Sam's POV
Fifteen minutes before seven in the evening pa lang pero nandito na ako sa VIP room ng Rina's at hinihintay si Mr. Fernan Galo. Alam kong may plano sila Sherwin at Rina but I don't exactly know what it is.
Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko pang nasa bahay ako nagbabasa kasama si Aljosh, and of course kasama din ang dalawang puppy na sina Hikaru at Lantis.
"Hi! Sorry, I'm late." sabi ng isang lalaki na umupo sa harapan ko.Tama lang naman ang pangangatawan niya, hindi siya payat pero hindi rin siya mataba. He is handsome, pero mas gwapo pa rin si Aljosh.
"I'm Fernan Galo." pakilala niya na inilahad ang kamay na tinanggap ko.
"I'm Sa-"
"Samantha. I know you. Madalas kitang makita sa mga party and business gatherings. Kasama ka lagi ni Sherwin Velasquez." putol niya sa sinasabi ko na ningitian ko bilang tugon.
"Shall we start?" tanong ko sa kanya.
"Relax. The business can wait. We can have dinner first. Talk about ourselves, get to know each other."
"I'm sorry, Mr. Galo. But I came here to talk about business only."
Bumuntong-hininga siya bago magsalita. "Okay. But can we have our dinner first?" he asked and I nodded.
Pagkatapos ay sinenyasan niya ang waitress na nasa may pinto na agad namang lumapit sa amin.
"Serve our food." utos niya na agad namang sinunod nito.
Tahimik lang kami habang hinihintay makabalik yung waitress. Madali lang naman kasi 'yon dahil sila Sherwin na ang nag-dacide kung ano ise-serve sa amin at sure ako na luto na 'yon ngayon.
Hindi nagtagal ay dumating na yung waitress na may tulak na food cart. Inilagay niya agad ang mga pagkain sa mesa namin.
"Sinabi nila Rina na Filipino foods ang paborito mo." sabi ni Fernan nang mailagay na lahat ang pagkain at lumabas na yung waitress. "Hindi ako mahilig sa Filipino food, pero dahil paborito mo 'yan na ang ni-request ko kina Sherwin. And for you, kakain ako ng mga 'yan."
Ang daming pagkain sa harapan namin. Buti na lang at medyo malaki ang mesa namin kaya nagkasya lahat. Parang may handaan sa dami. Merong bulalo, caldereta, embotido, hardinera, pastel, lumpiang ubod, at kung anu-ano pa.
"Let's eat." aya ni Fernan na tinanguan ko.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. But I feel uncomfortable and strange kasi nakatingin sa akin si Fernan. Kumakain din siya pero nakabantay siya sa bawat galaw ko.
'Creepy!'
Parang may binabalak siyang masama. At nagsisimula na akong kabahan. To ease my nervousness, I take a sip of my red wine. Na sana eh hindi ko pala ginawa. Because I swear, nang mangalahati ko na ang wine ko at inilagay ko na ulit sa mesa ang wine glass, I saw Fernan smirked.
Imbes na mabawasan kaba ko eh lalo akong kinabahan. Lalo na nang tumigil na si Fernan sa pagkain at sumandal sa upuan niya at tinitigan ako nang harap-harapan.
"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" he asks me.
"To talk about business." sagot ko naman.
"Do you really believe with that excuse?" sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "You are not here to talk about business. You are here para tupadin ang napagkasunduan namin para matuloy ang business."
"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.
"Matalino ka naman at alam kong malalaman mo rin mamaya or bukas ang sasabihin ko. Pero mas gusto kong i-detalye sa 'yo ang lahat." sabi niya na may mapaglarong ngiti sa mga labi. "Gustong lagyan nila Rina at Sherwin ng pampatulog ang pagkain at inumin mo. So that I can do whatever I want to do with you. At ang kapalit no'n ay ang pagpayag ko na Rina's ang mag-ke-cater tuwing magpapa-party ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/153313845-288-k886412.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blitz Marriage: Married At First Sight
RomanceSobrang nasaktan si Sam nang matuklasan niyang niloloko siya ng kanyang fiancé. He cheated with her bestfriend. Dahil sa kagustuhan ni Sam na maklimot sa sakit na nararamdaman, napagdesisiyunan niyang lunuring mag-isa ang sarili sa alak. Pero dahil...