                                    

3:30 pm na nang makarating ako sa AJ Snack Bar & Restaurant kung saan kami magkikita ni Sherwin.

Nandito pa ako sa loob ng kotse. Hinihintay ko pa kasi si Kuya Jake, iyon kasi ang bilin ni Aljosh. As usual, kasama ko sila Trevor, Trent at Trinity.

Mula dito sa pwesto ko ay kitang-kita ko si Sherwin. He is doing something in his phone, tapos ay isinilid niya iyon sa bulsa. Pagkatapos ay lumingon siya sa paligid na tila may hinahanap, nang walang makita ay tumayo siya at pumunta sa kabilang dulo ng restaurant.

'Tsk. Sabi ko na nga ba.'

Tama nga hinala ko. Dahil ang pinuntahan ni Sherwin ay ang mesa kung saan nandoon sila Nelson and Rina.

Kitang-kita ko rin kung paano umupo si Sherwin sa tabi ni Rina at tapos ay hinalikan ito sa labi. He then put his arms around Rina's shoulder at si Rina naman ay humilig kay Sherwin. They look like a sweet couple who really love each other.

'Pero ang nakakapagtaka, bakit hindi man lang ako nasasaktan o nakakaramdam ng kahit konting selos? Naka-moved on na ba agad ako?'

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa kotseng sinasakyan ko. Agad kong ibinaba ang salamin nang makitang si Kuya Jake iyon.

"Mauna ka na sa loob. May kailangan lang akong tawagan. But rest assured na lalapit agad ako kapag may napansin akong hindi maganda. At tulad nila Trevor, I will also sit at a table near you." sabi agad ni Kuya Jacob.

"Thank you, Kuya." pasasalamat ko naman.

"Sige, doon na muna ako." saad pa niya bago pumunta sa may kotse niya.

Nang makaalis si Kuya ay bumaba na ako ng kotse. Hindi kalayuan sa akin sila Trevor, Trent at Trinity. Pero they make sure na ang distance ko sa kanila ay safe at hindi aakalain ng sinoman na kasama ko sila.

Nang makapasok ako ay nakita kong tumayo agad si Sherwin. But I act na hindi ko siya napansin. Nagpalingon-lingon ako na kunyari hindi ko alam kung nasaan siya.

After few seconds ay nakalapit na siya sa akin.

"Bakit ngayon ka lang? 2:00 pm usapan natin ah." agad niyang sabi sa akin.

"Sorry, nakalimutan ko. Madami lang talaga akong ginagawa this past few days." katwiran ko naman.

"Tara. Nando'n table natin." he was about to touch me pero pasimple akong umiwas.

Nakita kong medyo nagtaka siya sa inasal ko pero umuna na rin siya sa kinauupuan niya kanina.

"Waiter, i-serve mo na order namin." agad niyang utos sa malapit na waiter nang makaupo kami tapos ay humarap siya sa akin. "I hope you don't mind, pero ang tagal mo kasi kaya ako na ang nag-order ng para sa atin."

"Ok lang." sagot ko naman.

"Nagutom rin ako sa paghihintay kaya combination of snack and heavy meal ang in-order ko." dagdag pa niya na tinanguan ko lang.

"What are you wearing?" tanong niya sa akin makalipas ilang saglit.

"Ano'ng masama sa suot ko?" nagtataka kong tanong.

I am wearing a baby pink t-shirt na may mga bulaklak, maong pants and rubber shoes. Wala namang nabanggit si Aljosh na masama sa suot ko kanina, ah.

"It's so simple. Parang tatambay ka lang sa kanto at hindi makikipag-date." naiinis ng wika niya.

I looked around at nangunot ang noo ko nga makitang t-shirt at pantalon din naman ang suot ng mga nasa paligid namin.

"Dito ako komportable kaya ito ang suot ko." sagot ko na lang para hindi na humaba ang usapan.

The Blitz Marriage: Married At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon