X

30 1 2
                                    

"Ingat!"

Masiglang paalam ng aking katrabaho.

Simula noong unang araw ko ay naging mabuti naman ang lagay ko rito sa Maynila. Marami pang kailangan pag-aralan ngunit nakakayanan naman. 

Ilang linggo pa lamang ako sumasabak sa mga pictorial ay nag-paalam ako kay Miss Balero na umuwi muna.

Hindi ko matiis na hindi makausap si Alfonso. Nagagawa ko ang aking trabaho nang mabuti ngunit madalas ay wala ako sa pokus kaiisip. Hindi ko kakayanin ang basta-basta na lamang umalis na hindi man lang siya nakakausap.

Naniniwala akong maayos pa namin ito. Na hindi pa ito ang wakas. May hindi pag-kakaunawaan pero nabigyan na naman namin ng oras ang isa't-isa para maproseso ang lahat. Alam kong mahal ako ni Alfonso at kapag bumalik ako ay babalik din kami sa dati.

"Happy Birthday, Lily!" Sigaw ng host nang matapos kantahan ng pag-bati ang may kaarawan.

Magagarbo ang mga kasuotan ng kaniyang mga bisita. Umupo ako malayo sa entablado at nakita si Alfonso na naroon sa tabi ni Lily, pasunod-sumod kung saan man siya pumupunta.

Ang tatlo naman ay nag-hihintay kung kailan sila tutugtog. Mag-sasalita muna ang may kaarawan sa pag-kakaalam ko, at pagkatapos pa noon sila makakatugtog.

"Thank you everyone for celebrating my sweet sixteenth birthday with me!" Nag-palakpakan ang lahat. Pinasalamatan din niya ang kaniyang magulang at mga nag-organisa ng kaniyang kaarawan.

Matapos noon ay nag-simula na ang tugtugan. Marami ang nag-sasayawan sa gitna. Dumarami na rin talaga ang mga taga-hanga nila Alfonso. Marami ang kumukuha sa kanila ng litrato. Akala mo'y mga artista.

Nakangiti ako habang pinapanood sila. Nakakatuwa na pati siya ay may hakbang na rin tungo sa kaniyang pangarap. Ipagmamalaki ko siya, maliit man o malalaking tagumpay ang matamo niya.

Alas-dose natapos ang kasiyahan. Wala na ang mga bisita at tanging mga taga-linis lamang, pati sila Jacinto na nag-aayos ng gamit ang natira.

Lumapit ako kina Kristian na nasa gilid ng entablado. Mukha naman silang nagulat sa aking presensya. "Kristian, si Alfonso?" Lumingon-lingon ito.

"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong niya at niyakap ako bilang pag-bati. Ganoon din ang ginawa nina Leorio. "Bigtime ka na, ah!"

"Sira. Kakasimula ko pa lang," natatawang sabi ko.

"Ganoon na rin iyon!" Pag-tawa rin niya. "Narito lang si Alfonso kanina. Baka umihi lang,"

Tumango ako at hinanap ang banyo. Gusto ko na siyang makita para makausap at batiin na rin sa isa na naman nilang matagumpay na pag-tatangghal.

"Thank you talaga Alfonso, ha. Salamat din sa gift mo. Iyon ata ang favorite ko sa lahat ng natanggap ko." Narinig ko ang boses ni Lily habang hinahanap ang banyo kaya't sinundan ko naman kung saan ito nang-gagaling.

"Wala iyon. Happy Birthday ulit." Ani Alfonso na nakatayo sa harap niya. Narito lamang pala sila sa hardin.

Tatawagin ko na sana si Alfonso ngunit natigil ako nang hinalikan ni Lily ang kaniyang pisngi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Lily nang makita ko sila, ganoon din si Alfonso na mukhang hindi inaasahan ang aking pag-dating.

Inilipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. Wala akong naiintindihan sa nangyayari. Basta't mabilis lang ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito.

"A-anong ibig sabihin nito?" Halos nanginginig ang aking buong katawan.

"Alana, we're just-"

"Alfonso!" Hindi ko pag-pansin kay Lily. Umiwas lang siya ng tingin at itinikhom ang bibig. Nilapitan ko siya at tinulak. "Paano mo ito nagawa sa akin?!"

E-Heads Playlist #3: MagasinWhere stories live. Discover now