Chapter 18:

153 15 0
                                    

(Author's)

At ito na nga, ang pagsusulit kung saan pipili ang Hexia ng isa sa bawat klase na nagpakita ng kakayahan na higit sa lahat.

Kasama ni Xian si Varl dahil si Ellaine ay patuloy pa ring hinanap si Frey kahit na sinabi ni Frey na magpapakita sya.

Nakatingin si Varl kay Xian habang naglalakad sila papunta ng Colosseum ng Arcelle Academy.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Varl

Medyo na tatawa si Varl dahil nanginginig si Xian at di maipinta ang mukha. Natawa din sya dahil isang Mortea si Xian, ibig sabihin kaya nyang talunin lahat yung ng mag-isa. Yun ang nasa isip ni Varl.

"Medyo......" Sabi ni Xian

"HAHAHA!!!.. Ano ba?.... Ikaw ang Mortea..."

Tinakpan agad ni Xian ang bibig ni Varl.

"Shhhhhh.... Wag mo namang ilakas....." Sabi ni Xian

"Ummm.."

Binitiwan na ni Xian si Varl.

"Oo, alam ko naman yun eh, ako ang malakas, di matatalo.... Pero di ko pa alam kung paano... Saka pandaraya kaya yun?" Sabi ni Xian

"Ummmmm.... Oo pero ito nalang ang isipin mo. Gagawin mo ito para makapasa, hindi para maging kampeon. Gawin mo ng may disiplina at walang halong yabang. Tandaan mo yan ah..." Sabi ni Varl.

"Ok..... Salamat sa payo..." Sabi ni Xian

Huminga sya ng malalim at ibinuga nya ito ng dahan-dahan habang nakapikit.

"Handa na 'ko!" Sunod na sinabi ni Xian.

Dinig na sa labas ang hiyawan ng mga Arcellean dahil sabik na silang matunghayan ang kanilang mga anak at makita ang bunga ng pagsisikap nila.

Pagdating nila sa loob ng colosseum ay nakasalubong nila si Dianne.

"Goodluck mamaya!" Sabi ni Dianne

"Um... Ok sayo rin!" Tugon ni Xian

Nang makalagpas na kay Dianne at bumulong si Varl.

"Plastic..."

"Ano? May sinasabi ka ba?" Tanong ni Xian

"Wala! Wala... Hehe..."

"Mga Estudyante ng Arcelle Academy, maaring makinig muna kayo sa mga sasabihin ko. Una, pumunta na ang lahat ng Estudyante sa kanikanilang mga klase. Ikalawa, hindi kayo makakagamit ng kapangyarihan sa loob ng silid ninyo kaya wag nyong tangkaing mandaya. Ikatlo, pipili kami ng mga karapat-dapat na sanayin ng Hexia upang lumaban at ipagtanggol ang Arcelle sa mga banta. Panghuli, isa-isa kayong tatawagin at hindi namin ipapaalam kung sino ang makakalaban nyo, maari ninyo silang panoorin sa inyong mga silid at pag-aralan ang kanilang mga galaw. Yun lamang at maraming salamat." Sabi ng tagapagsalita gamit ang mahika na nakakapagpalakas ng boses.

Sa bawat silid ay isang klase, merong mga upuan at isang malaking papel ng nasa harapan na parang sinehan, dun nila panonoorin yung nagaganap sa labas. Syempre walang kamera sa Other world pero may mga mata, mata ang ginagamit nila at mahika. Ginagamit nila ang mga mata ng ibon at inuutusan nila itong lumipad at titigan ang mga nangyayari.

Naghiwalay na si Xian at Varl ng daan, pupunta na si Varl sa pwesto nya sa manonood at si Xian ay sa silid.

Habang naglalakad si Xian ay nagpapatanggal sya ng nerbyos sa pamamagitan ng pag-pagpag sa mga kamay nya at humihinga ng malalim sabay buga ng dahan-dahan.

Pagpasok ni Xian sa silid ay nakatingin sa kanya lahat ng tao dun na para bang nagtataka sila.

Umupo si Xian malapit sa sulok ng silid at hindi kumikibo at naka tingin sa malaking papel na nasa harapan.

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon