Chapter 23:

63 9 0
                                    

Natakot si Xian sa nakita nyang lakas ni James at sa tingin nya ay wala silang laban dun.

Naramdaman ni James ang mahika nina Frey.

"Sawakas! Lumabas din kayo..." Sabi ni James habang nakatingin kila Frey at ngumiting tila papatay.

Itinuro ni James ang kanyang espada sa pwesto nina Frey at sumugod na ang mga Heartless.

"Maghanda kayo." Sabi ni Frey

At isa isa silang naglabas ng mga kapangyarihan nila, si Katherine ay nilabas ang kanyang Staff na may kristal sa itaas na hugis cresent moon na may bituin sa gitna. Si Franze naman ay naglabas ng dalawang titan na parehong may kalasag sa buong katawan na may mga patusok na hugis sa magkabilang balikat at maging sa kanilang mga kamao.

Kinakabahan silang lahat dahil napakarami ng mga Heartless na pasugod sa kanila at di nila alam kung makakatagal ba sila.

May mga Orhexi din na lumabas, gumagapang ito na parang isang anino at papunta iyon kina Ellaine, napansin ito ni Frey at agad nyang pinuntahan ito, hinagis nya ang kanyang Dagger papunta sa isang Orhexi, at parang kumislap at naglahong parang bula at parang may nabasag na kristal kasabay nun, at napunta sya sa kanyang ibinatong Dagger at isinaksak nya ito sa lupa kung saan nandun yung Orhexi na papunta kina Ellaine.

Lumitaw yung Orhexi mula sa lupa at kasama na umangat si Frey, agad na tinanggal ni Frey sa pagkakasaksak ang kanyang Dagger sa Orhexi at nilaslas nya ang leeg nito at agad itong tumumba.

"Salamat Frey" sabi ni Ellaine

"Mamaya ka na magpasalamat, napakarami pa nila" pakalmang sinabi ni Frey

At tumakbo na sya at nakipaglaban pa sa iba pang mga Heartless.

Samantala, sila Xian, Larxene, Varl at Franze ay kinakalaban ang mga Heartless na nakapaligid sa kanila. At si Katherine naman ay nasa likuran lang at nilalagyan sila ng mga charms para palakasin ang kanilang mga abilidad at di nya napansin na may papasugod pala sa kanyang likuran, napansin ito ni Xian.

"Katherine!! Sa likod mo!!" Sigaw ni Xian

Agad na bumuo ng pananggalang si Ellaine at nilagay nya ito kay Katherine. Iniharang ni Katherine ang kanyang braso sa kanyang mukha sa gulat nya.

Naglabas ulit si Franze ng isang Titan para protektahan si Katherine sa pagsugod ng mga Heartless.

"Akong bahala sayo Kat" sabi ni Franze habang nakatingin ka Katherine at nag thumbs up

"O...ok.. salamat" sagot ni Katherine "Kat?..." nasa isip ni Katherine na nagtataka kung bakit ginawan sya ng nickname ni Franze.

"Tareo Yunde Ary" sabi ni Ellaine

Isa itong trap spell. Lumabas ang mga kamay na tila anino mula sa lupa at hinawakan ang ibang mga Orhexi at Heartless upang di ito makagalaw.

"Arrrrrggghhhhh!!!!!!!!" Sigaw ni Varl habang may hawak na Heartless sa kanang kamay at inihahampas nya ito sa mga Heartless na nasa harapan nya habang tumatakbo.

"Matagal tagal din bago ko to ulit naramdaman!!!" Sunod na sinabi ni Varl at nag aya pa sya ng mga Heartless upang lumaban sa kanya

"Wag nyo silang hayaan makalapit sa kastilyo!" Sabi ni Xian

Naramdaman ni James ang kaparehong lakas ng mahika ni Frey sa paligid at agad nya itong hinanap.

"Isa pang Mortea? Hindi... Iba ito sa mahika ng Mortea." Sabi sa isip ni James

Sumugod na din sya kasama ng mga Heartless at una nyang nilapitan si Frey. Tumakbo ito papalapit kay Frey at iniangat nya ang kanyang espada at inihampas nya ito ng buong lakas.

Naramdaman ito ni Frey at agad nyang ibinato yung Dagger nya sa isang Heartless malayo kay James at nag teleport sya papunta dun.

Dumagundong ang buong paligid dahil sa lakas ng paglapag ng espada ni James sa lupa at kung sino man ang tamaan nun tyak di na mabubuhay. Naramdaman ito ng lahat at napatingin sa lugar kung saan ito tumama.

"Frey!!!" Sigaw ni Ellaine na nag aalala

"Ayos lang ako wag ka mag alala..."  Sabi ni Frey gamit ang telepathy "...ilayo mo sila Xian kay James.... Tumakas na kayo" sunod na sinabi ni Frey.

"Hindi kita iiwan Frey.. Di ako aalis sa tabi mo" sabi ni Ellaine.

Agad syang tumakbo papunta kay Frey at habang tumatakbo sya ay nagbabago sya ng anyo. Unti unti syang nagkakaroon ng balat ng dragon sa katawan nya at lumaki yung kwintas na suot nya at nasa gitna ito ng dibdib nya. Kulay violet ang balat nya, at ganun din ang mga mata nya nagliliwanag na parang apoy. Hindi nagbago ang kamay nya pero nag aapoy ito at ganun din ang kanyang mga paa at nag iiwan ito ng bakas sa tinatapakan nya.

Nakita ni Xian na tumakbo si Ellaine papunta sa lugar kung saan nagmula ang malakas na pwersa at nagulat sya sa nakita nya at napagtanto nya na yung kwento ng sumugod na dragon sa Arcelle ay si Ellaine.

Habang tumatakbo papunta si Ellaine kay James ay bumubuo sya ng bolang apoy sa dalawang kamay nya at ibinato nya ito kay James

"Lumayo ka!!" Gigil na sinabi ni Ellaine habang pinapaulanan nya ng bolang apoy si James.

Habang nangyayari yun ay pumunta si Frey sa likod ni Ellaine.

"Ayos ka lang ba ?" Tanong ni Ellaine

"Oo ayos lang ako, pero sobrang lakas nya sa tingin ko hindi natin sya kayang dalawa lalo na nung mga bata" sabi ni Frey

Sa sobrang lakas ng kapangyarihan ni James ay wala talagang laban sila Xian at mga kasamahan nya at nauubusan na din sila ng mahika dahil sa dami ng mga Heartless sa paligid na parang di nauubos.

"Pero di pa nya tayo nakakaharap na dalawa" sabi ni Ellaine

May lumabas na kulay violet na aura sa katawan ni Ellaine at nagliwanag sya. Unti unti syang lumaki at naging isa syang Dragon. Magkasama ang pakpak at kamay nya, nag aapoy ang kanyang mga mata at bibig pati na din ang kanyang mga paa at buntot. Malaki ito na parang kasing tangkad ng tatlong bahay na pinagpatong.

Nakasakay si Frey sa kanyang likod at nilapat ni Frey ang kanyang palad sa katawan ni Ellaine.

"Gi lu fue garou flim ta..." Bigkas ni Frey

Isa itong Binding Spell na ang kapangyarihan ni Frey at ni Ellaine bilang dragon at magsasama at lalong lalakas. Ngunit isang oras lang ang itatagal nito at pag namatay ang isa habang nasa loob pa ng Spell ay mamamatay din ang isa.

Nagulat si James sa nakita nya ngunit ngumisi lang sya.

"Tingin nyo ba eepekto sa akin yan? Tsk tsk nagsayang lang kayo ng mahi..."

"Boooooogooosshhh"

Di na natuloy ang sinasabi ni James dahil hinampas na sya ni Ellaine at tinamaan sya. Ngunit hindi ito umepekto at sinalag lang ito ni James gamit ang kanyang malaking espada at lumubog lang ang kinaaapakan nya.

Ibinalik ni James ang pwersa nun sa paa ni Ellaine at umangat ito at halos tumumba sila.

"Hindi ito maaari..." Gulat na sinabi ni Ellaine

"Sinabi ko naman sa inyo... Kahit anong lakas nyo di kayo uubra" sabi ni James

Mukhang imposible nga talaga na matalo nila si James dahil sa sobrang lakas ng kapangyarihan nito at paubos na din ang mahika ng mga kasama ni Xian at di nauubos ang mga Heartless sa paligid nila.

"Pano ba yan, panalo na ko.." sabi ni James

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon