CHAPTER 54

25.8K 722 45
                                    




CHAPTER 54

Everytime na pumapasok siya sa kwarto ng kanyang anak palagi siya nakakaramdam ng lungkot. Dito sa loob, naalala niya ang lahat. Bawat pangyayari sa buhay niya simula noong bata pa siya.

Sa kwarto na iyon nangyayari ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang Tiya kapag gusto niyang saktan ang sarili niya. Dahil minsan kapag nakakaramdaman siya ng sakit, doon niya rin nararamdaman ang pagmanhid ng lahat.

Right now, she wanted Rake to do it to her; to numb the pain and forget all the memories she had in this room.

Sumunod si Rake sa pagpasok sa kanya sa kwarto. Inililibot nito ang mata. It was all pink and girly. Though she hated the pink color, gusto niyang makakita ng panibagong kulay sa mundong ginagalawan niya ang ang kanyang anak.

Not just black. Not just dark. But the colorful one. She wanted her to see the other side of this crazy world. She wanted her to experience the life she should have. Gusto niya ilayo ang kinabukasan nito taliwas sa mga nangyari sa kanya. Ayaw aniyang maulit iyon sa anak niya.

Pero nawala ang lahat ng iyon. Nawala ang mga pangarap niya kasabay ng pagkawala ng anak niya. Nawala ang pag-asa niya gaya ng pagkawala ng buhay nito. She lost all her sense of directions. She was the only hope she was waiting, to save her soul  and to redempt her but then, she was gone.

"As you can see, it was all ready." she murmured. "Siya na lang talaga ang hinihintay ko." umupo si Ericka sa rocking chair sa gilid ng crib ng kanyang anak.

"I can see that... At meron ka lahat ng larawan niya, Ericka..." tila natutuwa na sambit ni Rake at isa-isa dinadaanan ang mga larawan na nakadikit sa dingding.

"Yes, that was her, starting the third month of my pregnancy." naglalakad si Rake hanggang sa mapahinto sa pinaka huling larawan na nasa dingding.

"Ericka..." kinuha ito ni Rake.

It was her and her daughter. She was holding her in the hospital with no life at all. Her head was bowed down and her face was devastated.

"Whenever I enter this room I want to remember it all. Every pain, Rake." she crossed her legs. "Because whenever I feel that pain, it's always pulling me back to zero like I am nothing. Like I have to start again. To do it right again this time."

"You've had enough, Ericka." inilapag ni Rake ang larawan sa drawer na nasa harap nito. Tumayo si Ericka at lumakad papunta sa lamesa na nasa gilid ni Rake.

"No, it will never be enough for me." binuksan niya ang drawer at inilabas ang lahat ng larawan ng kanyang anak.

Mula sa pagkakahawak niya rito hanggang sa pag libing nila. Itinago niya ang lahat ng larawan na iyon. Umupo siya sa carpet at isa-isa inilipat ang larawan na hawak niya tila ba binabalikan niya ang nakaraan.

Lumuhod si Rake sa harap niya. He stopped her. "None of this was your fault. Hindi mo gusto ang nangyari."

Tumingin siya sa mga mata ni Rake. "Masakit padin, Rake. Nawalan ako ng buhay nang mawala siya sa akin," mabilis na pinaglipat-lipat ni Ericka ang larawan. "Maybe that's the reason why I can't get over it. K-kasi baka mahanap ko katahimikan ko kapag nakapaghiganti ako. But still, no,  araw-araw mas lalong lumalala. Mas lalo ako kinakaen ng kalungkutan. Mas lalo ko siyang naaalala." she did it again and again.

My Favorite GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon