Nagising ako sa pakiramdaman na parang may bumagsak na kung anong sobrang bigat na bagay sa tyan ko. It was so damn heavy I thought I would vomit all my guts out! Kahit yata patay, magigising kapag gano'n!
Wala sa oras tuloy akong napabangon habang hawak ang tyan na nasaktan. I was groaning and was still disoriented with sleep. I saw Lilac looking at me with those innocent eyes.
"Huh? Lilac?"
I stared at the cat. That's only when I realized what probably happened.
Nainis ako. Naputol 'yung magandang panaginip ko! Naputol ang magandang pakiramdaman na 'yon! The feeling when I was back at home and when I was just happy and comfortable. Naputol dahil tinalunan ni Lilac ang tyan ko!
I glared at the cat. Papagalitan ko na sana but I noticed that I was in a... different place. The apartment looked just like mine but... mirrored.
"Nasa'n ako? Hindi ko 'to apartment."
What happened? Bakit baliktad na ang apartment ko? Am I hallucinating again? Tulog pa ba ako? Nananaginip lang ba ako?
Napahawak ako sa tyan ko at napatingin kay Lilac. Masakit. Ibig sabihin, gising na nga ako.
So, nasaan nga ako?
I looked around but then I heard some movements and sounds of utensils. Napatingin ako sa pinanggagaglingan ng tunog na 'yon. Pero pakiramdaman ko ay mas lalo pa akong naguluhan nang makita ang isang babae na gumagalaw sa loob ng kusina at nag-aayos ng lamesa.
It was Rey. I knew it was her with just one glance. Kahit na abala s'ya at medyo nakayuko nang ilapag ang mga plato sa lamesa, alam kong s'ya nga 'yon.
Is this her apartment? Kaya siguro mirrored ang lahat! Gayang-gaya kasi ang ayos ng apartment ko pero baliktad nga lang.
But how did I end up here? Wala akong natatandaang nakapasok ako sa apartment n'ya. O kung napagbuksan man n'ya ako ng pinto. And I know none of the alters switched out! Masyadong pagod ang katawan ko at naghahanap na talaga ng pahinga.
I groaned inwardly. This is frustrating! This is the part I hated the most about my condition! Bukod pa sa pagkakaroon ng alters!
Or maybe... Maybe my desire to sleep inside Rey's apartment prevailed, which drove my body to be here. Hindi ko nga lang alam kung paano ako nakapasok. It doesn't seem like I forced my way in, which relieved me. Ayokong matakot sa 'kin si Rey.
Hindi n'ya ako ginising at hinayaan lang na matulog sa apartment n'ya. She's really kind.
Kaya naman din gustong-gusto ni Lilac na dito na sa apartment ni Rey matulog. Here's the traitor cat, looking at me. Ginising pa talaga ako dahil inagawan ko s'ya ng pwesto sa pagtulog!
Groaning inwardly, I stood up. Nahihiya akong naglakad sa bungad ng kusina at pinanood lang sa pagkilos si Rey. She moved swiftly and comfortably. I could get used to a view like this every day.
Napatingin ako sa lamesang inaayos n'ya at nakita ang dalawang platong nakahanda roon. Natigilan ako. Mukhang naghahanda ng pagkain si Rey. Dalawang plato kaya ibig sabihin, may kasama s'ya.
A boyfriend?
My heart suddenly sank with that thought.
A husband? But I didn't see a ring on her fingers.
Or a live-in partner?
Tinigilan ko na ang pag-iisip dahil mas sumasama lang yata ang loob ko.
Nag-angat ng tingin si Rey. Naramdaman yatang nandoon ako at nakatitig sa kanya. I scratched the back of my head and looked away even though all I wanted to do was to stare at her.
BINABASA MO ANG
SHIELDER (CPAGS Epilogue)
General FictionChess Pieces Aftermath: Gray Sanford Epilogue