Kabanata 70

283 14 25
                                    

Universe

This is part of the set-up, Valir. Wag ka magpapauto kay Vale. Lahat ng mga nalaman mo? Those were his schemes para mapaikot ka ulit! Those were his trap para mahulog ka ulit sa mga bitag nya!

Schemes? Valir, wake up! Vale is in love with you, it's been you for the past seven years! Hindi ka pa ba makikipagbalikan? It's long overdue! Magpatawaran na kayo!

Sige, magpatawaran kayo, pero anong makikipagbalikan ka pa kay Vale? Nababaliw kana ba? History repeats itself, Valir. Masasaktan lang kayo ulit, tapusin mo na lahat.

Nanatili kaming tahimik ni Vale pero halos mabingi ako sa mga boses na naglalaro sa aking isipan.

Pagmamay-ari sila ng mga bersyon ko sa lumipas na pitong taon. May galit, tumatangis, nanghihinayang, alanganin pero sino ba ang dapat ko pakinggan? Sino ba ang dapat ko sundin?

Pakiramdam ko naliligaw ako sa kawalan, at kahit anong hanap ko sa liwanag, 'di ko ito matagpuan. Makakalabas pa ba ako sa krisis na ito? Alam ko na may dalawang pinto na maari ko maging daan, alam ko rin na may magkaibang tao ang nakaabang sa akin mula sa mga iyon pero sino ba ang gusto ko sumalubong sa akin? Kanino ko ba gusto magpasama pauwi?

The first one would direct me to my home, to a safe haven, to a sanctuary where I'll be protected from all the harm this world could offer but the second one would lead me to a ship sailing in the vast ocean, oo, maari kami kumaharap ng bagyo, delikado ang mga alon, humahagupit ang hangin at bayolente ang patak ng mga ulan pero dito ako pinaka-buhay na buhay, walang katiyakan sa seguridad, pero hindi ba mas mabuting malunod na sinusubok ang tadhana kesa mabuhay nang payapa ngunit 'di naman tunay na malaya?

O baka naman masyado na akong mapangahas...mahirap ba makuntento? Bakit ko pa kakailaganin makipagsapalaran, gayong pwede naman ako maglaro nang maingat?

Yan, Valir. Choose the safer option. Ano kung mas mahal mo si Vale? You also love Kasper, and maybe the only thing that was holding you back from being all out on him was your tangled strings with Vale. Kaya putulin mo na lahat ng meron kayo, what else could you lose, eh sinuko mo naman na sya noon at latak nalang kung ano man yung natitira sa inyo ngayon.

You got to be kidding me, Valir. You'll cut everything between you and Vale? Better go cut his lifeline as well! He fell from alcohol addiction after you left seven years ago, his symptoms are manifesting once again, kakayanin ba ng konsensya mo pag nalulong sya ulit sa adiskyon? Fix everything now! Save him!

Valir, things are past saving, and it's not your responsibility to save Vale, kaya nya isalba ang sarili nya. Nagawa nya nga noon, diba? Edi magagawa nya ulit ngayon. Isa pa, Vale is a superstar! And his fanbase with Heaven Black is really huge. Kung magkakabalikan kayong dalawa, can you imagine how big of a scandal that can be? Can you imagine how complicated your life will be? Choose Kasper, drop Vale!

Choose Kasper, drop Vale!

Choose Kasper, drop Vale!

CHOOSE KASPER, DROP VALE!

Napapikit ako nang mariin nang magsabay sabay na ang mga boses sa aking isip.

How can I shut them up?

How can I shut them up?

HOW CAN I SHUT THEM UP?!

"When I was in kindergarten, our teacher taught us basic mathematics,"

Naglaho lahat ng boses sa isip ko nang magsalita si Vale.

"Addition and subtraction yon, hirap na hirap yung mga kaklase ko, pero para sa akin napakadali lang naman. Ako nga palagi ang unang natatapos pag may mga worksheet kami, eh. Tapos perfect ako palagi, kaya pag nagtatatak ng star yung teacher ko, umuuwi ako sa amin na hanggang sa braso meron."

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon