Kabanata 35

264 13 6
                                    

Serpent 

Pabiro akong umirap sa reklamo ni Kuya Zoren nang maikwento ko sa kanya ang mga nangyare sa dinner. 

"Vale had a debate with Mom and Tito Fidel? Damn, you should have recorded it!" 

Natawa ako sa tinuran ni Kuya habang kami ay magka-video call,  "Dapat nagsabi ka."

"Was it intense?"

Tumango ako, "Nako, para kaming  nanonood ng hearing sa senado."

"Ganon ba katalino si Vale?"

"Matalino talaga sya, Kuya. And he's a man of virtue and principle, hindi nabibili ng pera ang dignidad nya."

"Kaya mo ba sya nagustuhan?"

Hindi ako sumagot pero ako'y napangiti. Vale's  profoundness exceeds his intellect and moral values. Hindi lang sya basta henyo o etikal, marunong syang kumunekta sa tao at mag bukas ng mga kaisipan.

Hindi rin sya basta gwapo lang na may talento sa pagkanta. Matayog ang mga pangarap ni Vale, depinisyon sya nang pagsusumikap at pagtitiyaga.

Nakakabilib din ang tapang nya yumakap sa kanyang vulnerability at insecurities. Sa mundo kasing ito kung saan marami ang nagsusuot ng maskara para itago ang kanilang kahinaan, ilan si Vale sa pinipiling magpakatotoo, ilan si Vale sa mga walang takot umiyak and I think it's the main reason why he managed to captivate my heart.

Because whenever he allows himself to be weak, whenever he trusts me with his fear and tears, pakiramdam ko hindi lang puso kung hindi parte ng kaluluwa nya ang ibinibigay nya sa akin.

"You're in love."

Nabalik ang atensyon ko kay Kuya Zoren, "Huh?" 

"You're in love with Vale. It's written all over your eyes."

"Hindi ka galit?" 

Tumaas ang kulay ni Kuya, "Hindi ka mag de-deny?"

"Para saan pa?" nag iwas ako ng tingin, "Lolokohin ko lang yung sarili ko kung sasabihin ko na pagkatapos ng lahat 'di ko pa rin mahal si Vale."

"Eh kelan mo ba sya sasagutin?"

"Siguro pag mas okay na sya kay Mama."

"Edi malapit na?"

Namula ako sa tanong ni Kuya Zoren. Kung pagbabasehan ang reaksyon ni Mama sa naging dinner kanina, 'di nya man direktang binitawan alam ko na handa na sya bigyan nang pagkakataon si Vale na patunayan ang kanyang sarili.

Saka yung pag invite nalang ni Mama kay Vale sa annual gathering ng mga Aragon. May tyansa man na ginawa nya lang yon para maipakilala sa pamilya namin ang gagantihan nila pag nasaktan ako, big deal pa rin na pormal nang pinakilala ni Mama si Vale sa aming angkan.

And in fairness naman sa mga kamag-anak namin, ni isa walang tumutol. 

Oo, may mga sumimangot partikular na sa mga oldies na tradisyonal at dismayado sa background ni Vale pero overall goods naman. Tuwang tuwa nga yung mga pinsan ko kay Vale, habang si Tita Pia naman, nag alok pa na i-sponsoran nya ang kolehiyo ni Vale. 

But of course, Vale refused. Thankful sya sa alok, pero aniya mas matamis ang tagumpay pag talagang pinaghihirapan.

"Gotta go, baby." 

Palabas na si Vale sa gate ng aming bahay nang magpaalam si Kuya Zoren. 

"Marami pa akong aasikasuhin, ingat ka dyan. I love you."

Namatay yung tawag bago pa ako makasagot. Bakit ba ang hilig ni Kuya sa mga uradang end call?!

Kumunot yung noo ni Vale, "Sino yon?" 

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon