Kabanata 45

302 14 0
                                    

Paalam

Arthur Romero: Your flight is scheduled for this afternoon. Are you planning to proceed as planned?

Mabigat sa loob kong nilagay sa gilid ng kama ni Vale ang liham nang aking mapapaalam nang matanggap ko ang text message ni Arthur.

Pakiramdam ko may butas sa dibdib ko na kahit kelan ‘di na mapupunan. Napakahirap iwan ni Vale, dahil umalis man ako bitbit ang aking katawan, alam ko na yung puso ko maiiwan sa kanyang mga palad.

Ngunit mas mabuting ganon, kesa madurog ako sa punto na wala nang maiiwan sa akin. Hindi madaling umalis, pero mas magiging mahirap kung mananatili ako at mag aantay nalang kung kelan nya ako wawasakin.

Oo, kaduwagan na wala akong lakas ng loob para komprontahin sya at mag labas ng hinanakit pero kailangan ko rin protektahan ang sarili ko, at higit pa, kailangan ko protektahan si Vale.

Pinunasan ko ang aking mga luha para malinaw syang matitigan. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog, at may parte man sa akin na nagsasabi na nababagay ako sa tabi nya, kulong sa kanyang mga bisig habang nakasandal sa kanyang dibdib, alam ko na ‘di na maaari, na tapos na ang maliligayang araw na matatawag ko syang akin.

“Valir?”

Muli akong nagpunas ng mata nang magising si Vale mula sa aking mga hikbi, “Hi.”

“W-why…why are you crying?”

Pilit akong ngumiti, “I’m fine, go back to sleep.”

Hinawakan nya ako sa pisngi, “But these are tears, baby…”

“Tears of joy,” hinalikan ko ang kanyang kamay bago ko sya hinaplos sa buhok, “Matulog kana ulit.”

“Pero Valir….” sinsero nya akong tiningnan, “Pag gising ko ba nandito ka pa rin?”

“Of course,” tumango ako sa tanong ni Vale sa kabila nang panlalabo ng aking mata sa dami ng luha na ipinapatak nito, “I'll still be here when you wake up, that’s a promise.”

“I love you, Valir.”

“I love you too,” inantay ko sya na makatulog ulit, “I love you so much that I'm willing to do this for you, for us.”

Nanginginig kong hinubad yung singsing na bigay nya sa akin bago ko ito ipinatong sa ibabaw ng aking liham.

Tiningnan ko sa huling pagkakataon si Vale, at masakit man ang kada hakbang papalayo sa kanya, pinili ko tumalikod, mas minabuti kong lumisan.

“Crawford University is the best arts school across the globe. Dekalibre ang mga propesor doon, makakaasa na tayo na makukuha ni Valir ang edukasyon na kailangan nya.”

“We know about Crawford University, Arthur. Yan naman kasi talaga ang target school ni Valir pero nakapag-desisyon na yung bata, sa Collegio de Peverel nya gusto mag aral.”

Tumaas ang kilay ni Arthur, “Talaga? Bakit ‘di mo sya tanungin ulit?”

Nilingon ako ni Mama, “Valir, saan mo gusto mag kolehiyo?”

“Sa Crawford po.”

Si Ate Amber yung nag react, “Ano?! Ba’t gusto mo bigla sa Crawford? Diba nilalakad nyo na ni Vale ang application nyo sa Peverel?”

Pinigilan ko ang panginginig ng aking boses, “I changed my mind.”

“But why?” nakisali na rin si Tito Fidel, “Ilang beses ka namin tinanong kung saan mo gusto mag college, Valir. Ang sabi mo sa Collegio de Peverel.”

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon