Chapter 17

1.1K 39 26
                                    

By 3 P.M. tapos na ang mga meeting ni Aljosh. At tulad nang sabi niya pumunta kami sa FE Mall.

Pagkarating na pagkarating namin ay agad akong nag-aya sa Jollibee. I ordered 2 pcs. Burger Steak, Jolly Hotdog Cheesy Classic, spaghetti, palabok, 1 pc. Chickenjoy, cheese burger, jumbo fries, chocolate sundae, 3 choco-mallow pie and Royal for the drinks.

"Hanap ka na ng mauupuan natin, ako na lang bahala magdala ng order natin." bulong ni Aljosh sa akin.

I turned a little and saw their cabinet kung saan nakalagay ang mga featured Jolly toys nila.

I almost forgot about them. Isip bata na kung isip bata, but I really love collecting toys and goods from Jollibee and Mcdo. At dahil madalang ako mag-mall, I always make sure na lagi kong binibili agad ang complete set niyon.

But I guess this time would be different. Ang dami ko ng na-order. Kakahiya kung dadagdagan ko pa iyon ng apat na Kiddie Meal.

"Is there a problem?"

Nakangiti kong nilingon si Aljosh at umiling. "Wala. Hahanap na ako ng mauupuan natin." saad ko at naglakad na palayo sa counter.

"I'll order everything she had ordered." narinig ko pang sabi ni Aljosh.

Hapon pa lang kaya medyo madami pa ang bakante. But I'm sure na maya-maya lang eh dadami rin tao dito.

Napili kong upuan eh yung nasa sulok na good for four. Sa dami kasi ng order namin siguradong hindi magkakasya iyon sa isang table lang.

While waiting for Aljosh ay naisipan kong mag-log in sa facebook. I do have all kinds of social media accounts, pero madalang ko 'yon buksan, at kung buksan ko man ay lagi ko lang tinitingnan accounts ng mga kaibigan ko. Sila din naman ang dahilan bakit ako napilitang magkaroon ng social media accounts, para daw updated kami lagi sa isa't isa.

I miss my girl friends. Matagal na rin mula nung huling sama ko sa lakad nila. Which reminds me, iniimbita nga pala ako ni Czarina this coming Friday. It is her cousin's b-day. Pag-iisipan ko kung pupunta ako.

I am scrolling on my facebook when a post from Nelson caught my attention. It is posted two months ago. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha ito noong b-day niya na ginanap sa kanilang bahay. Hindi ako sumama kay Sherwin noon kasi ang sabi niya it is only a small party na sila-silang magkakaibigan lang.

But I guess nagsinungaling sa akin si Sherwin dahil the picture was a selfie of Nelson with his girlfriend. At sa likod nila ay ang iba pa nilang mga kaibigan na kasama rin ang kanilang girlfriends. Tanging sila Nelson at ang girlfriend lang niya ang nakatingin sa camera.

But what really caught my attention is the couple na nasa gilid ng pool. The boy is sitting at the sun lounger at yung girl naman is nakakandong sa kanya. The boy is holding the girl's waist and magkalapit ang mga mukha nila na tila maghahalikan sila. Hindi sila masyadong kita dahil medyo malabo na yung part nila. Pero dahil I know them too well at ako ang bumili ng mga suot nilang one-piece swimsuit at board shorts, agad ko silang nakilala, Sherwin and Rina.

'So, his friends knew.'

Kaya pala hindi nila ako matitigan sa mata. At kahit mga girlfriends nila eh medyo ilag na rin sa akin.

I just shrugged my shoulders, logged out and put my phone back on my bag. Tiningnan ko na lang si Aljosh na nasa counter pa rin at hinihintay ang order namin.

'Pero bakit gano'n? I saw them almost kissing pero bakit parang wala akong makapang sakit. Is it because nakita ko na rin sila ng higit pa sa kissing ang ginagawa? O may iba pang dahilan?'

Hindi na ako natuloy sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil nakita ko na si Aljosh na papalapit sa aming mesa na may dala-dalang tray. Sa likod niya ay dalawang waiter na may mga dala ding tray.

The Blitz Marriage: Married At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon