Chapter 22:

164 12 2
                                    

Nagulat sya sa nakikita nya ngayon halos wala nang natira sa Arcelle kundi ang mga sirang kabahayan mga taong nakatumba sa mga daan at ang kastilyo ay wasak na rin.

Pinakiramdaman ni Xian kung meron syang mararamdamang aura sa paligid, pinakiramdaman nya rin ang aura ni Ellaine ngunit wala syang maramdaman kahit konti.

Habang naglalakad sya at hinahanap si Ellaine ay may nakita syang naglalakad na nakasuot ng hood na kulay pula. Papunta ito sa kastilyong gumuho.

Tumakbo si Xian papunta sa nakapulang hood habang tinatawag nya ito.

"Ate!!!! Sandali lang po!!!!!" Sigaw ni Xian

"Huh?" Napalingon si Frey at maluhaluha sya ng makita nya ang anak nya na buo at buhay dahil akala nya ay nadamay din sya sa mga namatay na Arcellean dahil di nya maramdaman ang Aura nito.

Yumuko si Frey at itinago nya ang kanyang mga mata, tanging labi lang ang nakikita sa kanya.

"Anong nangyari sa Arcelle? At ilang araw na ang lumipas?" Tanong ni Xian

May biglang naramdaman si Xian na kakaiba, naramdaman nya na parang nagkita na sila ng Babaeng nakapulang Hood kaya tinanong nya ito.

"Nagkita na po ba tayo? Parang kasing pamilyar po kayo sakin eh" tanong ni Xian

"May biglang dumating na isang istranghero na winasak ang buong Arcelle gamit ang sarili nya." Sabi ni Frey

"Huh?" Sabi ni Xian

Di nya lubos maisip na kaya yun gawin ng isang tao lang, dahil madaming tauhan ang Arcelle at madaming malalakas na Arcellean sa Arcelle tulad ng Hexia at ni Ellaine.

"Mag-isa lang syang sumugod ngunit may kakaiba syang kakayahan, kaya nyang padamihin ang sarili nya at magkakasing lakas ito. Halos walang pinagkaiba sa totoong katawan na may ari nito." Sabi ni Frey

Biglang naisip ni Xian na baka namatay na sila Ellaine, si Varl, mga kaklase sya sa Academy at ang iba pa dahil halos wala nang natira sa Arcelle.

"Wag ka mag-alala, ligtas ang ibang Arcellean, nasa isang silid sila kung saan di ito mararamdaman ng kalaban at kahit sino maski ikaw." Sabi ni Frey

Nabuhayan naman ng loob si Xian.

"Sumunod ka sa akin." Sunod na sinabi ni Frey

Sumunod nga si Xian at naglakad sila papunta sa nagibang kastillo,

"Rei ne za" mahinang sabi ni Frey at isang portal ang lumabas sa tapat nila. Kulay asul ito "Pasok" sunod na sinabi nya.

Naunang pumasok si Xian at sumunod si Frey.

Nang makapasok na sila ay agad niyakap ni Ellaine si Xian.

"Ang Mortea...." Bulungan ng lahat ng nasa silid

"Ayos lang ba kayo?" Nag aalalang tono ni Xian kina Ellaine.

Pag tingin ni Xian sa paligid at kaunti lang ang naligtas matapos ang nangyaring yun, halos wala pa sa kalahati ng mga Arcellean ang nakaligtas at ang iba ay sugatan pa.

"Buti nakaligtas kayo.., anong klaseng nilalang ba yung sumugod sa Arcelle?" Sabi ni Xian

"Si James Wrath, isa sa pitong sugo ng kadiliman, isa rin sa pinaka malakas na nakaharap ko, naming lahat halos walang hanggan ang kapagyarihan nya at winasak nya ang Arcelle ng mag isa lang." Sabi ni Ellaine

Maya maya'y dumating si Franze at Katherine, nagmamadali silang pumunta kay Xian at bakas sa mga mukha nila ang takot at pagkabahala.

"Xian!, san ka ba nanggaling? Di ka namin mahagilap kahit saan, kulang ang lakas namin laban sa nilalang na yun," sabi ni Franze

"Patawad kung hindi ko kayo natulungan, ang totoo, nasa kabilang mundo ako at hindi ko alam na mangyayari 'to sa Arcelle" sabi ni Xian

"Kabilang mundo? San yun?" Tanong ni Katherine

Nagdalawang isip si Xian kung sasabihin nya ngunit mas pinili nya na wag nalang sabihin para hindi nila malaman na meron nun, kaya sinabi nya nalang na ibang lugar sa Servanta.

"Ahhhh.. Bakit ka nandun? Dun ka ba nakatira?." Tanong ni Katherine

"Anong itsura nga pala nung lumusob dito? Malakas ba talaga sya?"" Gara ng tanong ko, halata naman na malakas yun dahil sa pinsala na dinulot nun, para maiba na din ang usapan baka mabuko pa ko". Sabi ni Xian

"May malaki syang espada at gauntlet sa braso, kulay pula yung kasuotan nya at napakalakas nya, ang pinaka tumagal na lumaban sa kanya ay si Dianne." Sabi ni Franze na may kasama pang galaw at sound effects

"Nasan si Dianne? Nakaligtas din ba sya?" Nag-aalalang tanong ni Xian

"Nasa silid sya at nagpapagaling, malaki ang napinsala sa kanya at naubusan sya ng magic" sabi ni Katherine

"Pwede ko ba syang puntahan?" tanong ni Xian

Pumunta nga sila sa silid kung saan naroon si Dianne. Pagpasok nila ay nagulat si Dianne.

"Anong ginagawa nyo dito?!" Malakas na tanong ni Dianne habang nakabalot sya sa kumot at nakatalikod sa kanila.

"Ummm, kinakamusta ka namin kung ok ka lang. Kasi sabi nila malaki daw ang napinsala sayo dahil nakaharap mo si James." sabi ni Xian.

"Ge na pagtawanan nyo na ko.." sabi ni Dianne.

"Huh?" sabi ni Xian.

Nagtaka naman sila kung bakit nasabi ni Dianne yun sa kanila.

"Oo na mayabang ako at pinilit kong kaharapin yung mokong na yun kahit alam ko na hindi ko kaya.." sabi ni Dianne.

"Di naman dahil dun kaya kami nandito eh, nandito kami para sayo, kung ayos ka lang ba." sabi ni Xian.

Tinanggal ni Dianne yung kumot sa kanya at sumandal sya sa uluhan ng kama na kinahihigaan nya at halata sa kanya na hirap sya sa paggalaw. Nakabalot ng benda ang buong braso at bandang itaas ng katawan nya. May sugat sa kaliwang pisngi nya at may bakas pa ito ng dugo.

Habang nag-uusap sila ay nakaramdam sila ng saglit na pagyanig.

"Ano yun?" tanong ni Katherine

"Lahat kayo pumunta sa kanikanilang silid!!"  sigaw ni Frey

Agad na pumunta sila Xian kila Frey pero bago yun ay may sinabi muna si Dianne kay Xian.

"Mag-iingat ka...Kay. May hinahanap syang tao, isang Mortea." sabi ni Dianne.

Bigla naman kinabahan si Xian sa sinabi ni Dianne na yun.

Pagpunta nila kila Frey, tinanong nila ito kung ano ang nanyayari.

"Nagsisimula nanaman sya magwala" sabi ni Ellaine.

"Ano pang ginagawa natin dito? Lumabas na tayo dun at lumaban." sabi ni Franze

"Di ganung kadali yun Franze, nakita mo naman ang kaya nyang gawin sa atin at sa buong Arcelle." sabi ni Katherine.

"Kung hindi naman natin sya kahaharapin, habang buhay nalang tayo na nandito sa ilamim nakatago at hayaan na masira nya ang buong Arcelle." Sabi ni Xian

"Tama sya, kailangan natin lumaban, yun naman yung sinumpaan natin bago tayo naging estudyante sa Academy." sabi ni Katherine.

Nag-alinlangan sila Frey at Ellaine. Dumating sila Varl, Javier at Larxene.

"Tutulong kami," sabi ni Larxene

"Alam naman namin kasi na hindi mo kami matitiis, Frey. hayaan mo na lumaban ang mga bata, magtiwala ka lang sa kanila" sabi ni Javier.

Binuksan ni Frey ang portal.

"Ano, tutunganga nalang ba kayo dyan? ililigtas pa natin ang Arcelle." sabi ni Frey at Lumabas na nga sila ng silid na iyon.

Paglabas nila ay nakita nila si James kasama ang mga Heartless na winawasak ang bayan.

"Lumabas ka!! Mortea!!!" sigaw ni James habang winawasiwas nya ang espada nya at winawasak ang mga natirang kabahayan.

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon