Pagmulat ko ng umaga, wala na sa loob ng apartment ko si Migs. Marahil ay umuwi na ito at may pasok na sa trabaho nito. Hindi man lang ako ginising at nagpa-alam sa akin.
Dahil nagising ako ng mas maaga sa usual na oras ng gising ko ay nagbukas muna ako ng cellphone. May chat sa akin si Conrad.
'Kayo na ba ulit ni Migs? Nagchat siya sa akin, sabihin ko daw sa'yo na iunblock mo na siya.'
Ang bungad ng chat nito. Bahagya akong natawa nang narealize ko na hanggang ngayon pala ay hindi ko pa rin tinatanggal sa blocklist ko sa Facebook si Migs.
Dahil pinaalala sa akin iyon ni Conrad ay nagtungo ako sa settings at inunblock na si Migs. Bahala na siya kung i-add as friend niya ako.
Maya-maya pa ay mayroong kumatok sa pinto ng apartment ko. Isang Grab delivery man na may bitbit na paperbag galing sa Fast food resto.
"Hindi po yata sa akin 'yan Kuya." ang agad na sabi ko.
"Nabayaran na ito ni Paris Miguel. Iyon 'yung pangalan ng nag-order. Pareceive nalang kasi dito ang inaddress niya at ito ang exact na apartment number." ang sagot naman ng kuyang driver. Kaya tinanggap ko nalang at kinain ang breakfast meal at hotcake. Naligo na rin ako pagkatapos, nag toothbrush at nag-ayos na dahil papasok na ako sa trabaho.
Habang nasa taxi ako patungo sa office ay panay ang tingin ko sa phone ko. Hindi ko mawari kung bakit. Hindi na rin naman ako palaging tambay sa cellphone ko dahil sinanay ko sarili ko sa gano'ng habit. Hindi ako tumatambay sa mga social media pero lately, dinownload ko uli ang mga applications. Sa tingin ko, nabawasan na ang bitter feelings ko sa mundo.
Sa totoo lang ay pinipilit ko na 'wag isipin gaano ang nangyari sa pagitan namin ni Migs kagabi. Binibigyan kong diin sa sarili ko na hindi ako dapat umasa sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.
Minsan na akong naniwala sa pag-ibig ni Migs. Umasa na totoo iyon at mananatili siya sa buhay ko. Nagawa niya pa ngang mangako sa akin ng kasal at buhay pamilya noon. Subalit dulot ng mga hindi pagkakaunawaan sa aming relasyon, sumuko siya. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyon. Umasa ako noon na babalik siya at magsisisi sa desisyon niya. Lumipas ang dalawang taon, wala ni anino niya. Walang paramdam. Kung hindi pa umuwi si Conrad galing Canada at hindi kami inaya na magkita-kita, makikita at makakasama ko ba siya uli? Hindi. Because seeing me is simply not his intention. Last night was just... stupid. It's a stupid act of me to gave him an idea of what I feel. It shouldn't happen.
It was my lunchtime at the office when Migs appeared on my Facebook notification. He's sending me a friend request which I instantly accepted. He chatted me right away.
'Hello Rhin. Sorry, I had to leave early. As much as I would like to stay and stare at your cute face, hindi ako pwede umabsent sa office. Aga kasi ng pasok ko. But don't worry, pupuntahan kita sa inyo. Take note: hindi na kita iiwan. Palagi na akong nasa tabi mo.'
I feel like my heart stopped beating for a second when I read his message. Especially the last lines. What is his intention? What is he trying to say?
Gusto ko mang replyan 'yon pero hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
Kaya sumapit nalang ang end shift ay hindi ko pa rin nagawang replyan ito.
Sumama ako sa samgyup eat out ng mga ka-officemates ko. Ayaw ko muna umuwi sa apartment ko dahil baka nandun nga si Migs.
Hindi ko mawari sa sarili ko. Mahirap sa akin magdesisyon basta-basta.
Hindi ko puwede hayaan ang sarili ko na umasa uli ng pangalawang pagkakataon kay Migs. We already tried before. I'm just afraid that if we tried again, it won't work. Mahirap masaktan uli. Mahirap patayin ang pag-asa sa puso. Mahirap gamutin ang mga sugat.
Bago kami naghiwalay noon ay panay na ang on and off ng aming relasyon. Para bang nabasag na ang plato pero pinagdidikit pa rin ang mga piraso gamit ang mighty bond subalit kahit gaano katibay ang mighty bond na iyon, wala ng magagawa dahil basag na ang plato eh. Parang ganoon din ang relasyon namin ni Migs noon. Mahirap ng ibalik ulit sa dati. Isa pa, binigyan ko ng pag-asa si Niccolo.
Ewan ko ba bakit ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Ang hirap hirap.
Pagkatapos sa samgyupsalan ay sumama na rin ako sa KTV bar. Pasado alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako uuwi. Hindi ko rin gustong magbukas ng data sa cellphone para matanggap ang mensahe ni Migs kung mayroon man. Wala rin akong natanggap na message kay Niccolo at hindi ko rin siya nakita sa building kanina. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dito.
Subalit ngayon, gusto ko munang lumayo sakanila. Gusto ko munang magkaroon ng oras sa mga kaibigan ko at sa sarili ko.
"Ano nangyari ba sa'yo? Bakit puro pang broken ang kinakanta mo?" tanong ni Eli sa akin pagkatapos kong kantahin 'yung Chasing Pavements.
Bahagya akong natawa. Halos hindi ko napansin na nakatatlong kanta na pala ako na pulos pang-sawi.
"O bakit masama ba? Nagkataon lang naman iyon!" palusot ko.
Inisang tungga ko ang shot ng margarita na inabot nito sa akin.
"Sige na kasi, ichika mo na sa amin. Alam namen na may nangyari, napapansin namin ilang linggo na." komento naman ni Sasha.
Ilang sandali akong natahimik. Pagkatapos ay napagpasiyahan kong ikwento sa kanila ang mga nangyari. Wala munang kumanta at taimtim silang nakinig sa akin.
"Oh my gash. Kaya naman pala naging distant ka sa amin. Akala namin sadyang masaya ka lang kay Niccolo. Iyon pala.. nagkita uli kayo ng ex mo!" ang reaksyon ni Sasha.
"Naiintindihan namin na nahihirapan ka ngayon kasi marupok ka eh. Pero ikaw naman ang higit na makakapag-decide nyan kung kanino ka ba talaga sasaya." ani Eli at niyakap ako.
"Pero sinabi ba ni ex mo na mahal ka pa niya? Ano bang pakay niya bakit ka pinupuntahan sa inyo?"
"Hindi ko alam. Natatakot lang kasi ako na bigyan uli ng chance ang kung ano ang mayroon sa amin ni Migs 'tapos, gano'n uli ang mangyayari 'di ba? Sa totoo lang.. natatakot na ako magkamali. Natatakot ako magmahal."
Niyakap ako ng tatlo kong kaibigan. Sa overwhelm na nararamdaman ko ay naiyak nalang ako. Hindi ko alam kung dahil ba epekto ng alak kaya nagkaroon ako ng lakas na sabihin ang mga iyon sa kanila at tila ba ang emosyonal ko masyado.
Pasado ala-una na ng madaling araw ng pagpasiyahan namin na magbill out na sa KTV bar at umuwi na. Tipsy na ako at papikit pikit ng mata. Matindi ang hatak ng antok na dala ng alak.
Nag taxi na kami ni Eli at nagpababa nalang ako sa kanto malapit sa apartment ko.
Pagbaba ko ay agad na sumalubong sa akin si Migs. Inalalayan ako nito sa paglabas ko ng taxi. Nagbigay ng nanunuksong tingin si Eli sa amin.
"Bye Eli." paalam ko.
"Babye. Goodnight beh and enjoy!"
Pag-alis ng taxi ay saka ko hinarap si Migs. Nakaalalay ito sa likod ko dahil napansin niya siguro na pagaywang ang lakad ko. Hindi ko nalang ito gaanong pinansin. Nanatili lang naman itong tahimik hanggang sa makapasok kami sa gate ng apartment.
"Nag-inom ka ano?" tanong nito habang inaalalayan ako sa hagdan. Ewan ko ba bakit ang dilim dito. Sasabihin ko nga ito bukas sa landlady namin.
"Obvious naman." sagot ko naman. "Kanina ka pa ba dito?"
"Oo, simula pa kaninang alas nuwebe. Hinanap kita sa mga restaurant na malapit sa office ninyo at sa mga mall. Pero hindi kita makita kahit saan. Hindi ka naman sumasagot sa chat. I kinda.. get worried."
Natawa ako. "Worried? Eh nung mga unang buwan pagkatapos mo akong iwan, ganito ako. Nagwawalwal. Why worried now? Mukha mo, worried!"
"I'm sorry I became so focus sa pag-move on nun sa'yo, Rhin. I have no idea that's what happened to you." malungkot na sabi ni Migs.
Nagmomove-on? Kaya naman pala.
"Bakit ka nandito Migs? Bakit mo ako pinupuntahan ngayon? Ano 'to? Ano ibig sabihin ng mga 'to?" Diretsong tanong ko.
Gusto kong malaman bakit tila siya bumabalik sa buhay ko ulit. Gusto kong malaman ano ba ang pakay niya. Hindi pwedeng nagiging ganito nanaman ako na nahihirapan 'tapos nagbibigay siya sa akin ng mix signals.
YOU ARE READING
The One
RomansaRelationships are fun at first but when fights and misunderstandings came along, that's when the couple will be tested. Kahit gaano pa kagusto ng partner mo na intindihin ka, darating din ang punto na susukuan ka nito. Hindi naman unlimited ang pas...