Chapter Seven

7 2 0
                                    

BUONG oras na umaakyat kami ng bundok ay hindi ko maiwasang pagmasdan si Migs at ang nobya nito. Napansin kong napaka maalaga nito sa babae. Lagi itong nakaalalay maigi sa dalaga.

Never naman naming naranasan ang hiking dahil hindi namin iyon trip noong kami pa. Ganito pala siya kathoughtful sa bagong girlfriend niya. Nakakainggit at ang sakit sakit. Gusto ko sana mapag-isa at umiyak. Hindi ko alam kung bakit may lakas pa ang mga tuhod ko sa pag-akyat gayong sa loob ko ay hinang-hina ako.

Kanina pa nag iinit ang sulok ng mata ko pero nauudlot ang pagpatak ng luha dahil makulit si Niccolo masyado.

Maya't maya ang pag-aatake ng kakulitan niya na halos nakakalimutan ko ng bantayan ng tingin sila Migs minsan.

Ang dami niyang balik-tanaw tungkol sa mga alaala niya sa akin noong college.

Kahit papaano ay nadadivert sa kwentuhan ang pighating nararamdaman ko.

"Totoo bang ex mo iyong lalaking maputi na iyon?" bulong ni Niccolo sa akin nung nagpahinga kami saglit. Nginuso nito si Migs na inaayos ang sintas ng sapatos nung babae.

"Marites ka eh noh. Pa'no mo naman nalaman?" Tanong ko.

"Siyempre sinabi sa akin ni Conrad. Tumagal naman ba kayo niyan?"

Ayoko na sana magbalik-tanaw sa relasyon namin pero hindi ko naman magawang idismiss ang tanong ni Nicco.

"Oo naman. 2 years din kami." sagot ko.

"Kaya pala mukha kang broken ngayon ah. Sabagay, mas maganda naman sa iyo 'yong bago niya."

Nanliit ako bigla sa sarili ko. Alam ko naman na 'di hamak na maganda ang Janine na iyon kumpara sa akin. Subalit mas nakaka down pala sa pakiramdam kapag galing sa ibang tao.

"Totoo naman." mahinang sambit ko.

Kinurot niya pisngi ko. Hinampas ko naman siya sa braso. Medyo masakit kasi iyong kurot.

"Maganda ka rin naman ah."

"Weh?" kahit papaano ay natuwa ako sa  sinabi niya.

"Oo medyo type nga kita noon eh."

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko dahil sa hina ng boses na sambit ni Niccolo.

Hinayaan ko nalang at hindi gaano iyon inisip masyado.

Si Niccolo iyong tipo ng tao na nagbibigay ng mixed signals.

One day, parang sweet siya sa iyo at iisipin mong gusto ka niya.
The next day, obvious na nahuhumaling sa iba. Maybe this is one of his mixed signals. Minsan na akong umasa na may pagcrushback siya sa akin. But.. never again.

Nagpatuloy ang pag-akyat. Nakakaramdam na ako ng pagod at matinding pagkahingal.

Masakit na rin mga tuhod ko.

Gusto ko nalang mahiga. Kaso medyo malayo pa pala kami sa tuktok sabi ng guide.

"Ayaw ko na!" sabi ko nalang at tumigil sa pag-akyat. Hindi ko namalayan na dumulas iyong bato na tinatapakan ko dahilan para dumausdos ako pababa.

Namilipit ako sa sakit. Tila napilay ata ang paa ko at ang hapdi pa ng sugat sa binti ko.

"Okay ka lang ba?" si Migs na mabilis na nakababa para lapitan ako.

Hindi ako makasagot. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha nito. Mas kinagulat ko pa ang sumunod nitong ginawa. Binuhat niya ako, dinala at ipinaupo sa malaking bato.

Nang tingnan ko ang mga kasama namin ay nagpatuloy lang ang mga ito sa pag-akyat. Si Conrad at Niccolo naman ay nakalingon sa aming dalawa.

"Okay lang ba na hubarin ko muna itong sapatos mo?" paalam nito. Bago pa man ako makasagot ay kusa na nitong tinanggal pagkakasintas ng running shoes ko at hinubad iyon.

The One Where stories live. Discover now