I

164 1 0
                                    

"Job well done. Naging mabili ang mga inilabas na Magasin noong ikaw ang itinampok sa unang pahina."

Sabi ng aking boss na nakaupo habang pinag-mamasdan ang aking mga litrato. Iniabot naman niya ito sa akin.

"Ikaw talaga ang gusto ng karamihan, Alana. Ito ang pinakamataas na benta na aming nalikom sa loob ng tatlong taon. Kaya naman ikaw muli ang balak naming itampok sa susunod na issue."

Napa-upo ako nang maayos dahil sa narinig. Totoo ba ito?! Dalawang beses sa isang taon ako itatampok ng isa sa mga pinakamalaking limbagan ng bansa?!

Inilagay ko ang aking kamay sa tapat ng dibdib dahil sa gulat. "Totoo ho ba, sir Andres?"

Tumango siya. "Congratulations, Miss Alana. Nag-papasalamat din kami sa iyong pag-tanggap ng aming alok para maging unang pahina sa aming mga Magasin."

Inilahad niya ang kaniyang kamay na agad kong tinanggap. "Salamat din po sa oportunidad. Hindi ko ito palalampasin."

"Inaasahan ko na ang iyong pag-balik sa Hunyo para mag-simula ang shooting. Hihintayin muna natin na maubos ang mga nirelease at saka tayo mag-lalabas muli makalipas ang ilang buwan. Pag-hitayin natin ang mga nag-aabang para kahit papaano ay masabik sila."

"Sige po, sir. Salamat pong muli." Sabi ko at saka lumabas ng kaniyang opisina.

Ang puso ko'y nag-lululundag sa saya. Unti-unti nang natutupad ang pangarap ko na magkaroon ng pangalan sa industriya. Noon ay maging model lang, pero syempre, sa pag-lipas ng panahon ay dapat mas tumaas ito.

Nasa tamang edad na ako para maitampok sa mga pang-matandang nilalaman. Hindi ko naman ikinahihiya dahil hakbang din ito para makamit ko ang aking pangarap. Bukod doon, sayang naman ang oportunidad. Paniguradong makakagawa ako ng pangalan kung kilala rin ang aking papasukang kompanya.

Ilang buwan akong nag-handa para sa panibagong proyekto. Halos araw-araw akong nag-eensayo, nag-titimbang, at nag-susukat ng pagkain. Bilang isang modelo, mahalaga ang panlabas na anyo dahil ito ang iyong ipapakita sa madla.

Akin na lamang pasasalamat na simula noong nag-modelo ako ay hindi ako nawawalan ng proyekto. Minsan, naiisip ko, siguro'y sulit naman ang lahat ng aking iniwan kapalit ng aking pangarap dahil heto na ako... malapit na sa tuktok.

Wala akong pag-sisisi na nawala siya sa akin. Hindi ko man siya kapiling na ay narito pa rin naman siya sa puso ko. Kung dumating man ang bago kong mamahalin ay... paniguradong may parte pa rin siya rito sa puso ko.

Madalas din ang pag-dalaw ko sa mga klinika upang ipatingin at paalagaan ang kondisyon ng aking balat. Hangga't maaari ay dapat mukha itong malusog. Hindi maganda kung mukha akong tuyot at putla sa mga litrato.

Makalipas ang ilang buwan ay nakatanggap muli ako ng tawag, hudyat na sisimulan na ang shooting.

Kasunod ko sa aking likod ay ang aking assistant at manager. Sila ang mangunguna sa pag-aasikaso sa akin.

Buhay na ang mga ilaw sa harap ng salamin kung saan ako aayusan. Nag-simula na sila pati na rin sa aking buhok. Dahil sa pag-kainip ay naka-iglip ako. Nang gumising ay ang katawan ko na ang nilagyan ng mga pakinang. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa photoshoot area.

Naka-suot lang ako ng roba na tatanggalin din kapag naroon na ako sa harap. Nang tuluyang matapos at handa na ang lahat ay lumakad ako paroon.

Unti-unting nawala ang saplot sa aking katawan. Mabuti na lamang at propesyunal ang lahat ng narito dahil imbis na matakot ay mas naintinmida ako. Inaasahan siguro nila ang aking pagiging propesyunal din sa pag-momodelo.

Kahit nagawa ko na sa iba pang mga proyekto ay narito pa rin ang kaba. Masyado kasing perpeksyonista ang photographer na ito. Halos lahat ata ng kilalang artista, maging ang pinaka-magagaling, ay naka-trabaho na niya.

Tinuturuan nila ako kung paano ang gagawin, kung saan ipagkukrus ko ang aking mga binti habang ang mga braso ay nakatakip sa aking dibdib. Mamasa-masa rin ang aking buhok habang fierce naman ang aking make-up.

Sariling katawan ko lang din ang tumatakip sa sarili. Pumosisyon naman ako kung saan sa tingin ko'y kaakit-akit at saka tumingin din ng ganoon sa kamera. Pag-bilang niya ng tatlo ay natanaw ko ang puting ilaw na patuloy sa pag-kislap habang patuloy kong iginigiya ang katawan.

Sa ilang oras na iyon ay marami pa akong pose na nagawa. "Ayos. Ang gaganda ng mga kuha." Sabi ng aking assistant habang sinusuotan ako ng roba.

Umuwi akong pagod ngunit masaya. Minsan, sa tuwing ako ay mag-isa rito sa aking apartment, habang nakatingala sa mga bituin ay aking naiisip kung kumusta na kaya siya. Ano na kaya ang balita? Naabot na rin kaya niya ang kaniyang pangarap? Masaya rin ba siya palagi dahil ginagawa niya ang gusto niya?

"O baka naman empleyado na lamang siya ngayon at hindi na tumuloy sa pag-tanghal sa entablado?" Nag-pahalumbaba ako at humigop ng kape. "Hay, Alana. Bakit ba palagi mo pa rin siyang iniisip kung pinili mo ang umalis? Baka nga mayroon na iyong pamilya ngayon,"

Bumuntong hininga ako. Nahirapan ako noong kakahiwalay pa lamang namin dahil akala ko'y buong buhay ko siya kasama. Na hindi ko dapat ikatakot ang kinabukasan dahil paniguradong nariyan siya sa aking tabi hanggang dulo.

Ngunit pag-babago lamang ang permanente sa mundo. Ngayon ay mag-isa na lamang akong nabubuhay habang naka-pokus sa trabaho. Sabi ng iba'y mag-asawa na ako pero gusto ko munang umasenso. Saka na iyon.

Iniisip ko nalang na siguro'y may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Isa sa mga natutunan ko ay ang pag-tayo sa sarili kong mga paa. Noon kasi'y... parang pag-mulat ko pa lamang ng aking mga mata'y nariyan na siya. Bago pa man ako mapahamak ay nariyan na siya.

Kay sarap balikan ng lahat. Ngunit hanggang ala-ala na lamang ang mga ito.

Ilang buwan muli ang hinintay bago inilimbag ang tinrabaho ko nitong nakaraan. Malaki raw ulit ang naging kita at nagkaroon pa ako ng iba't-ibang interbyu. Panay lamang ang aking ngiti sa mga kamerang walang tigil ang pag-tutok sa akin saan man ako dumako.

"Maraming Salamat po sa inyong suporta. Pangako ko po na mas gagalingan ko pa sa aking mga susunod na proyekto, Salamat pong muli." Sabi ko bago tuluyang umalis sa kinaroroonan.

~~~

Aking ikagagalak ang inyong mga komento at boto kung nagustuhan ninyo ang kabanatang ito.

E-Heads Playlist #3: MagasinWhere stories live. Discover now