Chapter 2:

671 44 1
                                    

Matapos naming kumain ay nagpunta na ako sa kwarto para gumawa ng mga assignment ko at pagkatapos ay tulugan na.

Habang gumagawa ako ng assignment ko ay naririnig kong nagsasalita ang mama ko at para bang may kinakausap sya.

Lumabas ako ng kwarto para mas marinig ko kung mama ko nga talaga ang nagsasalita.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina dahil dun ko naririnig yung boses ng mama ko. Nagulat ako sa narinig ko, lalaki ang boses ng isa at ang isa naman ay nakita ko mula sa pintuan, chicken wire kasi ang kalahati ng pinto namin kaya kahin nakasara ito ay kita mo pa rin ang nasa labas pwera ang ibaba.

Anino lang ang nakita ko, hindi ko makita yung mukha pero sa hugis ng anino ay parang babae dahil mahaba ang buhok nito.

Nagulat ako dahil may narinig akong naglalakad, hindi ako sigurado kung san nang gagaling kung sa loob o sa labas.

Patuloy akong nakinig sa nag-uusap.

"Nagsimula na...."

Mahinang sabi <nya>.

"Alam na ba nya?"

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy <nya> at bigla kong naalala yung lalaking may pakpak na kamukha ko. Napaatras ako dahil baka ako ang tinutukoy <nya>. Habang umaatras ako ay may nabangga ako. Alam kong tao ang nabangga ko kaya kinabahan ako. Tatakbo na sana ako kaso nahawakan nya ang damit ko.

"San ka pupunta?"

Nakasuot sya ng robe na may hood, may suot sya sa kaliwang kamay nagwantes na may pulang bato <Ruby> at sing-sing na may hugis apoy sa ibabaw. <Andrei>

Dinala nya ako kung saan nag-uusap ang mama ko at yung isa.

"Xian?..."

Nagulat sya ng makita ako.

"Nakita ko syang nakikinig sa inyo."

Lumapit sya sa akin at ang tingin nya ay para bang humahanga sya. Nanlalaki ang mga mata nya at kung makangiti ay para bang wala nang bukas.

"Sya na ba yun?!"

Nakasuot din sya ng robe pero naiiba ang kanya. Kulay puti ang robe nya na may itim na linya sa dulo ng tela at ang kaliwang kamay nya ay may gwantes din na kulay green na bato <Emerald> at may singsing din sya na may hugis dahon sa ibabaw. Nakasuot sya ng gown na puti na may ginto na nakapalibot sa kanyang baywang at ganun din sa bandang leeg.

Para syang angel sa ganda at ang mga mata nya ay makukumbinsi kang maawa at malalaman mo agad na mabuting tao ang kaharap mo.

Hinawakan nya ang kamay ko ay tinignan ito.

"Ilang taon ka na?"

Tanong niya sa akin.

"14 years old"

Pinigilan ng mama ko ang babaeng kausap ko <Larxene>. Sumenyas sya sa babae <Larxene> na para bang may gusto syang sabihin sa akin.

"Xian.... Wag kang mabibigla sa sasabihin ko at ipapakita ko."

Lumayo sya at si Larxene, yumuko sya at bigla syang tumingin sa akin, nagbago ang kulay ng mga mata nya. Naging kulay violet ito at nagbago ang damit nyang suot. Violet gown na may itim na nakapalibot sa baywang, parang belt na may patusok pababa, meron syang pentagram sa kaliwang kamay at may singsing sya na may pentagram sa ibabaw.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Para bang isang panaginip, sinubukan kong sampalin ang sarili ko para magising ako, kung panaginip nga ang lahat pero hindi... Totoo ang mga nangyayari ngayon.

"Xian..... Hindi ako ang tunay mong ina."

Medyo naluluha na ako at hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Ma? Ano to joke? ..... Kung biro to... Hindi nakakatuwa..."

Tumalikod ako at paalis na sana nang bigla akong magulat sa sinabing mama ko.

"Ikaw at yung lalaking may pakpak na sinasabi mo....... Ay iisa"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, para bang gusto kong magwala dahil sa tinagal-tagal ko nang gustong malaman kung sino ako at kung sino ang tatay ko... Ito pa ang malalaman ko. Mababaliw na ata ako.

Tumakbo ako palabas ng bahay, tumakbo ako habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko. Sana nga isang panaginip ito at pagkagising ko ay normal na ang lahat.

Pumunta ako sa isang park sa village malayo sa bahay namin. Walang tao sa park, madilim, nakakabingi ang katahimikan, ang maririnig mo lang at ang hangin na tumatama sa mga puno na nandito sa park.

Nag-isip isip ako. May mga naalala akong mga pangyayari nung bata pa ako, dito mismo sa park. Kasama ko ang mama ko at masaya kami nun, umalis ang mama ko para bumili ng cotton candy para sa akin.

Habang bumibili ang mama ko ay may lumapit sa aking lalaki na may tungkod.

Para syang pulubi. Nakasuot sya ng long sleeve polo na brown, nakasumbrelo sya. Ang tungkod nya ay may bilog na bato na kulay itim. May balbas sya na mahaba, hanggang sa dibdib nya. Ang mga mata nya ay medyo singkit at puro kulubot na ang mukha nya. Mga 55+ ang edad nya.

"Kakaibang bata...."

Yun ang naalala kong sinabi nung matanda.

Biglang lumapit sa akin si mama at pinaalis yung matanda. Niyakap nya ako at paulit-ulit nyang tinatanong sa aking "ayos ka lang ba? Hindi ka ba nya sinaktan?".

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon