Part 9

20.8K 998 109
                                    

Isa raw sa patakaran ng EL Ordre na magpanggap na hindi namin kilala ang bawat myembro sa labas ng organisasyon. Kapag daw kasi may nagtanong kung paano namin nakilala ang isa't isa, syempre hindi raw namin pwedeng ipaalam ang tungkol sa EL Ordre. We must pretend we don't know each other, unless introduced in a normal way.

I think I would have a hard time doing that. Hindi ko siguro maitatago ang excitement ko kapag nakita ko ang ibang mga myembro sa labas. I'll be thrilled and excited if I met them coincidentally outside the organization.

Ah... What should I do? Should I practice? Should I train myself to just ignore them when that happens?

Feeling ko talaga mahihirapan ako. Ngayon pa nga lang na opisyal na akong kasali sa EL Ordre, gusto ko na kaagad kaibiganin ang lahat.

Sadly, I can't do that.

Will I be able to befriend them if we're in a normal situation? Gusto ko silang maging Kuya lahat. Ang aastig nila, eh.

I checked myself in front of the mirror and put on my necktie. I was about to do my hair so I looked for the hair wax pero hindi ko iyon nakita sa ibabaw ng desk drawer kung saan ko iyon madalas na inilalagay. I looked for it, halos tanggalin ko na ang mga gamit sa ibabaw ng desk cabinet dahil baka natabunan lang. But it was nowhere to be found.

I frowned. Kahapon lang ginamit ko pa 'yon, ah?

I looked at the digital clock on top of my study table. I still have enough time to look for my hair wax. Ayokong hindi nakaayos ang buhok ko kapag pumapasok o umaalis man. Nakabagsak lang kasi 'yon, and I didn't like that style.

Naglinis kaya si Nanay Flor ng kwarto ko? But every time she cleans my room, hindi n'ya naman nilalagay sa iba ang hair wax ko. Alam n'ya kasing madalas ko 'yong ginagamit kaya hindi ko rin tinatago. She knew I always put it somewhere reachable.

Binuksan ko ang drawer with the hope that it was there. Natigilan ako nang makita kong nandoon nga ang hair wax. I was so sure that it wasn't me who put that in there.

Baka si Nanay Flor?

I sighed. I opened the container and put wax in my hair. Inayos ko iyon sa paraang gusto ko. Ang mga nakabagsak na buhok sa harapan ay pinagparte ko. I parted my bangs to the side, showing my forehead.

I checked myself in front of the mirror again and when I got contented with my looks, I took my bag. Isinukbit ko iyon sa mga balikat ko at lumabas na ng kwarto.

"Nanay Flor!" I called her as I jogged my way down the stairs.

I found her in the dining room, fixing the table for breakfast.

"James, hijo, ang aga mo naman?" she said as she put the plates on the table. "Aakyatin pa lang sana kita para gisingin—"

Napatigil si Nanay Flor nang tingnan ako. She looked surprised. Maya-maya ay nakitaan ko ng pagkalito ang mukha n'ya.

Ibinaba ko muna ang bag ko sa sofang nadaanan ko at umupo sa hapag.

"Nanay Flor, sa ibabaw po sana ng desk drawer n'yo ilagay 'yung hair wax ko po. Du'n ko po kasi 'yon laging nilalagay, eh," I said.

"Ha? Ah... Du'n ko naman nilalagay 'yon kapag naglilinis ako ng kwarto mo."

Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain.

"Nakita ko pong nasa loob ng drawer, eh. Hindi naman po ako ang naglagay nu'n du'n."

Nanay Flor frowned. She looked even more confused. Then, she gave me an apologetic smile.

"Baka nakaligtaan ko lang," she said. "Pasensya ka na, hijo. Alam mo namang ako'y tumatanda na."

I smiled widely and shook my head at her.

SHIELDER (CPAGS Epilogue)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon