Chapter 15:

190 21 0
                                    

(Author's)

Bumalik si Ellaine sa Arcelle matapos nilang kumain at mag-usap ni Xian.

Habang nililinis ni Xian ang mga pinagkainan ay biglang lumabas si Javier mula sa portal.

"Xian.... Muli tayong nagkita... Kamusta na?" Sabi ni Javier

"O! Buhay ka pa pala? Tagal nating hindi nagkita kaya akala ko patay ka na.... Hahaha joke lang.... Bakit ka po pala nandito" Sabi ni Xian

"Nabalitaan ko kasi ang nangyari sayo... Nakapagpalabas ka ng isang Mythical Beast...." Sabi ni Javier

"Ah... Opo.... Kakaiba nga eh.... Sa'kin lang yung naiiba...." Sabi ni Xian

"Tama... Isa kang kakaibang bata.... Unang tingin ko palang sayo nung bata ka palang ay alam kong ikaw ang anak nya... Nagmana ka sa iyong ina, Ngunit mas mangingibabaw ang isa." Sabi ni Javier

Di maintindihan ni Xian ang sinabi ni Javier. At bigla nyang naisip na baka ang tatay nya ang tinutukoy ni Javier.

"Tatay ko ba yung tinutukoy mo?" Sabi ni Xian habang pinupunasan ang mga pinggan.

"Oo... Ang iyong Ama ang tinutukoy ko" Sabi ni Javier sabay tingin sa litrato ni Xian kasama ang kanyang ina. "Hindi pa ngayon ang oras para malaman mo ito..... Malalaman mo ito sa tamang pagkakataon at sa tamang tao." Sunod na sinabi ni Javier

"Kilala mo ang tatay ko?" Tanong ni Xian

"Tama ka at kilala yun ng lahat ng tao sa Arcelle...." Sabi ni Javier sabay talikod kay Xian

"Teka!!!" Sabi ni Xian "Anong pangalan ng tatay ko?" Sunod na sinabi ni Xian

Bahagyang lumingon si Javier

"Hindi mo dapat sa akin tinatanong yan...." Sabi ni Javier at bigla nalang syang naglaho.

(Sighs) "Sino kaya yung tatay ko? Kung kilala syang tao.... Ibig sabihin.... Baka isa sya sa mga magagaling na Arcellian..." (Sigh)

Tinuloy na ni Xian ang paglilinis ng mga pinagkainan.

Matapos linisin ni Xian ang mga pinagkainan at pumunta na sya sa kanyang kwarto para magpahinga.

Pag-upo nya sa kanyang kama ay may naupuan syang isang matigas na bagay. Inangat nya yung kumot at may nakita syang bracelet na silver na may parihabang kulay itim sa gitna.

"Ummmm.... Kanino kaya to? Sa mama ko siguro to.... Ang ganda ahh...." Sabi ni Xian

Biglang naisip ni Xian na baka iniwan talaga ng mama nya yung bracelet sa kama nya.

Isinuot nya ito sa kanang kamay nya.

Biglang naging kulay sky blue yung parihaba na nasa gitna nung bracelet at bigla din itong sumikip. Pinilit ni Xian na tanggalin yung bracelet sa kamay nya ngunit bigo syang magawa yun dahil saktong-sakto lang sa braso sya yung bracelet.

Gumamit na sya ng sabon para matanggal yung bracelet pero ayaw pa rin. Kumuha sya ng lagareng bakal at itinapat ito sa bracelet na nakasuot sa kanya. Itutuloy na sana nya ngunit nangibabaw ang kanyang takot na baka madamay ang maganda nyang kanang kamay.

Tinitigan nya yung sky blue na parisukat at napansin nyang gumagalaw itong paikot.

"Ano kaya ito?" Tanong ni Xian habang tinititigan yung bracelet na suot nya.

Kinabukasan.....

WOOOOOSSSSH!!!

Tunog ng portal na bumukas mula sa Arcelle. Lumabas mula sa portal si Ellaine. Bumalik sya dahil naiwan nya ang regalo nya sana kay Xian kapag nakatapos na sya ng pag-aaral sa Arcelle. Yun yung bracelet na nakita ni Xian sa kama nya nung gabi.

Dumeretso si Ellaine sa kwarto ni Xian para kunin yung bracelet.

Ganito kasi ang nangyari bago makita ni Xian yung bracelet.

Nagpunta si Ellaine sa kwarto ni Xian para maglagay ng "Protection Circle" dahil kahit anong oras ay pwedeng sumalakay ang mga kampon ng dilim para kunin o patayin si Xian. Isa itong uri ng Barrier spell para sa kampon ng dilim, para walang makapasok na mga Heartless.

Inangat nya ang lahat ng gamit sa kwarto at idinikit ito sa kisame ng bahay at nagsimula na syang gawin ang Protection Circle. Inukit nya sa sahig ang bilog gamit ang blade na ginagamit pang-ahit para hindi halata. Sa loob ng bilog ay nakaguhit ang pentagon at sa loob ng pentagon na iyon ay bituin ganun din sa gitna ng bituin na iyon. Sa labas ng bilog ay may mga nakaukit na mga simbolo na hango sa Arcelle na nakatapat sa bawat sulok ng pentagon. Nang matapos yun ay tumayo sya sa gitna nito at sinabi ang mga katagang.

"Se Var To Frei Un Tar Gha Me rsa i Run De..."

Matapos nyang banggitin yun ay unti-unting nagliwanag ang protection circle mula sa kinaaapakan nya at hanggang sa mabuo ang protection circle.

Matapos nang gawin ang barrier ay ay ibinalik na ni Ellaine ang lahat ng gamit. Umupo sya sa kama ni Xian para magpahinga. Napatingin sya sa litrato nila ni Xian na nakapatong sa patungan ng lamp shade. Kinuha nya ito at tinignan kinuha nya rin yung bracelet mula sa bulsa nya.

"Sana makita ko na ang tunay mong ina.... At makapiling mo sya." Sabi ni Ellaine habang nakatingin sa litrato.

Ibinalik nya ang litrato sa patungan ng lamp shade at inilagay naman ni Ellaine yung bracelet sa bulsa nya.

Lumabas na sya sa kwarto ni Xian para magpaalam kay Xian na babalik sya ng Arcelle at hindi nya napansing nahulog sa kama yung bracelet dahil hindi masyadong nailagay ni Ellaine yung bracelet sa bulsa nya sa likod ng pantalon nya.

Sa kasalukuyan....

Hindi nakita ni Ellaine yung bracelet na regalo nya sana kay Xian. Paglabas nya sa kwarto ni Xian ay nakasalubong nya si Xian.

"O ma? Ano... Pong ginagawa nyo po sa kwarto ko?" Tanong ni Xian

Napansin ni Ellaine na suot na ni Xian yung bracelet.

"San mo nakuha yung bracelet na suot mo?" Mahinhing tanong ni Ellaine

"Ahh.... Sa inyo po galing to di ba?.... Nakuha ko po sa kama ko eh.. Ayaw na atang matanggal...." Sabi ni Xian

"Hindi na talaga matatanggal yan dahil sa iyo talaga yan.... Galing yan sa tunay mong ina..." Sabi ni Ellaine

Nagulat naman si Xian.

"Buhay pa ang mama ko? Nasaan sya?" Sabi ni Xian

"Ibinigay nya sa akin yan nung ipinanganak ka nya at ibigay ko raw sa iyo yan sa tamang panahon... Siguro ngayon na yung tamang panahon na iyon... Ang tawag dyan ay "Larx" o magic meter.. Dyan mo malalaman kung mauubos na ba ang kapangyarihan mo. Pwede din yang maging pananggalang sabihin mo lang ang Larx." Sabi ni Ellaine

"Ngayon masasabi ko nang lagi ko syang kasama dahil sa bracelet na ito. Salamat po sa inyo dahil ipinaramdam nyo na nandito ang mama ko sa pamamagitan ng bracelet na ito." Sabi ni Xian sabay yakap kay Ellaine.

Samantala sa kaharian ni Laxemire.

"Nakahanda na ang lahat ng kawal panginoon pati na ang pitong sugo ng dilim.... Handa na silang sakupin ang bawat bayan na kinatatayuan ng kanilang kastilyo at handa na para wasakin ang bayan ng Arcelle." Sabi ng alipin ni Laxemire

"Yung bata.... Kamusta na sya?" Tanong ni Laxemire

"Hindi mahanap ng mga alagad natin si Xian dahil mayroong inilagay na proteksyon sa kanya ang Zeaf na iyon" sabi nung alipin

"Ipagpatuloy mo lang ang paghahanap ay hindi.... Lalabas nalang sya ng kusa kapag winasak na natin ang Arcelle.. Hahahahaha!!!!!." Sabi ni Laxemire

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon