CHAPTER 30

31.5K 775 22
                                    





Kung ano-ano na ang nakikita ni Ericka, hindi s'ya mapakali sa kinauupuan kaya binuksan n'ya ang pinto ng sasakyan at mabilis lumabas. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib n'ya, napahawak s'ya rito. She felt like in a terrifying nightmare. Para bang bumabalik ang lahat ng ginawa n'yang kasalanan sakanya.

From her  child at sa mga taong sinira n'ya ang buhay hanggang sa huling pag-uusap n'ya ng kanyang ina noong bata pa s'ya. Nagulat si Ericka nang makita ang isang babae nakatayo sa harapan n'ya.

It's her mother.

"Mama..." bulong n'ya, natatakot s'ya sa tingin na binibigay nito sa kanya. Of all the people, ito lang ang taong kinatatakutan n'ya. Ang ina lang ang taong nagpapasunod sa kanya. "Nandito ka ba para pagalitan ako?"

Nakunot ang noo ng ina sa kanya, as if she understand everything that's happening to her. Lumapit ang ina n'ya at hinawakan ang pisngi n'ya, in her dream, hindi ito nagsasalita. Pero ramdam padin ni Ericka ang haplos ng ina sa mukha n'ya.

"I lost it... I lost you." iyak ni Ericka.

Itinaas ng ina ang kanyang mukha at umiling ito.

"I have Erin, pero hindi ko s'ya pwede idamay sa ginagawa ko." Tumango ang ina. "Alam kong andito ka para palalahan ako pero hindi ko kayang tumigil. I'm already ruined, ma... I cannot be save anymore." pumikit s'ya ng payakap na ang kanyang ina sa kanya.

"Ericka?" napadilat si Ericka sa boses na narinig n'ya.

It's Rake, standing infront of her. Nag-aalala ang mukha nito habang tumitingin sa paligid nila.

"What happened to you?" inalalayan s'ya ni Rake upang mapatayo.

"Let go of me." sabi n'ya rito.

"You called me." ulit ni Rake at tinitigan ang braso n'ya kung may galos man s'ya pero wala. "What the hell happened? May nanakaw ba sa'yo? Anong nawala sa'yo?"

"It's nothing. I'm okay now..." ulit n'ya at nagsimula na lumakad ulit papunta sa sasakyan n'ya.

Hinawakan ni Rake ang braso n'ya upang mapalingon dito. "Pwede ba Ericka. Don't be fvcking stubborn. I know you need my help that's why I'm here."

"I don't need it. Thanks, Rake. Nakalimutan ko lang uminom ng gamot kanina." nahihilo na s'yang bumalik sa sasakyan n'ya pero hinila ulit ni Rake ang kanyang braso. Pero this time, tuloy-tuloy papunta sa sasakyan nito.

"What the fvck?" reklamo n'ya rito.

"You're not going anywhere." aniya. "I'm taking you home. Wala ka sa tamang wisyo ngayon, Ericka. You need rest. Have you seen yourself right now? You're wasted."

Tumawa ng mapakla si Ericka kay Rake nang sapilitan nito nilagay ang seatbelt sa kanya. "Aren't you suppose to be scare at me?" tanong n'ya ng makapasok nadin ito sa sasakyan.

"I should be, but I know you too well. So I'm not."

Pinaandar na ni Rake ang sasakyan. Hindi na sumagot si Ericka dahil nahihilo narin s'ya sa halo-halong alak na nainom n'ya kanina. Mabilis ang pagmamaneho ni Rake na tila mababangga sila in any moment. But Ericka wasn't scared of death.

Tumitig s'ya sa seryosong mukha ni Rake, she thought she's a lucky woman. Dahil kahit ano pang pinaggagawa n'ya sa buhay nito. There's one man who's willing to help her whenever she's in a fvck up situation.

Ipinalig ni Ericka ang ulo sa headboard ng upuan. Alam n'ya kung saan papunta ang lugar. Hindi na n'ya nakuhang magtanong pa. Nang iparada ni Rake ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay agad bumaba si Ericka at pinagmasdan ang paligid nila.

His home.

Nagulat s'ya ng buhatin ni Rake ang katawan n'ya. "Yuck." she muttered. "Kailan pa tayo napunta sa pagiging sweet, Ekar?"

Napairap si Rake sa sinabi n'ya at tuloy-tuloy pumasok sa bahay. Wala naman espesyal sa bahay nito dahil puro makaluma ang gamit nila Rake. Dumeretso sila sa ibabang parte ng bahay may tatlong pintuan sa gilid at isa sa gitna.

Ibinaba s'ya ni Rake at binuksan ang pinto sa gilid. There's nothing special but a huge bed in the room. Tinulak s'ya ni Rake papasok dito.

"You need some rest, Ericka. Matulog ka muna rito."

Hindi sumagot si Ericka dahil nakatingin lang s'ya sa malaking larawan ni Rebekah mula sa ibabaw ng kama. She's smiling... tila ba ito ngumingiti sa kanya. Nagsimula na naman manginig ang buong katawan n'ya.

Hinawakan s'ya ni Rake sa bewang at inalalayan maupo sa kama.

"Thanks, Rake. You know I don't deserve this." aniya at iniwas ang mata mula sa larawan. "May iba kapa bang kwarto bukod dito?"

"Nasa taas lang ang kwarto ko. Puntahan mo lang ako kung may kailangan ka."

"Okay." sagot n'ya.

Tumayo na si Rake papunta sa pinto. "I'm going to sleep, Ericka. You okay here?"

She nodded. Pagkalabas ni Rake humiga si Ericka sa kama pero hindi naman s'ya makatulog agad. Rebekah's face was distracting her. Kaya tumungo s'ya sa loob ng banyo nito at naligo. Sinuot n'ya ang bathrobe na nakasabit sa gilid.

Pagkatingin n'ya sa salamin ang unang napansin n'ya sa suot ay ang pangalan ni Laura sa gilid. Napangiti si Ericka dahil bumabalik na naman sa katinuan ang pag-iisip n'ya. Lumabas s'ya sa kwarto para pag-aralan ang iba't ibang sulok ng bahay ni Rake.

Nothing special.

Dahan-dahan s'yang umakyat papunta sa kwarto ni Rake, nagulat s'ya when she found out it's an open space. Rake was sleeping in the bed at the floor; his body was showing. May malaki rin salamin sa ulunan ng kama nito at may bakal sa gilid.

Napangisi si Ericka, she didn't know if he's asleep already o kung nagtutulog-tulugan lamang ito para hindi n'ya istorbohin.

She tiptoed her foot carefully sat on Rake's bed. Inayos n'ya ang buhok n'ya at humiga sa gilid nito. She slowly snaked her hand around his navel.

Nagulat s'ya ng biglang pigilan ni Rake ang kamay n'ya.

"I said I'm helping you rest. Not this." nakapikit na saad ni Rake.

"If that's really your plan, Rake. Hindi naman tayo teenager na kapag pinatuloy sa isang bahay magjajack en poy lang magdamag." she mocked.

"What happened to your wasted self awhile ago?" nayayamot na sabi ni Rake.

"Gone." deretsong sagot ni Ericka.

Huminga ito ng malalim. "Bipolar lady, now sleep." tumalikod si Rake sa kanya pero pilit padin nilalagay ni Ericka ang kamay sa bewang nito.

"Okay, let's sleep." Ericka said.

Tinatanggal ni Rake ang kamay n'ya pero mas lalong hinigpitan ni Ericka ang kapit dito.

"Don't." utos ni Ericka. "Let me do this, Rake. Parang wala naman nangyari sa atin noong mga nakaraan araw."

"Just shut up already, Ericka."

"I like you here... I'm comfy." she said again.

"Matulog kana." Rake said. "Hindi ako mahuhulog sa patibong mo."

"If that's what you believe, na patibong lang ang lahat. Then go. I want to cuddle."

"Ericka please---"

"Sleep. Cuddle." ulit na naman ni Ericka rito at inilagay muli ang kamay sa katawan ni Rake. "We haven't done this before." komento ni Ericka.

Walang nang sumagot sa kanya.

"Sleep." said Rake then held Ericka's hand and bring closer to him.

Ericka smiled triumphantly but at the back of her mind. There was her mother, staring at her hideously.

I know, mama... Just this night. We let our walls down.

My Favorite GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon