Chapter 12:

189 23 0
                                    

(Xian's POV)

"Yah!!!!"

Sigaw ko habang kinakalaban ko ang mama ko gamit ang dalawang kahoy na hawak ko sa dalawang kamay ko(Arnis).

"Yan lang ba ang kaya mo?!"

Nang-aasar pa ang mama ko at pilit akong ginagalit. Nakakainis lang, kanina ko pa sya sinusubukang tamaan sya ngunit ako ang laging tinatamaan kahit na nalaman ko na kung paano maging simbilis ng kidlat. Isang magic spell yun at ang hirap magtantya sa umpisa at habang tumatagal ay nakukuha ko na at nadadapa pa din ako at nasusubsob sa lupa. Natuto din ako ng ilang magic spells na madali lang gamitin tulad ng "Friagia, thunderia, gravitia, blizzare," lahat ng iyon ay iisipin mo lang at babanggitin ang mga iyon.

"Ma... Medyo napapagod na po ako.... Baka mawalan na ko ng lakas para sa school nito..."

"Ay... Oo nga pala may pasok ka... Nakalimutan ko... Ok.. Sa ngayon yun muna ang ituturo ko sa iyo at wag mong kakalimutan na may pasok ka mamaya sa Arcelle Academy."

"Ok po..."

Bumalik na ako sa bahay namin sa mundo natin at ganun pa din ang oras. Pinuntahan ko si Aira sa bahay nila. Sakto ay lumabas na sya.

Habang naglalakad kami ay tinanong ko kung naaalala nya yung sinasabi nya kanina. At nagulat ako dahil hindi nya natatandaan. At mas lalo pa kong nagulat dahil ngayon nya lang ako nakita at hindi daw kami magkasama kagabi. Naisip ko bigla Sophia Lust na sinasabi ng mama ko.

"Teka, kung sabi mo magkasama tayo kagabi.... Anong ginawa natin?" Tanong ni Aira

"Nagreview tayo para sa exam...." Mahinang sabi ko

"Nagreview?....... Nababaliw ka na... Puyat lang yan....." Pabirong sabi nya

Sumang ayon nalang ako sa sinabi nyang yun para matapos na ang usapan.

Pagdating namin sa school ay may narinig akong boses. Tinatawag ang pangalan ko. Napahinto ako at napalingon ako sa paligid.

"O bakit?... " tanong ni Aira

"Wala.... Wala.. Lang .... Tara na"

Pagpasok ko sa room ay parang may gera, nagbabatuhan ng mga papel, malakas na usapan, hiyawan, soundtrip at iba pa.

Maya-maya ay pumasok na ang teacher namin at dali-dali naman silang nag-ayos at nanahimik.

"DAGGG!!!"

Tunog ng exam papers at answer sheets na inilapag ng teacher namin.

"Okay class!!..... Ang passing score ay 150 mas mababa kaysa nung nakaraan dahil marami ang bumagsak sa subject ko, ang mathematics,"

"WOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!"

Sigaw ng lahat at kasama na ako dun.

Matapos ang exam namin ngayong araw ay inantay ko si Aira sa labas ng gate ng school namin.

Napalingon ako sa court ng school at nakita ko si Aira at napansin ko na kinukulit sya nung tatlong lalaki. Nakita ko ang itsura ni Aira at mukhang di sya natutuwa. Agad akong lumapit sa kanila.

"May problema ba? Aira?" Mahinahon kong tanong

"Teka.... Sino ka?! At bakit ka nakikialam?...." Sabi nung lalaking naka-cap

"Kaibigan ako ni Aira...." Mahinahon kong sagot

"Kung hindi mo nalalaman... Heh... Ako ang boyfriend ni Aira hehehe..." Maangas na pagkakasabi nya

"PAK!!!"

Sinampal ni Aira yung lalaki.

"Ohhhhhhhhhh........" Sabi nung dalawang kaibigan nung lalaking naka-cap

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon