I DON'T know what's happening but I could tell my physical body, mind and soul are all alive right now.
My heart is pounding like crazy. Tila gusto nitong lumabas sa dibdib ko.
Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko.
Natatakot ako na baka maaligaga ako kung kumilos ako o 'di kaya mautal ako 'pag nagsalita ako.
Halos hindi ko na nga napapakinggan ng maayos ang kwentuhan nila. Wala sa ayos ang state of mind ko.
Tsang gala! Akala ko naman si Conrad lang ang makakasama ko dito.
Pati pala ang mga kasamahan nito sa trabaho at siyempre si Migs ay nandito. Kung alam ko lang talaga, edi sana hindi nalang ako nakipagkita. Hindi sana ako napunta sa sitwasyon na ito. Ang hirap.
"Huy Rhina! Kanina ka pa tahimik diyan. Magsalita ka naman." si Conrad na tila walang ideya sa nararamdaman ko.
Tumingin ako kay Conrad. Siya lang ang gusto kong tingnan. Hangga't maaari ay iniiwasan kong mapatingin sa katabi nito. Though, natatanaw ko pa rin ito sa peripheral vision ko. Kakuwentuhan nito ang mga babaeng kasama ni Conrad. Tila wala itong pakialam sa presence ko. Right, magkakasama kasi sila sa trabaho. Sampid lang ako dito.
Medyo masakit pala sa pakiramdam na tila hindi ako kilala kung ituring ni ano... ni Migz. We used to be close and did a lot of things together.
Kunwari ay natawa ako. Pero malayo sa pagtawa ang nararamdaman ko deep inside. "Sorry Con, naspace out lang ako. Kagigising ko lang kasi halos. Kamusta naman byahe pauwi dito?"
"Okay naman, smooth ang biyahe. Mamaya sumama ka sa akin pauwi, nandoon pasalubong ko sa iyo. Nakalimutan ko kasi dalhin."
"Sige sama ako."
Halos napapalakas na rin ang kuwentuhan nila Migs at ng tatlong babae. Sa mga sumunod na minuto ay nakaramdam ako ng pagka-left out. Puro kasi tungkol sa trabaho at sa mga dati nilang kasamahan ang topic nila.
Nagpanggap nalang ako na abala sa pagiiscroll sa Facebook feed. Kahit wala naman doon ang focus ko kundi sa pinag-uusapan nila.
"Eh ikaw ba Rhin. Kuwento ka naman tungkol sa work mo or lovelife mo." pageencourage ni Conrad nang mapansin niya na tahimik nanaman ako.
"Hmm. Okay lang naman sa work ko. Busy kaunti." sagot ko.
"Eh iyong lovelife mo?" follow up question ni Conrad. Iyong tanong na iniiwasan ko.
Tiningnan ko si Migs at tila wala itong pakialam sa mga sinasabi ko. Ngayon ay nakatingin lang ito sa cellphone nito at may inaasikaso sa laro. Of course, he does not seem to mind anything. Usually, kapag binubuksan na nito ang laro ay focused ito masyado doon. Tuwing magkasama kami noon ay tila hindi nito naririnig mga kuwento ko kapag naglalaro ito.
I was hoping that he would look at me even once. The stupidity of my mind automatically starts thinking a lie.
"May nanliligaw sa akin. Kilala mo pa ba si Niccolo? Iyong crush ko sa college. Nasa iisang building kami nagwowork sa Ayala. We're dating." unaware na sagot ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Parang gusto kong bawiin bigla at sabihing charot.
Sabihin mo charot!
Nagningning ang mga mata ni Conrad. He knew how much i adore Niccolo when we were in college.
"OMG!" tili nito.
"Nagpaligaw ka naman kaagad?" Si Migs na seryoso ang tingin sa akin.
Saglit akong natigilan. Ngayon lang uli nagtama ang mga mata namin. Ngayon niya lang uli ako pinansin. Napalunok ako.
YOU ARE READING
The One
RomanceRelationships are fun at first but when fights and misunderstandings came along, that's when the couple will be tested. Kahit gaano pa kagusto ng partner mo na intindihin ka, darating din ang punto na susukuan ka nito. Hindi naman unlimited ang pas...