Kabanata 27

312 18 1
                                    

Promise 

Umaarangkada na ang karera ng We The Sinners. 

Bukod kasi sa dumarami na ang listeners nila sa mga streaming platform, followers sa kanilang mga social media accounts at supporter pag meron silang mga gig, kinukuha na rin sila ng mga event organizer para tumugtog sa iba't ibang mga music show. 

Kaso 'di pa naman sila ganon kabigatin para maging main act. Tulad ngayon, may OPM festival sa isang sikat na mall at habang kasama ang We The Sinners sa line up, opening act lang sila, panlibang sa crowd habang wala pa yung mga headline artist pero syempre exposure is exposure, good publicity pa rin ito at sa dami ng manonood, impossible naman na wala silang mahatak na fans. 

Talented kasi talaga yung banda, and Vale being versatile, nagkakaroon sila ng chance na ikutin ang iba't ibang mga genre. 

At mawawala ba ang panlaban nila na dashing looks? Bawat isa sa We The Sinners charismatic at gwapo, kaya 'di man mahatak yung audience sa galing nila tumutog, mahahatak sila sa visual at charms ng grupo. 

"Dito, Valir!" 

Napatigil ang aking mata sa pagsuyod sa mga upuan nang tumayo si Lennie para mahanap ko kung saan sila  nakapwesto. 

Kasama nya si Alice, Nico at Lucas, pero dahil kakilala ni Rhian yung event organizers, katabi namin sya sa seat kahit 'di nya naman deserve. 

Medyo nakakainis nga, sya kasi binigyan lang basta ng VIP ticket eh kami nina Lennie? Susko, habang bumibili online, may hawak na rosaryo. 

Limited kasi yung VIP tickets, at sa dami nang may gusto, ultimo si Alice na manager ng We The Sinners kailangan mag purchase para raw fair. 

Psh. Napilitan na nga kami pumatol sa fixer kahit overpriced. Kung 'di kasi kami kakagat, it's either mapilitan kaming pumwesto sa likod, makipagsiksikan sa labas ng barricade o 'di naman kays dumungaw mula sa itaas na floors. 

"Sino si K?" tanong ni Alice nang ako ay makalapit. 

"Huh?" 

Tinuro nya ang letra sa aking dibdib, "Ayan, oh."

"Ah…." napatingin ako sa suot kong jacket. Ito yung inarbor ko kay Kasper, medyo malamig kasi yung panahon kaya naisipan ko suutin. 

"Wala lang 'to, bigay lang."

"Sus…" natawa si Rhian, sa pagitan nila ni Lucas ako naupo, doon kasi ang designated seat ko at dahil strikto yung event organizers, bawal makipagpalit.

"K stands for Kasper ba?"

Kumunot ang noo ko nang muling magsalita si Rhian, "Paano mo alam?" 

"I know that you guys are neighbors," maloko syang ngumisi, "And who knows, maybe more."

Napuno ako ng pagtataka, "Excuse me?"

"Wag kana mag deny, Valir. Hindi ko naman ipagkakalat."

Ang alin? Akma akong magsasalita nang marinig ko ang collective gasp mula sa iba naming katabi. 

"Mic test."

Napapikit ako sa boses. 

"Sino yon?!"

Nakakabinging sigawan ang umalingawngaw sa activity center ng mall pag labas ng We The Sinners para mag sound check. 

Natatakot ako na may tumalon mula sa itaas na floors, nagtatawanan kasi sina Vale at dahil meron monitor, kitang kita ang dimple nya na kada lilitaw may pana yata si kupido na diretso sa aming mga puso.

Ocean EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon