CHAPTER 28

29.7K 704 47
                                    

will update again tomorrow. don't worry.


****

"I didn't expect you to be here." pinagmamasdan mabuti ni Ericka si Sonya, hindi n'ya talaga alam kung ano na naman kalokohan ang sasabihin nito sa kanya.

She didn't want her to on her side, o kahit anong bagay pa man dahil baka magkaroon pa s'ya ng utang na loob dito.

"I didn't expect your question too, young lady. Hindi ba dapat itanong mo muna kung paano ko nalaman itong tirahan mo?"

Lumakad na s'ya ng tuluyan dito at ibinaba ang kape na kanina niya pa hinahalo para kay Sonya. "Para saan pa? Hindi naman ako interesado sa rason mo." inusog niya ang kape kay Sonya. "Drink." she commanded, then sat on the chair across her.

Tinaasan siya nito ng kilay at kinuha ang kape at inamoy. Sonya was eyeing her suspiciously. "What now, young lady?"

Tumawa si Ericka ng mapakla. "You're kidding me, right? Feeling mo ba lalagayan ko din 'yan ng tea to boost up your---"

Hinigop ni Sonya ang kape. Ngumiti si Ericka. "Just checking. Ayoko pa mamatay ng maaga, wala pa akong apo sa'yo."

Mas lalong kumurba ang kilay ni Ericka sa sinabi ni Sonya. "Too bad, hindi ka magkakaapo sa'kin. Yung pinlano mo, hindi natuloy. Yung pangiispy mo, hindi successful. Ngayon, you want me to bear your son's child? That's ridiculous."

"Sumunod ka nalang."

"What? Why would I do that, old woman?" mataray na tanong niya rito.

"Come here, first." she said, at tinuro ang space sa tabi nito.

"This is my freaking home----"

"I said sit here, young lady. Ganyan kaba talaga kabastos sa magiging manugang mo?"

Nanlaki ang mata ni Ericka. She really didn't know what's up with Rake's mom. Pinagaralan muna niya ang ekspresyon ng mukha nito bago siya tuluyan maupo.

"Marry my son, bear his child... And... I'll give anything you want." seryosong saad nito sa kanya.

"Para saan yan?"

"Para sa'yo at sa plano mo. I know, just like any other woman you're after his money. I can see that clearly, young lady. I've been there with his dad, don't worry. Ngayon, I'm offering you this, because I want you to get pregnant with his child. After non, ipagkakasundo ko si Rake na pakasalan ka."

Ngumisi si Ericka at tuluyan nang lumapit sa ina ni Rake. "I won't marry your son, old woman." nang-aasar na bulong n'ya rito. "Hindi pa ako handa, magpatali sa kahit na sino man lalaki---"

"Kapag pinakasalan mo s'ya, mapupunta sa'yo ang kalahati ng yaman n'ya. Hindi pa ba sapat na rason ito para pumayag ka sa gusto ko?" ngayon, ang ina naman nito ang nakangisi sa kanya.

Napalunok si Ericka, pinagiisipan maigi ang offer ng ina nito. She didn't believe her. Alam n'ya na may ibang motibo ito. Sinong ina ang papayag na mapunta sa kanya ang kalahating yaman ng anak nito? Now, she was getting curious about this Sonya lady.

The thing is for her, you keep your friends close but your enemy closer. Nginitian n'ya si Sonya at inilahad ang kamay n'ya. Just like what she did to his son. "Deal." walang kurap na sagot n'ya rito. "Just tell me what to do. I'll follow whatever you want."

Pinag-aaralan naman ni Sonya ang sagot n'ya. Alam ni Ericka na iisipin n'ya pa lang ang susunod na gagawin n'ya, may clue na si Sonya kung ano ito. Tumayo si Sonya mula sa upuan, at inilahad ang kamay sa kanya.

"Enjoy the night first, young lady. Dahil hindi mo na alam kung ano ang ipagagawa ko sa'yo bukas makalawa." sabi nito bago umalis.

My Favorite GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon