Chapter 8

588 31 0
                                    

Sam's POV

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay. Pauwi na sila Kuya at inihahatid ko sila sa sasakyan nila. Si Albert naman ay hindi na sumama sa paghahatid para magkaroon pa kaming magkakapatid ng oras na mag-usap-usap.

It's already 11 o'clock in the evening, pero ngayon lang sila aalis. Napasarap kasi ang kwentuhan at asaran namin. At nagulat ako kasi mas matagal nilang nakausap si Albert kaysa sa akin, they talked about business and politics. They also talked about our childhood days, especially about me na para bang hindi nila ako kasama at hindi ko sila naririnig.

I'm glad na madali nilang nakapalagayan ng loob si Albert. Noong ipakilala ko sa kanila si Sherwin hindi sila relax na tulad kanina. Ni hindi nga rin nila nakakakwentuhan ng matagal si Sherwin.

Hindi pa sana talaga aalis ang mga kapatid ko kung hindi lang sila tinawagan ng mga pinsan namin. May lakad kasi sila, at matagal nang hinihintay ng mga pinsan namin ang mga kapatid ko.

"Thank you sa pagbisita. At thank you rin sa pagtanggap kay Albert." sabi ko sa kanilang lima.

"We like Albert for you. Kita rin namin na kahit hindi pa malalim ang relasyon n'yo eh inaalagaan at inaasikaso ka niya." sabi ni Kuya Steve.

"Since we were in college until now, wala akong nabalitaan na naging girlfriend n'ya or fling. He is not a playboy. Noong college kami wala siyang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral, napakadalang niyang um-attend ng party or any gatherings. And now that he is a businessman, pumupunta lang siya sa mga party and gatherings kapag kailangan lang talaga niyang um-attend.

"And he may be a strict workaholic businessman but he still knows how to get along. Unlike your ex na ang gusto eh siya ang pakikisamahan at kami lang ang mag-a-adjust." mahabang paliwanag ni Kuya Kurt.

"Thank you pa rin. Akala ko talaga magagalit kayo."

"Alam naman kasi namin na hindi ka mapapasama kay Albert. Kaya bakit kami magagalit?" wika naman ni Kuya Alex.

"Do you really have to go? It's almost midnight, dito na alng kaya kayo matulog? I'm sure Albert won't mind."

"We love to stay, na-miss kaya namin ang pinakamaganda naming kapatid. But today is the third Saturday of the month. Alam mo namang every third Saturday eh may boys night out kami with our cousins." sagot ni Kuya Brent.

"Lagi na lang akong hindi kasama."

"Huwag nang magtampo. Next month sama ka namin pati si Albert. At kung papayag asawa mo dito kami matutulog pati mga pinsan natin." pang-aalo sa akin ni Kuya Ralph.

"Promise?"

"Promise. Ikaw pa ba, eh ikaw ang pinakamaganda naming kapatid." natatawang wika ni Kuya Brent.

"Kanina ka pa ah. Talaga namang ako ang pinakamaganda ninyong kapatid kasi ako lang ang babae sa atin." nakalabi kong turan.

"Eh di, pinakamaganda na lang sa ating magpipinsan." natatawa ring sabi ni Kuya Steve.

"Eh ako lang din ang babae sa ating magpipinsan, mother side man o father side." sagot ko na ikinatawa nilang lahat.

"Sige na, Princess, pumasok ka na. Kailangan na naming umalis at kanina pa text ng text sila Gab." sabi ni Kuya Ralph na ang tinutukoy eh pinsan namin.

Madalas akong tawaging 'princess' ng mga kapatid at pinsan ko. Ako daw kasi yung nag-iisang babae sa aming magpipinsan kaya ako ang prinsesa nila. But my brothers sometimes call me with other endearments lalo na kapag naglalambing sila o nagpapalambing.

"Goodnight, Sweetheart." sabi ni Kuya Kurt tapos ay niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Sweet dreams, Darling." sabi naman ni Kuya Steve na tulad ni Kuya Kurt ay niyakap din ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

The Blitz Marriage: Married At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon