Kabanata 19

326 21 5
                                    

Bagyo 

Nakaramdam ako ng awa sa waiter ng resto bar na tila ba sumuong sa gyera maihatid lang ang order namin nina Lennie, Nico at Alice. 

May gig kasi dito ang We The Sinners, at dahil 'di inasahan ang dami ng tao, daig pa namin ang corned beef sa lata dahil talagang siksikan. 

Mabuti nalang nakapag-reserve kami ng table ahead of time, sa sobrang dami kasi ng fans na gusto manood sa performance ng banda, lagpas na nga sa maximum capacity yung resto may mga nagpoprotesta pa sa labas dahil 'di sila makapasok. 

"Vale! I wanna buy a new bed! Can you help me destroy the old one?!" 

Napatingin ako sa pwesto kung saan nag mula yung boses. Susme, naka-uniform pa, at mula catholic school! Alam ba ng mga madre doon na nagkakalat sya ng lagim dito?  

Tumawa si Vale, "Gusto ko rin ng bagong kama.  Akin muna yunv sirain natin."

Nabalik ang atensyon ko sa kanya. What? Is he flirting with a fan?! 

Sumagot si Alice na parang bang nababasa nya ang tanong sa aking isip, "Fan service lang yan, Valir."

Kumunot ang aking noo, "Huh?" 

"Bilang vocalist at front man ng We The Sinners, kailangan ni Vale masiguro na huli nya ang kiliti ng fans para mas makaramdam sila ng connection sa banda. Necessary yung mga playful interactions nya na ganyan, it keeps the fans interested and pleased kasi."

Tumango ako, "O-okay…"

"Selos ka ba?" siniko ako ni Lennie. 

"H-hindi," umiling ako, "Naiintindihan ko naman."

"Talaga?"

Nginitian ko sya. Of course. Vale is pretty much an idol right now pero bilang 'di pa sila established enough para tumayo na tanging musika lang ang paa, kailangan nila maging magiliw sa fans para kagiliwan rin sila at nang mas makahakot pa ng maraming susuporta.  

Ano ba naman yung mga simpleng flirty remarks, diba? I am matured. Hindi ako tinatablan ng selos. 

"Valir."

All smiles kong nilingon si Nico, "Hmmm?" 

"Your nails." 

Shit. Agad kong inalis ang kamay kong nakadakma at may kukong nakabaon sa kanyang kaliwanag hita. 

"I'm sorry, Nics! Hindi ko napansin!"

"So much for not being jealous," bumuntong hininga sya, "It's fine."

Nag alalaa ko syang tiningnan, "Sigurado ka ba?" medyo mahaba kasi ang kuko ko ngayon, at medyo manipis din yung suot nyang pants kaya baka mamaya nasaktan sya.

"It's really fine, Valir. Ako pa nga dapat ang nagtatanong sayo kung okay ka lang ba."

"Bakit naman ako 'di magiging okay?" ngumuso ako, "I'm perfectly fine."

Kahit pa patuloy pa rin ang pag entertain ni Vale sa fans habang inaayos nina Marshall, Eliott at Akuji ang kanilang mga instruments.

Lagi bang ganito? For sure, naman hindi. Nagkataon lang na sa ngayon majority ng target market nila mga babaeng teenagers na gusto kiligin pero 'di naman ako gawa sa bato. Kahit pa idikdik ko sa isip ko na ang fanservice na ginagawa ni Vale ay para sa ikabubuti ng We The Sinners, may kaunting tampururot pa rin dahil 'di naman yon madaling i-absorb.

Tulad nito.

"Vale! I can treat you right but the tr is silent!" 

Si ante naman. Napairap ako. Mukhang appetite but the appe is silent. 

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon