Kabanata 56

280 16 8
                                    

Sinag

Punas luha, lagok ng alak, hithit ng yosi, tapos scroll sa mga litrato ni Heaven.

Ito ba yung mga tipo ni Vale? Yung pwede nya isampay sa balikat nya? Hindi na ako magugulat kung totoo nga na magkarelasyon sila. Sa mala-anghel sa lupa kasing atake ni Heaven, kung ako si Vale magkakagusto rin ako sa kanya.

Maputi, makinis, balingkitan, maamo ang mukha...sino ang 'di mabibihag dito? Halos manliit ako habang tinitingnan ang itsura ni Heaven. He looks so soft and delicate, very ethereal na kahit malaki ang aking self love, gumuguho ito at napapalitan ng insecurity.

Lalo na nang makita ko na shini-ship din sila ng publiko as a love team. Napakarami kasi nilang interaction partikular na sa mga award show, music fest at kung ano ano pang mga event na 'di kalaunan, nag udyok para yung mga fans nila isipin na meron silang something.

May #Hale pa nga silang nalalaman, at sa laki ng follower at supporters nito, maraming brand ang kumukuha kina Vale at Heaven para mag sanib pwersa sa mga promo at commercial.

They even had a cover for a valentine issue of a famous magazine. Psh, ipasara ko kumpanya na may ari sa magazine na 'to, eh.

"I know that they used to be classmates in high school, pero 'di ko alam na hanggang ngayon nakikipaglapit pa rin si Rhian kay Vale."

Humahagulgol sa iyak si Heaven sa isa sa mga interview na aking napanood.

Oh my, is he talking about Rhian Salazar?!

Halos malaglag ako sa rooftop nang mabasa ko ang overview ni Rhian sa google. She's now a model, and apparently, nali-nalink din sya kay Vale.

"I asked Rhian before kung may gusto sya kay Vale, she answered me yes, pero dati pa raw yon at naniwala naman ako. I shouldn't believe her...kasi kung moved on na sya, bakit pa sya nakikipag-dinner date kay Vale?"

Anong drama 'to?! Hinalungkat ko ang naging sagot ni Rhian.

"Dinner date? That's a business meeting! At 'di lang ako ang kasama nya no'n, he's with his bandmates, edited ang mga pictures na nakikita nyo."

Bumalik ako sa interview ni Heaven.

"I don't know...." humikbi sya, "Let's just wait for Vale's statement."

At ang statement ni Vale?

"No comment."

Halos ipukpok ko sa aking ulo ang hawak kong bote ng alak. Ano ba? Sila ba ni Heaven o sila ni Rhian?

Baka naman mamaya sila nitong kapwa nya band vocalist na si Justine?

O nitong artista na si Hannah?

O nitong journalist na si Eri?

Ugh...ba't ba ang daming nali-link sayo, Vale?! Nagbasa ako ng mga comments ugnay sa kanyang mga rumored partners.

Mamatay kana, Rhian! Hindi kayo bagay ni Vale! Wag mo sirain ang Hale hayop ka!

Certified malandi ka talaga, Justine! Pero wag kana umasa, hindi mo matitibag ang relasyon ni Heaven at Vale!

Hoy, Hannah! Kabit kana nga sa mga palabas mo, tototohanin mo pa sa totoong buhay. Back off from Hale you, bitch!

Wag kang ambisosya, Eri. Sobrang pangit mo hindi ka papatulan ni Vale kahit mag hubad ka pa sa harap nya. Hale lang malakas!

Contest ng mga war freak tapos yung kalaban fanbase ng Hale. Saan sila kumukuha ng lakas ng loob para maging ganito kagarapal? Required ba na pag kasapi nila walang good manners and right conduct?

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon