Chapter Four

12 2 0
                                    

"MAY irereto ako sa'yo bhe."

I automatically rolled my eyes when Sasha came holding an iced coffee as she walks towards my station.

For the nth time, walang patid ang paghahanap niya ng prospective jowa ko. Ni isa ay wala naman akong bet sa mga nirereto niya. Karamihan kasi ay bata, kasing edad niya. Siguro ay mga nagtangkang manligaw sa kaniya noon na nireject niya kaya sa akin niya pinapasa.

Taken na kasi ang babaitang ito. She's living a good life which I envy sometimes. Magaan ang pamumuhay, may mayaman na boyfriend not to mention na sweet at spoil pa siya no'n, magaling magdala ng problema sa buhay at madiskarte sa kahit saan. She knows how to use her charm. She's pretty, hindi mo rin masisi kung bakit halos lahat ng bagay ay madali lang sa kaniya.

She's a good friend also.

Sa aming team kasi ay ako lang ang single. Malinaw ko naman na siyang nasabihan noon na hindi muna ako interesado na kilalanin ang mga nireto niya sa akin eh. At ayoko na pinapakialaman ang magiging lovelife ko. I let it once before. Sa matalik kong kaibigan noong college na nagpakilala sa'kin ng taong basta nalang sumuko sa akin.

The heck.. I'm thinking of him and that again?

"Hindi. Ako. Interesado. Tara na at magtrabaho na tayo." kunwari ay masungit kong sagot sa entrada ni Sasha.

"Siguro 1st day ng mens mo kaya ang sungit sungit mo. Hindi pa nga ako nakakaupo sa station ko, trabaho na agad pinapaalala mo. Anyway, macheck na nga ang reports na aasikasuhin ko ngayon." saad ni Sasha at nagsimula ng buksan ang computer sa station nito.

Nailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagreresearch para sa task na inuutos sa akin ng manager ko.

Sumapit ang lunch time ay wala pa ring magawa si Sasha kundi ang ihot seat ako tungkol sa mga nireto niya. Naiintriga na rin tuloy ang iba naming kateam.

"Hindi ka pa rin ba makamove on sa 2 years mong relationship kaya hindi mo man lang ineentertain ang mga reto ko sa'yo?" Panimula ni Sasha at naupo sa desk ng station ko.

Bahagya akong nakaramdam ng inis. Bakit ba ang kulit nito?

Minsan ay nakwento ko ang relasyon namin ni Ano isang beses noong team building namin sa Zambales. Wala kasing magawa no'n sa cottage kaya pati iyon ay naikwento ko pa. Iyon ay 'yung mga panahon na akala ko wala na lang sa akin ang mga alaala namin ni Ano.

"Naka move on na ako. Wala lang talaga akong bet sa mga reto mo kasi mga gen z kagaya mo!" natatawang sagot ko.

"Hoy grabe naman discrimination mo sa generation ko. Eh 27 years old ka na kaya mag asawa ka na. Kumilala ka na ng guy dahil ayaw kong tatanda kang walang asawa. Mahirap 'yon 'no." Akala mo talaga nanay ko 'to kung makapag demand eh. Iyong nanay ko nga apo lang ang hiniling eh. Well agree namam ako sa sinasabi ni Sasha. Minsan ay naiisip ko rin na baka nahuhuli na ako sa kalendaryo. Subalit, wala naman ako magagawa. Wala talaga eh. Walang lalaking minamahal sa buhay ko.

"Opo mima. Eh pa'no kasi si kupido naman kasi walang pinapana para sa akin." kunwari ay lungkutan kong saad.

"Sus. Eh hinihiling mo lang kasi na bumalik iyong taong pinana niya para sa iyo. Ayiee." nang-aasar naman na sabi ni Elie na nakikinig pala ng usapan namin. Si Elie iyong matangkad na chubby na kasing gen Z din ni Sasha. Magkasundo kasi itong dalawang ito sa pang-aasar sa akin.

"Hindi ko siya hinihintay. Wala na ako pakialam sa buhay niya." Mariin ko namang tanggi.

"Sige nga kung wala ka ng pakialam. Ibigay mo pangalan niya sa Facebook at isesearch namin."

Nainis ako. "Tama na nga 'yan! Sinisira ninyo ang araw ko eh."

Natawa nalang ang dalawa at maya maya ay nag focus na rin sa mga reports nila. Bigla kasi dumating ang supervisor namin sa office at pinuntahan ang station ng aming manager.

The One Where stories live. Discover now