Chapter 11:

188 26 0
                                    

Iniisip ko pa rin kung paano isasara yung portal sa likod nung aparador namin. Tinignan ko ulit dun sa papel na ibinigay sa akin ng mama at naalala ko na.

"Deir!!"

Nagulat si Aira.

"Ba't... Ba't ka sumigaw ng ganun? Gabi na kaya.... Para kang baliw"

Pagtingin ko sa aparador namin ay wala na yung liwanag.

"Yes...."

Pabulong na sinabi ko.

Napatingin naman si Aira.

"Nababaliw ka na.... Bilog ba ang buwan ngayon? O hindi ka lang kumain ng hapunan? Magreview nalang tayo, magfocus ka... Alam kong bagsak ka sa math nung nakaraan."

"Oo na.... Hindi mo na kailangang ipaalala.."

Nagreview kami ng magdamag habang nagkukwentuhan.

Maya-maya ay lumapit sa akin si Aira, tumingin sa mga mata ko na para bang may pinapahiwatig. Nilapit nya ang mukha nya sa akin na para bang hahalikan nya ako, napaatras ako at napasandal sa pader. Pinagpapawisan na ako ng malamig at bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Wag ka namang KJ Xian..... Wala naman ang mama mo dito eh... Saka tayo lang dalawa ang nandito....." Malambing na sinabi nya

Napalunok ako ng laway at di na ako makagalaw. Lumalapit na ang mukha nya sa akin at malapit ng magdikit yung labi namin ng biglang.

"RINGGGGGGGGG!!!!!!!!"

Nagising ako sa lakas nung alarm, ang bilis pa din ng tibok ng puso ko dahil parang totoo yung nangyari.

Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Aira, nagulat ako at sa sobrang gulat ko ay gumulong ako sa kama at nahulog ako.

"BAG! BAG!"

"Awwwww.........."

Nagising si Aira.

"Ummmmm......... Ano yun?......"

"Wala...wala....wala...."

"Anong ginagawa mo dyan sa sahig? At bakit parang namumula ka?"

"Wala.... Hehe... Kakagising ko lang din eh... Hehe..."

"Ito.... Matagal na tayong magkaibigan nagkakaganyan ka pa rin? Di ka pa sanay?..."

"Um... Di naman sa ganun.... Ngayon lang kasi tayo natulog ng magkasama eh..."

"Ay ganun? Sabagay lalaki ka eh.... Iba ang takbo ng isip nyo..."

Sabi nya habang nag-aayos sya ng buhok at napansin ko na may kumikinang sa leeg nya. Isang simbolo. Kulay dilaw ito na hugis bituin na may apat na sulok.

"Ano yung nasa leeg mo?"

"Ah... Birth mark ko yan... Kakaiba di ba? Mula nung pagkapanganak ko nandyan na yan."

"Ah.."

Katulad yun nung mga simbolo nung mga arcellian na kasama ng mama ko.

Tumingin ako sa orasan at nagulat ako. 11:00 am na at may pasok pa kami. Nagmadali ako kumilos at sa sobrang madali ko ay nadapa ako sa harap ng pinto ng kwarto.

"O!! Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Aira

"Aww........ Okay lang ako.... Hehehe... Malelate na kasi tayo tayo eh...."

"Sus.... Kaya naman ng isang oras magprepare eh.... Sabay tayong maligo."

"Uy!!!!!!!!! Ummmmm... May.... Sarili ka namang bahay di ba?!! Sabay nalang tayong maligo sa.... Makaibang bahay"

Nanginginig kong sinabi sa kanya.

Mayamaya'y umuwi na si Aira.

"Whew!!!"

Nakahinga na ako ng maluwag. Ngayon ko lang narinig magsalita ng ganon si Aira...... Weird..... Inisip ko na baka isang panaginip tong nangyayari ngayon kaya sinapal ko ang sarili ko.

Pagsampal ko ay napatingin ako sa bintana. May nakita akong mag-ina.

"Uy! Mama.... Yung kuya dun oh sinasampal yung sarili nya...." Sabi nung bata

"Anak... Wag mong pansinin baka sugurin tayo..." Tugon ng mama nya.

Napagkamalan pa akong baliw sa ginawa ko.

Habang naliligo ako ay bigla nalang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Aira kanina na "edi sabay tayong maligo" napailing nalang ako at madami pang pumasok sa isip ko na di dapat maisip.

"Tigil tigil tigil......"

Sabi ko habang inuuntog sa pader ng C.R ang ulo ko.

Habang nagbibihis ako sa kwarto ay narinig ko ang mama ko na tinatawag ako. Agad akong nagmadali at pinuntahan ang mama ko.

"Ayos ka lang ba Xian?" Tanong ng mama ko

"Bakit po ma?...... Wala naman pong nangyari"

"Mabuti naman........ May tanong lang ako sayo. Nagnasa ka ba kay Aira o nag-isip ng hindi dapat?"

Nagtaka ako sa tanong ng mama ko, paano nya kaya nalaman na ganun yung nangyari kanina? Sasabihin ko kaya? Nakakahiya.......

"Ummmmmm...... Ehhhh....... Opo.... Pero sya po kasi eh.... Parang ang weird nya kanina... Basta"

"Lust..."

"Huh?"

"Si Sophia Lust nandito...."

Sophia Lust..... Yung apelyido nya parang pamilyar..... Sa seven deadly sins yun kung hindi ako nagkakamali. Lust meaning pagnanasa.

(Ellaine's POV)

Si Sophia Lust, isa syang Arcellian. Dark magic ang kapangyarihan nya at kaakit-akit ang itsura nya. Isa sya sa mga tinutugis na rebeldeng arcellian at ang mga kasama nya. Ang Seven Sages of Darkness.

Sinubukan ko syang hanapin gamit ang pakiramdam ko ngunit di ko maramdaman ang aura nya.

"Sumama ka muna sa akin sa Arcelle..."

"Huh? Teka po may pasok pa po ako"

Agad ko syang hinatak papunta sa portal at pumunta sa Arcelle.

"Sisimulan ko na ang pagtetrain ko sayo."

"Huh!?"

Kailangan ko na talaga syang masanay sa kanyang angking kapangyarihan dahil mas lalong nagiging delikado ang sitwasyon ni Xian at kailangan nyang maprotektahan ang sarili nya kahit na wala ako.

"Ngayon.... Pupunta tayo sa lugar kung saan hindi gumagalaw ang oras para makapag sanay ka ng mabilis."

Tama, dun ko sya dadalhin sa Room of time and space. Sa lugar na iyon ay hindi gumagalaw ang oras, at hindi ka matutunton ng kahit na sino, ngunit may bayad ito dahil hindi ito pinahihintulutan ng Arcelle kaya kailangan ng konting suhol o kung ano man.

Oras na pumasok kami dito ay hihinto ang oras sa labas at kami lang ang tanging nakakagalaw.

"Handa ka na ba?" Tanong ko kay Xian

"Ummm.... Sa tingin ko..."

"Pasok na tayo!!!!"

Agad ko syang itinulak sa loob ng Room of time and space. Medyo mataas ang ibinayad ko sa tagapagbantay ng kwartong ito, mahigil 300,000 Arc ang ibinayad ko, mas mataas kaysa nung una ko tong nagamit nung college student pa ako.

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon