VI

25 0 0
                                    

"Wala lang iyon."

Sabi ko kay Alfonso habang nag-lalakad kami pauwi.

Naka-busangot pa rin ang mukha niya. "Bakit ba kasi hindi ka nalang bumalik sa studio. Gabi na. Paano kung may gawin sa iyo si Jacinto? Baka nalilimutan mo, mas matanda iyon sa atin at hindi mo alam ang mga kaya niyang gawin."

"Masyado mo naman siyang pinag-iisipan ng masama. Kumain lamang naman kami ng balut."

Hinarap niya ako. "Iniisip lamang kita. Hindi ko naman kilala ang pag-katao niya dahil hindi ko naman siya nakaka-usap. Ni hindi ko nga masabi kung katiwa-tiwala ba siya."

Bumuntong-hininga ako. "Huwag na natin itong pag-awayan, Alfonso. Wala lamang saysay. Wala ka naman dapat ipag-alala. At isa pa, sa tingin ko'y kaibigan ko na si Jacinto. Kaya siya tahimik ay may malalim na dahilan."

Mas kumunot ang kaniyang noo. "Wala akong pakialam doon. Ang sa akin, layuan mo na si Jacinto-"

"Kawawa naman siya. Wala siyang kaibigan," pag-putol ko sa kaniyang pag-sasalita kaya napapikit ang kaniyang mata. 

"Alana, hindi mo siya obligasyon. Hindi siya nakikipag-usap sa ibang tao dahil iyon ang gusto niya. Huwag mo na siyang kulitin. Mas mabuti pa'y lumayo ka na lamang sa kaniya kaysa mag-kaproblema pa ang banda." 

"Alam mo, para kang iyong mahal ni Jacinto. Pinipigilan siyang makipag-kaibigan. Huwag kang maging makasarili, Alfonso. Sa iyo ako ngunit may karapatan din ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo mo sa kaniya ngunit huwag mo na akong idamay. Huwag mo akong ikulong sa iyo at sa mga gusto mo. Ipinapakita mo lamang na wala kang tiwala sa akin." Sabi ko at iniwan siya sa ilalim ng poste. 

Nag-lakad na ako mag-isa pauwi. Kaya ko ang sarili ko, gusto kong makita niya iyon. Para rin ito sa kaniya. Para hindi niya rin ikulong ang sarili sa akin gaya ng ginagawa ni Jacinto. Isa pa, hindi maganda ang ginagawa niya. Hinuhusgahan niya agad iyong tao kahit hindi pa naman niya alam ang buong istorya. 

Uminit din ang dugo ko noong pinipigilan niya akong makipag-kaibigan. Nainis ako nang malaman ang dahilan ni Jacinto at ayaw kong gumaya pa si Alfonso sa ganoon. Kung si Jacinto ay matitiis ang ganoong pag-trato, ako'y hindi. 

Inagapan ko ang pasok sa eskwela dahil alam kong susunduin ako ni Alfonso. Ayoko munang mag-usap kami dahil kilala ko iyon, paniguradong mainit din ang dugo hanggang ngayon. Sa tuwing nag-aaway kami ay hindi siya dumidistansiya sa akin. Nga lang, hindi ako masyadong kinaka-usap. Ang mahalaga sa kaniya'y mag-kasama pa rin kami. 

Mabuti na lang at hindi kami mag-kaklase. Sa lahat ng pag-kakataon na pwede kaming mag-kasalubong ay iniwasan ko. Dali-dali rin akong umuwi para hindi muna makasama sa kanilang praktis. Baka imbis na tumugtog sila ay masira pa dahil sa akin. Nakakahiya naman sa mga kabanda niya. 

Gumagawa ako ng mga asignatura nang may tumawag sa aking telepono. Halos hindi ako nakagalaw at  kinalaunan ay napatalon sa saya nang malaman na natanggap ako sa mga mag-momodelo para iendorso ang isang brand ng pabango. Hindi ko maipaliwanag ang saya na sa puntong ito ay gusto kong puntahan si Alfonso para sabihin sa kaniya. 

Ilang beses din akong sumubok at bumagsak. Halos sumuko na rin ako. Sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko sa Diyos, pati na rin kay Alfonso na walang sawang sumuporta sa akin. 

Gusto ko na talagang sabihin sa kaniya ang balitang ito na nag-desisyon ako na kausapin na siya bukas. Mas mabuti siguro kung maipapaliwanag ko nang maayos ang mga gusto kong iparating sa kaniya kagabi. Baka kasi hindi pa niya masyadong naiisip dahil parehas kaming napangunahan ng galit. 

Hindi ako makatulog kahit gabi na. Pinoproseso ko pa rin ang lahat kaya siguro buhay na buhay pa ang diwa ko. Lampara na lamang ang bukas na ilaw sa aking kwarto habang nakatitig sa kisame nang maka-rinig ako ng tugtog mula sa gitara. Nang-gagaling iyon sa labas, siguro'y mga tambay. 

"Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka makasama ka
Yan ang panalangin ko"

Kumunot ako sa pamilyar na boses. 

"At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin"

Sa kuryosidad ay tumayo ako at sumilip sa bintana. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Alfonso kasama si Leorio at Kristian sa labas ng aming bahay! Si Alfonso ay nag-gigitara habang ang dalawa pa ay nasa gilid nito, sumasabay sa himig ng kanta. 

"Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita"

Nang matapos ang kanta ay nginitian niya ako. "Alana! Sori na!" Sigaw niya kaya't tumingin ako sa paligid. Baka natutulog na ang ibang tao! Sinenyasan ko siya na huwag maingay at dali-dali akong lumabas ng bahay. Nang mag-tama ang aming tingin ay tumungo siya. "Patawad, Alana. Huwag ka nang magalit sa akin. Ayoko ng iniiwasan mo ako."

"Patawarin mo na, Alana. Kawawa naman si Alfonso," nag-papaawang sabi ni Leorio kaya't natawa ako. 

"At talagang nag-sama ka pa ng kakampi, ha!" nag-bibiro kong sabi. 

"Hindi! Para lamang may second voice kaya kami sumama." Agad na tanggi ni Kristian. "Pero kung ako sa iyo Alana, patawarin mo na si Alfonso. Natural lang naman siguro ang mag-selos sa isang relasyon!"

"Hindi ako nag-seselos." Singit naman ni Alfonso. "Nag-aalala lang ako kay Alana."

"Nag-aalala ka na baka maagaw ang syota mo. Edi nag-seselos nga!" Sabi ni Kristian at nag-apir pa sila ni Leorio. Parehas naman silang binatukan ni Alfonso. "Ayaw mo pang aminin, iyon lang naman iyon."

"Hindi ako nag-aalala dahil alam kong ako lang ang mahal ni Alana." Tiningnan niya ako. "Diba...?"

Bago pa man ako makapag-salita ay sumingit na si Leorio. "Nako! Ang tagal sumagot! Yari ka, Alfonso! Naagaw na yata ni Jacinto ang puso ni Alana-" Hindi nito naituloy nang iabot padabog sa kaniya ni Alfonso ang gitara at itinama ito sa braso niya. 

"Manahimik ka nga." Tuwang-tuwa naman si Leorio, kitang-kita ang selebrasyon sa pang-aasar sa kaibigan. "Alana, galit ka pa ba sa akin? Kinausap ko na si Jacinto. Sinusubukan ko na ring makipag-kaibigan sa kaniya." 

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ba't mainit ang dugo mo roon?" Hindi ako makapaniwalang ginawa niya para mag-kaayos kami! Ngayon ay mas nakikita ko ang mga bagay na kayang gawin ni Alfonso para sa akin!

"Mas iinit ang dugo ko kung dahil sa akin, lalayuan mo ako."

"Naks, mapag-mahal na nobyo!" batos ni Kristian. 

Hinawakan ko ang mga pisngi ni Alfonso at binigyan siya ng ngiti. "Huwag kang mag-alala, hindi na ako galit." Nabuhayan naman ang kaniyang mukha. "Hindi rin naman kita matitiis kung sakali. Plano ko nang kausapin ka bukas kung hindi ka nag-pakita sa akin ngayon."

Ipinag-lapat niya ang aming noo. "Huwag mo na itong uulitin. Hindi ako sanay nang hindi tayo nag-kikita dahil sa away." 

Tumango naman ako at hinalikan ang kaniyang pisngi. "Syanga pala," pag-hiwalay ko. "May maganda akong balita." Tiningnan lamang niya ako para hintayin ang aking sasabihin. "Natanggap ako sa pinag-awdisyunan ko noong isang linggo!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Talaga?!" Tumango ako. Tumalon naman siya at agad akong niyakap. "Sabi ko na matatanggap ka roon, e! Congrats!" 

"Anong mayroon?" Tanong ni Kristian. 

"Pasali naman kami," nag-tatampong sabi ni Leorio. 

"Nag-awdisyon si Alana sa pag-momodel. Natanggap siya. Batiin nyo naman!"

"Ayos, ah! Congrats!" parehas na sabi ng dalawa. "Siguro'y manlilibre si Alana bukas pag-katapos ng praktis," nang-aasar na sabi ni Kristian. 

"Iyan ang alam mo! Puro ka palibre!" Pag-sermon ni Alfonso at natawa naman kami. 

"Oo ba! Ako ang bahala sa inyo bukas!"

~~~

Aking ikagagalak ang inyong mga komento at boto kung nagustuhan ninyo ang kabanatang ito.

E-Heads Playlist #3: MagasinWhere stories live. Discover now