Chapter 5:

284 33 0
                                    

"Wow!!! anlaki naman....... parang isang mansyon ang nakikita ko ngayon"

Talagang nagulat at namangha ako sa nakikita ko ngayon at parang imposible. Di ko mapigilang ilibot ang mga mata ko sa ganda ng bahay ng mama ko dito sa Arcelle.

 "Magic ang tawag sa nakikita mo ngayon....... kaya nitong gawin ang lahat"

Syempre di ba... Magic. Kahit sino naman alam ang magic, tama, kaya nitong gawin ang lahat. Baguhin ang reyalidad at ang oras, makapagpalabas ng apoy, pagalawin ang tubig at bato, kontrolin ang hangin, pagalingin ang sugat sa katawan, palutangin ang mga bagay gamit lang ang isip.

"Wow!!! Sayang di po kita nanay... Sana katulad din kita..."

Syempre lahat naman ata ng tao gustong magkaroon ng kapangyarihan di ba? Pero pili lang talaga ang binibiyayaan ng ganung talento. Yun bang may mabubuting puso at kaluluwa. Binigyan sila nun dahil mayroon silang misyon na dapat gawin. Lahat tayo ay misyon, di nga lang pangkaraniwan ang misyon nila.

Meron din namang mga masasama na binigyan ng kapangyarihan. Ewan ko kung bakit pa sila binibigyan ng ganung kakayahan? Eh... Masama ang puso nila at kaluluwa.

"Alam mo.... Di madali ang may ganitong kakayahan.... Lapitin kami ni kamatayan. Isang responsibilidad ang haharapin mo at hindi mo na ito kailanman matatalikuran..."

*ROAR!!!!!*

Bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa itaas. Malaki ang boses nito.

Pagtingala ko ay nagulat ako dahil pababa ito sa akin. Di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang taranta kaya inilagay ko nalang ang mga braso ko sa ulo ko at hinintay nalang na madaganan ako ng lalaking bumabagsak papunta sa akin.

*Thud!!*

Naramdaman kong tumama ang mga braso niya sa akin ngunit hindi ako nasaktan. Naramdaman kong nabitak ang sahig na tinatapakan ko at bahagya akong lumubog.

May naramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Para bang uminit at parang naipon lahat sa braso ko. Para itong nagmistulang pananggalang at hindi ko alam kung paano ko nagawa.

"Tama na..."

Sabi ng mama ko. Tumigil yung lalaking bumagsak mula sa taas <Varl> ang pangalan nya.

"Masusunod...."

Sagot niya. Tumigil na sya sa pagdiin ng braso nya sa akin.

(O_O)

Nagulat ako sa nakita ko. Ang mga braso ko ay may parang usok na bumabalot, kulay asul ito. At ang sahig na tinatapakan ko ay bitak-bitak.

"Ha?"

"Nagulat ka ba?"

Sabi ng mama ko... Malamang magugulat talaga ako sa nangyayari ngayon at hindi ako makapaniwala.

"Oo tama ang iniisip mo... Meron ka ring kakaibang kakayahan tulad namin."

Matapos yun ay bigla nalang akong nahilo at di ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon