Chapter 16:

189 21 1
                                    

(Xian's)

Ilang araw bago ang exam ay itinuro din sa amin kung paano maglabas ng mga alagad gamit ang "Ercata Ventis, Ercata Titus, at Ercata Zerfri." Ito yung mga uri ng summoning spells. Ventis, ito yung summoning spell na tumatawag ng mga enkanto. Titus, halata naman, Titan ang lumalabas sa Magic Circle. Zerfri, ito yung mga shadow at blue fire wolves, fox, etc.

Nagpunta kami sa isang silid na may nakaguhit na pentagram at may tatlong simbolo sa gilid ng pentagram. Ipinaliwanag sa amin kung bakit kami nandun sa silid na iyon.

"Nandito tayo ngayon sa Vertaria. Kung saan dito nyo malalaman kung ano sa tatlo ang uri ninyo. Magliliwanag ang isa sa tatlo at kung ano ang nagliwanag, yun ang matututunan mo. Meron tayong tatlong guro na nag-iintay sa inyo. Sila ang magtuturo sa inyo at kung ano man ang magliwanag ay mapupunta kayo sa isa sa tatlong guro. Okay!! Simulan na natin!!!" Sabi ni Cryst

Nauna si Franze, yung lalaking unang kumausap sa akin. Tumayo sya sa gitna nung pentagram.

"Sabihin mo ang salitang Len." Sabi ni Cryst

Ganun nga ang ginawa ni Franze at nagliwanag ang isa sa tatlo. Kulay dilaw yung liwanag na nilikha nun.

"Titus!!" Malakas na sabi ni Cryst

Titus yung nagliwanag na simbolo kay Franze.

Pumunta sya sa kanyang magiging guro, sumunod naman si Dianne, kulay Violet ang kulay ng buhok nya, nakangisi sya nung pumunta sya sa gitna ng Magic Circle. Sya ang pinaka mayabang na estudyante ng Summoning at sya rin ang may pinakamagadang Ercata. at maganda din sya.

Pagpunta nya sa gitna ng Magic Circle ay isinigaw nya ang katagang "Len" ng napakalakas habang nakataas ang kanyang kanang kamay.

Nagliwanag yung isang simbolo, kulay Violet yung kulay nung liwanag.

"Zerfri!! isang maswerteng mag-aaral nanaman ang nakakuha ng Rare na Spell" Malakas na sabi ni Cryst

Habang papunta si Dianne sa kanyang magiging guro ay nakaytingin sya sa akin at nakangisi sya na para bang niyayabang nya ang nakuha nya.

Ako na ang susunod, ang totoo kinakabahan ako sa makukuha ko, kung ano ba ito maganda ba o panget. Habang papunta ako sa gitna ng Magic Circle ay tinawag ako ni Franze.

"Xian!!! Titus ah..." Sabi ni Franze

Parang mapipili ko kung ano ang nasa katawan ko ah.....

Ngumiti nalang ako.

Napatingin ako kay Dianne at naka ngisi lang sya at para bang sinasabi nyang "ako lang ang magaling"

Pagpunta ko sa gitna ng Magic Circle ay huminga ako ng malalim at ibinuga ko ito, pang alis nerbyos ba.

"Ok....sisimulan ko na...... Sana maganda ang makuha ko...." Sabi ko sa isip ko. "Len..." Mahinang sabi ko.

Nagliwanag yung isang simbolo sa harap ko at kulay Violet ang kulay nito.

"Zerfri?!" Sabi ko sa isip ko. Nagulat naman ako.

"Zerfri!! Dalawa kayong maswerte!!!" Malakas na sabi ni Cryst.

Nung paalis na ko ay biglang nagliwanag yung isa sa mga simbolo at sumunod din yung isa. Gumapang ang mga liwanag na nililikha ng mga simbolo sa linya ng magic circle papunta sa gitna, papunta sa akin.

Author's POV

Nagulat ang mga guro at mga estudyante sa nangyayari pati na si Xian.

"Hindi ito maaari....." Sabi sa isip ni Cryst

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon