Chapter 12

645 30 3
                                    

Sam's POV

Nandito ako sa kusina, katatapos ko lang magluto at mag-bake. For the past two days wala akong ibang ginawa kundi mahiga, matulog, manood ng tv at movies, mag-cellphone at mag-alaga kina Hikaru at Lantis.

Hindi kasi ako pinayagang gumawa ng gawaing-bahay ni Aljosh, kailangan ko daw kasi magpahinga at magpagaling. Habang siya naman ay pumapasok sa opisina n'ya.

Kaya ngayon na pwede na akong gumawa ng gawaing-bahay, nagluto ako at nag-bake. Kahit naman kasi may mga kasambahay kami eh gumagawa din ako dito sa bahay. Ayaw ko kasi ng wala akong ginagawa.

Anyway, naglalagay ako ngayon ng mga niluto ko sa lunch box. Balak ko kasing dalhan si Aljosh.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Travis.

Yes! May number na ako ni Travis at Aljosh. Binigay sa akin ni Aljosh para daw matatawagan ko sila anytime.

"Hello, Madam?" sabi ni Travis nang sagutin niya ang tawag ko.

"Travis, may lunch meeting ba si Aljosh?" tanong ko naman.

"Wala po, Madam."

"Great. Ahm punta ako diyan. Magdadala ako ng lunch n'yo."

"Sige po. I'm sure matutuwa si Boss. Magpapadala po ako agad ng driver para po sunduin ka."

"No need. Magpapasama na lang ako kay Mang Alfredo."

"Sige po."

"Bye." paalam ko kay Travis.

"Bye."

Pagkatapos nang tawag ay inilagay ko na sa isang bag. Pagkatapos ay nagtimpla ako ng fresh orange juice at inilagay iyon sa tumbler.

Nang matapos kong igayak ang mga dadalhin ko ay pinuntahan ko si Manang Lydia na nasa salas at naglilinis kasama ang iba pang kasambahay.

"Manang Lydia, pasabi po kay Mang Alfredo na aalis kami. Dadalhan ko po ng pagkain si Aljosh, magbibihis lang po ako." sabi ko kay Manang Lydia na napangiti sa sinabi ko.

"Kaya naman pala ang saya mo kanina sa kusina kahit mag-isa ka lang doon at ayaw mo kami patulungin." sabi ni Manang Lydia sa nanunuksong tinig.

"Manang naman."

"Sige na, magbihis ka na. Ako nang bahala magsabi sa Manong Alfredo mo." nakangiting sabi ni Manang Lydia kaya naman napapailing na lang ako na pumunta sa kwarto.

Kakapasok ko lang ng kwarto nang mag-ring ang cellphone ko, agad ko iyong kinuha sa bulsa ng short ko at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" sabi ko habang papasok ako ng bathroom.

Maliligo ako ng mabilis. Kakahiya namang pumunta ako ng Fralanciana Empire nang amoy kusina ako.

"Mahal Ko, nasaan ka? Saan ka ba talaga lumipat? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?"

Napataas ang isang kilay ko ng marinig ko ang tinig ni Sherwin.

"What do you want, Sherwin?" tanong ko na hindi maitago ang inis sa boses.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ibinenta nila ako. We were in a relationship since college. I never cheat, I always support him, I do everything for him and give everything I can give.

Well, except for one thing, my virginity. Pero hindi naman 'yon sapat na dahilan para lokohin niya ako, at lalong hindi iyon sapat na dahilan para ibenta niya ako.

"Sam, I know na galit ka sa akin, sa amin ni Rina. But what happened last time was not our fault. It's a misunderstanding."

"Really?" I smirk with what he said.

The Blitz Marriage: Married At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon