Kabanata 68

274 18 8
                                    

Life

Sa Pulang Araw kung saan nakatira dati si Vale, kapansin-pansin na para silang United Nations dahil marami sa kanila ang tila representante ng iba’t ibang bansa.

Nabanggit sa akin ni Vale na dahil yon sa mga sex worker na nabubuntis ng mga banyagang customer, malapit kasi sila sa red district, at ang isa sa pinaka-pangkaraniwang trabaho doon para sa mga kababaihan, ay ang mag bigay aliw partikular na sa mga bar at club.

Yun ang dating trabaho ni Tita Alyana, kaya nya nga nakilala si Arthur, naging kliyente at parokyano nya kasi ito noon pero possible nga kaya na dati ring customer ni Tita yung tatay ni Vale? I mean, it's no longer a surprise, because at the back of my head I know na nabuntis si Tita Alyana in her line of job pero by Dion West? Member of the family who owns one of the largest e-commerce companies right now? What are the chances?!

Arthur Romero: Two years ago, there's a private party hosted by the West which I attended.

Arthur Romero: Dion and I talked, he told me he found out he has a son here in the Philippines.

Arthur Romero: He didn't introduce me to him, but guess who else I saw in that party.

It's Vale, napasinghap ako, at kahit walang matibay na ebidensya si Arthur para panghawakan ang tagpo nila bilang pruweba na si Vale ang anak ni Dion, ba't naman mapapadpad si Vale sa party na iyon gayong pribado nga ito?

And even in this charity auction, kahit pa si Vale ang isa sa pinaka-sikat na celebrity ngayon, I don't think na iimbitahan sya ng mga Belseron na yun lang ang tanging dahilan.

Saka, I was here because of him. Kahit pa sabihin ni Lexi na ang artwork ko ang highlight ng kanilang auction, alam ko na last minute lang nila akong hinabol at kagagawan yon ni Vale dahil ayaw nyo na bumalik ako agad sa U.S.

“Valir, ayaw mo ba?”

Tiningnan ko si Henry na abala na sa pagsunggab sa mga pagkain sa aming mesa, “Naka-tatlo na akong slice ng cake, busog na ako.”

“Sus, ayaw mo lang yata kumain dahil ‘di mo kilala yung nagbigay, eh.”

Kilala ko, kaya nga ayoko kumain.

Pero dahil ‘di ko rin talaga natiis yung gutom at bawat dish niluto yata para takamin ako, pagkatapos ng ilang minutong pagtitimpi namalayan ko nalang na magkasalo na kami ni Henry.

“Alam mo, mahal ‘to.”

Tumaas ang kilay ko, “Magkano?”

“I can't give you exact figure, but this is a Michelin star restaurant, Valir.” tinuro nya yung logo ng isa sa mga food container, “As far as I know, they don't do deliveries.”

“B-but this was delivered to us.”

Umiling si Henry, “No, this was delivered to you.”

Napahinto ako sa pagkain.

Just how rich are you exactly, Vale Lucero?!

“And for our last piece!”

Napunta sa entablado ang aking atensyon nang ilabas doon ang isang stand na may taklob na pulang tela.

Nako, painting ko na yata yon.

“Crafted by the youngest nominee for the Grand Artist Award, the most in-demand artist among royalty and the elite, and the darling of the art industry...please welcome Valir Sky Aragon as he unveils his latest masterpiece to us!”

Natameme ako. What? Ba’t meron akong exposure?!

“Akyat na,” sinenyasan ako ni Henry, “Excited na kami makita ang painting mo!”

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon