I SPENT my vacation thinking of him and reminisce our memories. Kung kaya ko lang pigilan ang sarili ko na 'wag siyang isipin ay ginawa ko na. Ang ewan lang 'no? Sariling isip natin ay hindi natin makontrol.
He's taking over my mind.
Kahit na kasama ko ang pamilya ko na nanunuod ng movie marathon sa TV ay hindi ko gaanong na eenjoy 'yon sa kakaisip sa taong nag-give up sa akin. Bumabalik balik sa alaala ko ang mga nangyari sa dalawang taon naming relasyon. Parang flashback lang pero hindi ko gusto na iniisip ko siya. At the same time, pinipigilan ko rin ang sarili ko na iistalk siya sa social media. Pwede ko rin namang kamustahin siya sa bff ko, iyong mutual close friend namin pero sinabihan ko kasi 'yon na 'wag ng babanggitin ang lalaki na iyon sa akin. Naiintindihan naman ng kaibigan ko na 'yon na nasaktan talaga ako sa break up at nagmomove-on ako.
I don't even want to say his name again.
Para akong t*nga lang na hindi mapakali. Akala ko ay lubos ko na siyang nakalimutan at naka move on na ako. Masaya ako nung nakaraang buwan dahil ang dahilan nalang ng hindi maayos kong pagtulog ay ang stress sa trabaho. Okay ng mastress sa trabaho at financial problem 'wag lang sa ex na nag-give up sa akin.
Mayroon kasing posisyon na inaalok sa akin ang supervisor namin na sa tingin ko ay hindi ko kaya ang responsibilities. I don't think I'm capable enough to do the tasks involved in it.
I've been working in that company for 2 years and it is my only source of income. Nagmamahal na ang mga gastusin due to inflation at nakaka dismaya lang talaga na ang nagmamahalan na ang mga prices ng mga bilihin sa grocery at palengke. Well lately, iniiwasan ko na rin ang pumasok sa department store ng SM. I even uninstall shopping apps on my phone. Iwas iwas nalang sa mga gastusin at temptation na bumili ng mga hindi naman kailangan na bagay bagay. One thing I learned with my ex is to save money. Lol, siya nanaman talaga ang naisip ko.
'Buti pa iyong mga bilihin ano? Nagmamahalan.
Siya kaya? May minamahal na kaya siya ngayon o ako pa rin?
Shempre mas iisipin ko ang worst. Maybe he has someone new.
Marahan kong sinampal ang pisngi ko para mahimasmasan.
What's gotten into me?
It seems like I'm torturing myself. I should not let him ruin my morning. Subalit mas pumapait nga talaga ang kape kapag puno din ng pait ng alaala ang nararamdaman, 'no?
"Para kang tanga." Dumako ang tingin ko sa nanay ko na umiiling habang nakatingin sa akin.
Nag aayos siya ng halaman sa likod ng bahay at tinitingnan niya pala ako. Marahil ay talagang namiss niya ako na pati pagtutulala ko ay natingnan pa niya.
Bahagya akong natawa. Mapait na tawa. Hindi ako makatawa ng bukal sa loob dahil sa iniinda ko. Something is hurting here inside my chest.
Kung narereset lang ang alaala, talagang finormat ko na ang alaala ng taong nag-give up sa akin. Wait.. redundant 'ata sa isip ko ang salitang nag-give up. It's true. He gave up on me.
"May iniisip lang kasi ako 'nay." saad ko.
"Ano naman 'yang iniisip mo at kailangan mo pang sampalin ang pisngi mo?"
Hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin. Alangan namang sabihin ko na si ano ang iniisip ko. Sorry, hindi ko pa rin talaga kayang banggitin ang pangalan niya.
Eh alam naman ng pamilya ko na ayaw ko na banggitin nila ang pangalan niya. He has gotten so close to my family too. Talagang nagulat din sila sa break up na nangyari. Mabuti nga ay hindi na talaga nila binabanggit si ano ever since that day na umamin ako sa kanila na wala na kami.
Kahit hindi magsabi ang nanay ko ay alam ko naman na ang tumatakbo sa isip niya. Alam niyang iniisip ko nanaman si ano. But she rather not say it to my face. She knew how much I loved him and how much I got hurt.
"Iyong kape kasi na 'to hindi naman matapang. Inaantok pa rin ako." sabi ko nalang.
"Eh matulog ka na sa taas. Inaantok ka pa pala."
"Ayaw ko. Kagigising ko lang 'tapos matutulog nanaman ako?" Ayaw ko mapag-isa sa kwarto at baka matukso akong puntahan ang blocked list ko sa Facebook at biglang iunblock ang taong dapat naman mag-stay as blocked.
Mamaya namang hapon ay darating dito ang malapit kong pinsan at gagala kami. Atleast makakapag unwind ako kasama iyon. Marami rin akong chika updates sa buhay ko eh.
Madalas kasi kapag weekdays ay busy ako. Kahit na nangupahan ako ng apartment malapit sa trabaho ko ay tulog lang ako pag-uwi. Paulit-ulit lang na routine. Dinelete ko na rin ang dating apps sa cellphone ko dahil wala rin naman akong maka-date ng maayos. Lagi nalang akong tumatanggi at nagmamade up ng excuses kapag niyaya ako uli sa date.
Gold ang time ko bhie. As a working woman, ang restday ng weekends ay ilalaan ko nalang sa pahinga. Kaysa lumandi at kumilala ng maling tao. I don't want to spend my time, efforts and feelings to somebody. Gusto ko nalang mahalin ang sarili ko.
Self love bhie. Iyon ang kailangan ko ngayon.
Dapat mas ipaalala ko lang sa sarili ko ang mas mahahalagang bagay para makalimutan ng husto ang taong dapat ng ibaon sa limot.
Wala naman na siya sa buhay ko ah, kaya dapat hindi na siya sumisilip silip pa sa isip ko.
YOU ARE READING
The One
RomanceRelationships are fun at first but when fights and misunderstandings came along, that's when the couple will be tested. Kahit gaano pa kagusto ng partner mo na intindihin ka, darating din ang punto na susukuan ka nito. Hindi naman unlimited ang pas...