CHAPTER 16

46.6K 995 64
                                    

SHE'S SMARTER THAN SHE THOUGHT

WELCOME TO HONDA BAY

Ibinaba ni Ericka ang kanyang salamin para makita ng mabuti ang isla kung saan sila mamamalagi ni Rake. Of course, for business meeting. Pero sinong niloko niya? Para din ito sa honeymoon na gusto mangyari ng ina ni Rake. Kakaunti lamang ang tao ngayon dahil na din sa hindi seasonal ang pagpunta nila. Hindi niya maiwasan mamangha sa napaka pino at puting buhangin na inaapakan niya. Naalala niya tuloy noong bata pa si'ya, madalas sila ng kapatid niya at namayapang ina magpunta sa dagat.

"Peping, buti na lang sinama mo ako dito!" namamanghang sigaw ni Damon habang nakatingin sa kulay asul na tubig. Sobrang linis nito na ang sarap magbabad buong maghapon.

Kailangan nga ba si'ya ulit huling nagpunta sa ganitong lugar? Hindi na niya maalala. Masyado si'yang busy sa trabaho niya.

"Sino nagsabi andito ka para mag enjoy? Kailangan ko ng katulong, Damon."

"Peping naman, ano? Sisipol ka nanaman kapag kailangan mo ako? Ni hindi mo nga 'ko binalikan nung last time. Sabi mo tatawagin mo 'ko, inabot na ako ng gabi kakahintay sa'yo. Peping, kahit ngayon lang let me enjoy my time, beybe."

"Ulol mo, bring this baggage, Damon. Para man lang may silbi ka."

Napakamot ng ulo si Damon habang kinuha lahat ng bagahe nila. Kahit hirap na hirap hindi na si'ya umangal baka kasi iwan si'ya dito ni Ericka ng wala sa oras. Wala si'yang pamasahe pag uwi.

"Hi, ma'am, goodmorning welcome to Hoda Bay Palawan! Do you have any reservation?"

"Yeah, I think it's under Ericka Quinn."

"For awhile ma'am."

Panay padin ang ikot ng mata ng alaga niya na si Damon habang si'ya naiinip na maghintay kung saan sila mamamalagi. It's already 8:00am in the morning. God, 30 minutes na lang dadating na 'yung kameeting nila ni Rake.

"Make it fast." Sabi niya sa receptionist.

"Yes, ma'am!"maya maya umangat na ang mukah nito. "Here's your room number 309. It's good for two person." Pilyang sabi ng receptionist at humahagikgik na tumingin sa likod niya. Mukhang nakatingin ito kay Damon.

"You like him?" Ericka asked.

"Hindi ma'am, parang ang bata lang kasi ng boyfriend mo." Napakagat ito ng labi ng makita ang lalong pagtaas ng kilay niya. "Bagay na bagay kayo."

"Ah lady, first he's not my boyfriend. H'wag kang usisera, alright? Kung gusto mo magkaroon ng trabaho padin kinabukasan itikom mo 'yung bibig mo at sundi mo ang gusto ko. Now, bigay mo sa'kin 'yung room ng kwarto ni Rake Alicante."

Namutla ito sa sinabi niya. "Y-yes, ma'am." Nagmamadali nitong hinanahap 'yung kwarto ni Rake sa list nila.

She crossed her arms at pinapanood si Damon na nakikipag landian sa isang foreigner na babae na magtsi-check in lang din.

"It's room 314 ma'am."

"Good, thanks, atleast may silbi ka." Tinalikuran na niya ito at lumapit kay Damon. Napaangat naman ito pati ang babaeng kakwentuhan na natin. Oh, he's into tall white girls. Hinagis niya ang susi ng kwarto nila.

"May meeting ako na kailangan puntahan."

"At?"

Tumingin si 'ya sa babae na kausap nito. "Hold this key, and please don't lock it, darling." Napanganga si Damon pati ang babaeng kasama nito. She winked then went upstairs.

***

Rake's room was big. Ang mga gamit dito halos ay puro makaluma, but what attract her most is the terrace that would let her view the whole island. Humahampas ang hangin papasok sa loob ng sala nito. Sumasarap ang pakiramdam ni Ericka pagdating sa ganitong bagay. Isa sa mga pangarap niya pagtanda niya ay makapagpatayo ng bahay na malapit sa dagat.

My Favorite GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon