Chapter Ten

8 1 0
                                    

KINABUKASAN ay napagpasiyahan ni Niccolo na isabay na ako sa pag-uwi. Pumayag naman ako para mas lalo ko siyang makasama at mapalapit kami sa isa't isa.

Kagabi ay halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Pinayagan ko na ligawan ako ni Niccolo. And that's something that has changed in my life.

Now, I'm trying to get Migs out of the picture.

But it's weird that we're exchanging glances to each other. Sa tuwina ay nagtatama ang mga paningin namin ng hindi namin namamalayan. Hindi ko siya gustong tingnan dahil kailangan kong ituon ang atensyon ko kay Niccolo na laging nakatabi sa akin.

Subalit palagi ko nalang natatagpuan ang sarili ko na nakatingin kay Migs. Gano'n din siya sa akin. Napapatingin na parang hindi sinasadya. Sa tuwing gano'n ang nangyayari ay ilang segundo naming hahayaan ang sarili na tingnan ang isa't isa. Pagkatapos ay ibinabaling na namin sa ibang direksyon ang tingin.

"Nicco, mag-CR lang muna ako para hindi hassle pagbiyahe na'tin." paalam ko kay Niccolo na inaayos na ang motor nito.

Tumango lang ito at nagsimula na ako maglakad papasok sa CR ng restaurant. Paglabas ko ng CR ay nagulat ako ng makitang pasalubong sa akin si Migs. Mag-isa lang ito at hindi kasama ang nobya nito.

Matipid ko siyang nginitian.

"Rhin.." pigil niya sa akin habang nakahawak sa balikat ko. May kaguluhan sa mata nito.

Tila may gustong sabihin.

"Bakit Migs?" tanong ko dito. Nasisiguro kong hindi ito nakatulog ng maayos kagabi dahil sa maitim na eyebags sa ilalim ng mata nito. Siguro ay inabala din nito ang sarili sa pag-iisip ng mga napag-usapan namin kagabi.

It's like he's struggling to say something.

"Okay ka na ba? Hindi ka naman napilay?" Bigla ay naisipan kong itanong.

"May pilay kaunti dito sa braso ko. Pero tolerable naman."

"Ipahilot mo nalang sa girlfriend mo para guminhawa kaunti." Just telling those words slightly pains me. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa kaalamang may ibang babae na sa buhay nito.

"Sure. Ingat kayo sa pag-uwi Rhin." bahagyang ngumiti ito at tumuloy na sa loob ng CR.

Ayun lang Migs?

Medyo magulo ang isipan na lumabas ako ng restaurant. Nagpaalam na ako kay Conrad at sa mga kaibigan nito. Pati na rin kay Migs na tango lang ang reaksyon ng magpaalam na kami ni Niccolo.

ISANG linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang hiking na iyon. Balik na sa normal routines. Pasok sa trabaho sa weekends, pahinga 'pag restday.

Dahil hindi naman kami halos magka-schedule ni Niccolo ay napagpasiyahan namin na tuwing restday nalang kami lumabas. Inapproved na kasi ng manager ko iyong request ko na magpabago ng schedule.

Kahit na inaabala ko ang isip ko sa trabaho at kay Niccolo na lagi kong kapalitan ng chats 'pag may free time ako sa trabaho ay hindi ko pa rin maiwasan minsan isipin si Migs.

Nalaman ko pagkatapos ng hiking namin na hindi pala girlfriend ni Migs 'yong Janine. Sinabi ni Conrad na malapit nito iyong kaibigan sa office pero may boyfriend itong iba. Nasa abroad ang nobyo nito. At tinuturing lang nitong kuya si Migs.

Nashock ako sa nalaman ko na iyon. Iniisip ko bakit hindi man lang niya iyon kinlaro sa akin? Maraming beses noong hiking namin na sinasabi ko na girlfriend niya iyong Janine subalit hindi man lang nito tinanggi iyon. Sa tuwina na naiisip ko iyon ay tila gusto kong mag-reach out kay Migs at itanong ang tungkol doon. Pero naisip ko rin at the same time na maaaring may dahilan kaya hinayaan ni Migs na gano'n ang paniwalaan ko. Baka hindi niya gustong umasa ako uli sa kaniya. Baka hindi niya na gustong magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang pag-ibig namin.

The One Where stories live. Discover now