Chapter 7:

288 26 0
                                    

(Elaine's POV)

Tama hindi yun isang panaginip. Totoo ang lahat ng nangyari.

Ganito kasi yun...... May naramdaman kaming aura ng Heartless sa loob ng bahay, kasama ko si Varl na kumakain nung oras na iyon nang maramdaman namin yung aura.

Agad kong naisip si Xian na natutulog nang mga oras na iyon kaya agad naming hinanap yung heartless.

Si Varl ay nagbagong anyo. Naging syang isang malaking lion na nakatayo sa dalawang paa, may suot syang armor sa dibdib na may kulay pulang bato sa gitna nito. May armor din sa kanyang braso at binti at sa kanyang likod ay may malaking espada na kulay asul na may nakaukit na mga letra sa alpabeto ng Arcelle.

Naghiwalay kami ni Varl para madali naming mahanap yung Heartless na nasa loob ng bahay. Di ko maisip kung paano nakapasok ang isang heartless sa Arcelle gayong may Force field ang buong lugar at kahit anong heartless ay hindi kayang makapasok at malalaman agad ng mga gwardiya na may heartless dahil sa kakaiba nitong aura.

Gumamit ako ng Visual spell para malaman ko kung saan nandun ang heartless. Kaya nitong makita ang paligid ng bahay pati na sa kwarto ni Xian.

"Ore mida naki vai er y vana vizu"

Habang sinasabi ko ang mga iyon ay nakalagay sa harap ng mga kamay ko at mga lumalabas na dilaw na pentagram at lumiliwanag ang kinaaapakan ko. Pinaglayo ko ang kamay ko para ikalat ng pentagram sa paligid ko at para magistulan itong screen para makita ang bawat sulok ng bahay.

At nakita ko na yung heartless. Isa syang Orhexi, ang Orhexi ay isang heartless na kumukuha ng kaluluwa habang tulog ang isang tao dahil ito ang pagkain nila. Ang itsura nito ay itim na may matatalas na mga kuko, kulay pula ang mga mata. May matulis na tenga at maraming pangil. Medyo malaki sya kung ikukumpara sa isang tao.

Agad akong tumakbo papunta sa lugar kung saan naandun yung Orhexi. Hindi ako gumawa ng portal pata hindi nya ako maramdaman. May hinala ako na si Xian ang pinunta nya dito.

Kumbaga ginawa kong pain ang sarili kong anak para lang mapatay ang isang heartless.

Naabutan ko ang Orhexi na hawak na si Xian. Kaya agad akong gumamit ng spell. Ngunit bago ko pa yun magawa ay dumating si Varl at ibinato ang kanyang espada sa Orhexi. Tumama ito sa braso ng Orhexi kung saan nandun si Xian at naputol ang braso ng Orhexi. Nahulog si Xian sa sahig, nakatulog sya, bumato ako ng bolang apoy para mapalayo ang Orhexi kay Xian.

Tumakbo yung Orhexi at tatakas sya kaya agad akong gumamit ng trap spell.

"Rae ka va"

Habang sinasabi ko ang mga salitang iyon ay nakahawak ang kanang kamay ko sa sahig ay naglabas ako ng mga kamay at hinahabol ko ang Orhexi gamit ito.

Tumakbo din si Varl para habulin yung Orhexi at sinuntok niya ang sahig at lumikha ito na paggalaw ng lupa at natumba yung Orhexi. Kinuha ni Varl ang espada nya at papatayin na nya yung Orhexi nang biglang tumayo ito at tumakbo papunta kay Varl at hinampas sya nito ng braso nya at tumalsik si Varl at nabitiwan nya ang espada nya.

Tumingin sa akin yun Orhexi at nanlilisik ang mga mata nito. Bigla itong tumakbo papunta sa akin. Gagamit na sana ako ng spell ngunit sinakal ako ng Orhexi at sa sobrang higpit ay di ko magawang makagalaw at di ako makahinga.

"Hindi ka na dapat nangialam pa."

Lalo pang hinigpitan ng Orhexi ang pagkakahawak sa akin at halos mabalian ako ng mga buto.

"Hoy panget! Wag kang magpakasaya buhay pa ako."

Sabi ni Varl na nasa likuran na ng Orhexi at sinuntok ito sa tagiliran at nabitiwan ako nito.

"Akk.....Salamat..."

"Mamaya ka na magpasalamat"

Hinawakan ni Varl sa braso yung Orhexi at binalibag ito sa pader. Halos mawasak yung pader sa lakas ng pagkakabalibag ni Varl.

"Tapos ka ngayon sa akin...."

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon