I'VE SPENT my restdays with Migs.
We both realized we miss each other so much. It's right and just to spend time together.
Nanuod kami ng sine. Namili ng ilang gamit sa apartment niya. Nag-discover ng bagong kakainan na restraurants.
Ngayon ay nagpunta kami sa sight seeing view na bundok sa Tanay para magkape.
Palubog na ang araw sa direksyon ng hilaga at masaya naming pinapanuod iyon. Tunay na maganda nga panuorin ang sunset mula sa malawak at mataas na view kasama ang taong nagbibigay ng saya sa iyo.
Hindi ko maexplain ang saya na nararamdaman ko.
It's good to be back in his arms. It feels like home.
"Maybe all we need is space away from each other. Painful and not that easy but it made me realize a lot of things." maya-maya ay sabi ni Migs habang nakayakap sa likuran ko.
"Yes it's really painful Migs. But I'm glad we found our way back. Pero pa'no kung hindi tayo nagkita uli? Maiisip mo pa ba ako? Kung hindi lang naman bumalik si Conrad, 'di kita makikita uli eh." komento ko. Nalungkot ako sa kaisipang iyon.
Ilang sandaling walang imik si Migs.
"It's actually planned. I always think of you, Rhin. Palagi kita tinatanong kay Conrad since siya naman ang mutual friend natin. At saka, close na close mo siya. Sa kaniya ako nakikibalita ng mga ganap tungkol sa iyo..."
"Sobrang nahirapan ako sa desisyon ko na sumuko sa relasyon natin. Hindi madali na tiisin na 'wag kang kausapin. Pero alam ko na kailangan ko iyong gawin. Kailangan kitang bigyan ng space dahil nasaktan kita. Alam ko rin naman na makakabalik pa ako uli sa buhay mo. Hindi ko nga lang alam kung paano ako magpapakita uli sa'yo. Mas magandang excuse iyong pag-uwi ni Conrad kaya doon ako nagpakita sa'yo uli. When I saw you again, you were so distant and cold. Nadisappoint pa ako nung nalaman ko na may nanliligaw na sa'yo. Hindi kasi nakwento sa akin iyon ni Conrad. Ang alam ko kasi tumigil ka na sa pagdedate eh. Inisip ko na baka wala na ako pag-asa pa sa iyo lalo na nung kasama mo na iyon sa hiking natin. Nanlulumo ako na nakikita kang malapit sa iba. Namatay 'yung pag-asa sa puso ko kaya na-realize ko na dapat magmove on na ako. But then I saw you again, and I couldn't help myself to kissed you. I was eager to make you feel or remember the same affection you have for me when we were together. Just like that, I realized I should fight my love for you. I cannot let you go that easily. You might gave your college crush a chance but I believe how much you loved me. And I know, you still feel the same. I know you still care and love me the way I do.."
"You're the greatest thing that's ever happened to me, Rhin. I want to be with you again. I won't let you go this time."
Humigpit ang yakap niya sa akin.
Nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso ko dahil sa mga nalaman ko.
Pakiramdam ko lahat ng mga katanungan at palaisipan na bagay noon ay sa wakas, nabigyan na ng kasagutan.
Kumawala ako sa yakap ni Migs at pumihit paharap sakaniya. Hinalikan ko ang mga labi niya.
"I love you, Paris Miguel! You broke my heart but you fixed it. It's been lonely without you. So stay with me this time." I said between my kisses.
"I definitely will my love. I'm so sorry for causing you so much pain. I promise, we're going strong and unbeatable this time."
"I'll make it up to you. Afterall, hindi ka naman susuko sa akin kung hindi ako gano'n na naging selfish noon. Sisikapin ko na mas maging malawak ang pang-unawa ko at magtitiwala sa pagmamahalan natin. Cringe, eh noh?" naiiling kong sabi. Hindi talaga ako magaling magsabi ng mga sweet words pero masaya ako at naguumapaw ang kaligayahan sa puso ko.
Maya-maya pa ay hinawakan ni Migs ang kamay ko at mayroong singsing na sinuot sa daliri ko.
I think my body just froze. My heart is pounding like crazy.
"I could live with your cringeness and awkwardness forever, Rhinalyn. From now on, we're inseperable. You're going to be my wife." Ang laki ng ngiti ni Migs. Habang ako naman ay hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Namalayan ko nalang na basa na ang pisngi ko mula sa nangilid na luha sa mata ko.
Matagal ko ng inaasam itong pagkakataon na ito noon sa relasyon namin. Madalas ako magkaroon ng doubt sa pag-ibig ni Migs sa akin dahil hindi naman ito gaanong nagbabanggit ng kasal noon o ng magiging future namin noon. Inisip ko pa noon na baka hindi ako iyong babae na hinahangad nitong makasama habambuhay. At masyado kong dinamdam ang kaisipan na iyon na isa rin sa siyang nagtulak kung bakit ako palaging naghahamon ng hiwalayan sa aming relasyon.
Hindi ko maamin kay Migs noon na nasasaktan ako sa mga bagay na akala ko. Akala ko noon ay hindi ako iyong babae na yayayain nito ng kasal.
Ngayon ay nangyari na ang bagay na hindi ko inaasahan. Sasabog na yata ang puso ko sa kasiyahang nadarama.
"Aren't you going to say something?" natutuwang pinupunasan ni Migs ang luha ko.
Agad ko rin namang nabawi ang pagkagulat ko kaya bahagya ko siyang hinampas sa dibdib.
"What are you expecting me to say? You didn't even ask me to marry you. You're so sure. Lakas din ng apog mo 'no!" pabiro kong sabi habang pinagmamasdan ang diamond ring na nasa daliri ko. Maganda ang design no'n at bagay na bagay sa akin.
"Eh if ever you're not yet sure about me, I can wait 'till you say yes. Okay lang naman mag-'no' ka sa akin for now." Sumeryoso ang mukha nito at natawa nalang ako.
"Bakit ako magno no? Eh love na love kita at ready na ako. I love you so much Migs!" sagot ko sakaniya at niyakap siya ng mahigpit.
![](https://img.wattpad.com/cover/326351121-288-k911443.jpg)
YOU ARE READING
The One
RomanceRelationships are fun at first but when fights and misunderstandings came along, that's when the couple will be tested. Kahit gaano pa kagusto ng partner mo na intindihin ka, darating din ang punto na susukuan ka nito. Hindi naman unlimited ang pas...