Kabanata 2

604 30 8
                                    

Gala

Agad akong gumayak suot ang aking uniporme kahit alas tres palang ng madaling araw para makahabol sa shift ni Vale.

Nag desisyon na ako. Kung nitong mga nakaraang araw dumudungaw lang ako sa kanya mula sa tamang distansya sapat para hindi nya ako makita, ngayon papasok na talaga ako sa loob, at kung susuwertehin, pwedeng sabay na kami dumiretso sa school pagkatapos ng shift nya.

Nag adjust pa nga ako ng tulog para di ako sobrang napupuyat. Kung dati pasado hating gabi alive and kicking pa rin ako, ngayon by 8 pm nakahilata na ako sa kama at prenteng humihilik.

"Hi, Vale."

Nawala ang antok sa mata nya ng makita ang pag dating ko sa convenience store. "Valir?"

Nginitian ko sya bago ako dumiretso sa steamer kung saan naka-display ang kanilang mga siopao.

Nilagay ko ito sa tray at sinamahan ko rin ng kape at ilang piraso ng chocolate na para sana kay Nico nang hindi sya nakakatulog sa klase ngunit nang maisip kong baka kailanganin din ito ni Vale dahil sa magdamag nyang shift, kumuha pa ako ng mas marami at siniguro kong iba't ibang flavors para pwede sya mamili.

"Anong ginagawa mo dito?"

Natawa ako sa kanyang tanong nang makalapit ako sa counter. "Mag aalmusal, tatambay."

"Nang ganitong oras?" naningkit ang kanyang mata. "Mamayang alas syete pa ang klase natin."

"Alam ko," pinanood ko syang mag scan. "Pero nandito rin ako para maging moral support. Gusto ko kasing inspired ka habang nagtatrabaho."

"Sira ka ba?" ginawa nyang for take out ang aking siopao at kape kahit sinabi kong for dine in. "Hindi ko kailangan ng moral suport mo, Valir. Umuwi kana sa inyo, matulog ka ulit."

"Ayoko nga."

Umawang ang bibig ni Vale. "At bakit?"

"Sayo kasi ako sasabay papasok, ibig sabihin, aantayin kita dito hanggang sa matapos ang shift mo."

Nanlake ang kanyang mata. "A-ano?"

Ngumiti lang ako ulit bago dumiretso sa bakanteng table na may pinakamagandang view sa counter.

Hindi ako nilingon ni Vale kahit isang beses, akala yata nya kusa akong aalis kung hindi nya ako papansin pero mahaba yata ang bitbit kong pasensya, kung ayaw nya akong tingnan, pwes ako nalang ang titig sa kanya.

Nakakalibang din naman ito lalo't liban sa alam kong naco-concious sya, sa tuwing may customer syang kinakausap bumabalandra ang kanyang dimple at tila kumakaway sa akin.

Ngayon ko lang rin napansin na may dahilan naman pala kung bakit nababaliw sa kanya ang mga tao sa school. Kahit kasi tatalon sa mataas na building ang former self ko kung malalaman nya ang aking mga realization, kailangan kong aminin sa aking sarili na oo, malakas nga ang dating ni Vale.

Tindig nya palang kasi sobrang powerful na, tapos isama pang matangkad sya at may athletic na pangangatawan, para syang picture of authority kaso yung hindi katatakutan, yung nakaka-desperate i-please dahil yung takot sa kanya natatabla ng kilig.

Sino ba naman kasing marupok na sisidlan ang hindi bibigay? With his curtain hairstyle, defined jawline, sharp eyes, pointed nose, freaking dimple and sunkissed skin, hawak ni Vale sa leeg lahat ng jologs sa school pati na rin ang ilang customers nitong convenience store na bumibili lang yata para makapagpa-cute sa kanya.

And I know that he's aware. Sini-sweet talk nya pa kasi yung iba para mas marami silang bilhin. Napakadaya nga eh. Sila kasing two to three items lang ang kaya idagdag, wagas nya kung iamor tapos ako na kaya bilhin pati laman ng stock room nila, labag pa sa loob nya kung pagbentahan.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon